Chapter Thirty Seven- Gaya ng dati

1.1K 29 0
                                    


"Alex stay in your room, im coming to get you" really? he will save me?.

"Xander" gusto kong maiyak sa nangyayari, gaya noon ililigtas niya uli ako sa mga taong walang magawa kundi pakialaman ang buhay ng ibang tao.

"Listen to me, wag kang magbubukas ng pinto. Tatawagan kita pag nandiyan na ako okay?" nag-aalala siya sakin alam ko yun.

"Maghihintay ako Xander" tumulo na luha ko.

Maghihintay ako Xander, hihintayin kita hindi ako mapapagod. Susundin ko na ang puso ko, hindi na ako matatakot. Mahal kita yun nalang ang panghahawakan ko ang pagmamahal ko sayo.

Lumipas ang ilang minuto nang tumunog uli ang phone ko, alam ko na kung sino yun, its him. His here to save me.

"Open the door" saad niya.

Agad kong tinungo ang pinto at binuksan yun ng kunti, saka pinagkasya niya ang sarili doon para makapasok dahil nandoon parin ang reporter at camera man.

Agad akong napayakap sa kanya at hindi na napigilang maiyak. Isinubsob ko ang mukha sa leeg niya at doon ibinuhos ang takot, iyak lang ako ng iyak habang hinihimas niya ang likod ko.

"Sssshhh, dont cry baby im here, nandito ako" alo niya sakin na epiktebo naman, gumaan ang loob ko sa isiping hindi ako nag-iisa dahil nadito siya para sakin.

Hindi ako makapagsalita sa kakahikbi habang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Kailangan na nating umalis Alex" tmango lang ako habang pinupunasan niya ng daliri ang mga luha sa pisngi ko.

Binitbit niya ang bag ko saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at lumabas kami ng kwarto. Deretso kami sa elevator akala ko bababa kami peru hindi dahil papuntang roof top ang pinindot niya. Ang taga media ay pilit humabol samin peru hindi nila naabutan ang pagsara ng pinto ng elevator.

Nakayakap parin ang dalawa kong kamay sa katawan niya habang nakaakbay naman siya sakin, ganun ang ayos namin nang bumukas ang ekevator at sinalubong kami ng isang lalaki marahil tauhan ni Xander. Pinauna niya kami sa pag akyat ng hagdan papunta sa pinaka tuktok ng building.

Naka abang na pala sa amin ang isang helicopter na siguro pag-aari ni Xander. Inalalayan niya ako papasok sa helicopter at kinabitan ng headphone at saka inayos naman ang sarili sa tabi ko. Nang nasa himpapawid na kami saka lang ako nakahinga ng maluwag at sa wakas malayo na din kami sa kanila.

"Are you okay?" tanong niya habang pisil ang kamay ko. Tango lang ang naisagot ko at itinuon ang atensiyon sa city lights.

Nagising ako sa gutom kumakalam ang sikmura ko, nagrereklamo dahil hindi pa ako nakakakain. Napansin ko ang mga kamay na mahigpit na nakayakap sa may tiyan ko mula sa likod. Dahan dahan akong gumalaw at hinarap siya, minasdan kong mabuti ang maamo niyang mukha, ang magagandang mata, makakapal na kilay, matangos na ilong, mapupulang labi na kay sarap halikan. Isinuklay ko ang daliri sa buhok niya at saka dinampian ng halik ang labi niya. Its been three years nang huli kong mahalikan ang mga labi niya at sabik na sabik akong halikan uli ang mga ito. Hinimas himas ko ang mukha niya, at muli binigyan ko siya ng matamis na halik.

Aayusin natin ang lahat Xander, magiging okay tayo, gaya ng dati.

"Hmmm Alex" nabigla ako nang magsalita siya, agad kong inilayo ang kamay ko at mukha ko sa kanya, nakakahiya kasi baka isipin niya minomolestya ko siya habang tulog.

"Nagising ba kita? sorry" buti nalang patay ang ilaw at tanging Aninag lang ng lampshade ang nagbibigay liwanag sa silid, kung hindi malamang nakita na niya ang pamumula ko.

"No its okay, hindi ka makatulog?" ang bango parin ng hininga niya kahit bagong gising, eh ako? ano amoy ng hininga ko?.

"Nagugutom ako, hindi kasi ako nakapag dinner kagabi." nakakahiya man kailangan sabihin dahil baka mamatay ako sa gutom.

"Come i'll prepare food for you." bumangon naman ako at saka ko lang napansin nakasuot na ako ng t-shirt at boxer niya na mas lalong nakapagpamula sa mukha ko.

"Ikaw nagpalit ng damit ko?" tanong ko habang nakasunod sa kanya papuntang kitchen.

"Yeah, peru dont worry maingat naman ako and i respect you." saad nito habang patuloy sa paglalakad.

Hindi pamilyar sakin ang lugar, hindi ito ang condo unit niya. Kaya habang busy siya sa kusina pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar, sobrang laki nito mukhang pent house.

"Food is ready." sigaw niya mula sa kusina kaya agad akong tumungo doon.

Hindi sa pagkain nakatuon ang mata ko kundi kay Xander na mukhang pagkain. Naka sando lang ito na hapit sa maganda nitong katawan, kita ko ang malalapad niyang dibdib ang kanyang braso.

"Dont just stand there, come here and eat." tawag niya sakin na naestatwa sa kakatitig sa kanya.

Dumulog ako sa dining table, nabigla ako sa nakitang pagkain, apat na putahe ang nandun at nakakatakam kainin.

"Niluto mo to lahat?" tanong ko, ilang minuto palang naman kami dito sa kusina nakapagluto na siya ng ganun ka dami?.

"Kagabi pa yan pinadeliver ko, peru wala ka yatang balak gumising kaya inilagay ko nalang sa ref at ininit ko nalang." Busy siya sa kakalagay ng pagkain sa plato ko at tinabihan ako sa pagkain.

"Salamat Xander hah! for this at sa lahat." saad ko habang nasa pagkain ang mata.

"Look at me." hinawakan niya baba ko at pinaharap sa kanya." basta para sayo gagawin ko lahat Alex." at sumilay ang matamis niyang ngiti.

Niyakap ko siya uli, ang saya ko kaya katabi ko ngayun ang mahal ko, at gagawin niya pa lahat para sakin. Ano pa hahanapin ko? ano mang mangyari masaktan man ako ulit wala na akong pakialam basta ang importante ang ngayun.

"Kagabi ka pa yakap ng yakap sa maganda kong katawan ha, quota ka na Alex." saad niya na yumakap din sakin.

"Ayaw mo?." aalis na sana ako sa pagkakayakap sa kanya peru mas hinigpitan niya ang yakap sakin kaya hindi na ako makaalis.

"Biro lang naman, ikaw lang kaya pwedeng yumakap sakin ng ganito." ang sarap sa pakiramdam, sobrang sarap.

Ilang minuto din kaming nasa ganung ayos bago bumalik sa pagkain. Wala na akong kinakatakutan ngayun dahil nasa tabi ko na ang taong mahal ko.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon