Alex's POV
"Mama where's super friend na! the game is about to start." nag aalalang tanong sakin ni Dj.
Nandito kami sa school ni Dj ngayun dahil sa family day nila at my parents is kinda too old para sumali sa mga laro dito kaya kami nalang ni Xander ang magiging parents ni Dj today. Speaking of Xander kanina pa siya wala at five minutes nalang ay magsisimula na ang games. Tinatawagan ko siya peru hindi naman sumasagot kaya super nag-aalala na rin ako, hindi ko nalang ipinakita kay Dj.
"Naku! itatapon talaga kita sa mars Xander ka pag hindi ka dumating!" umuusok na ilong ko sa kakahintay
"Families please prepare for the games, magsisimula tayo after two minutes." tawag ng emcee na mas lalong nagpakaba sakin.
"His not coming mama." malungkot na saad ni Dj saka yumakap sa mga hita ko.
"No baby, darating si Super friend okay? na traffic lang yun." hinimas ko nalang ang likod niya.
Paano nga kung hindi siya dumating? masasaktan na naman si Dj, at masasaktan ko din talaga si Xander pag nangyari yun.
Nabigla nalang ako nang may yumakap sa likod ko at hinalikan ang batok ko, nabuhayan ako ng loob nang maamoy ko ang scent niya.
"Late na ba ako?" kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinarap kami ni Dj.
"Super friend!" lumiwanag ang mukha ni Dj nang makita si Xander at mabilis na nagkarga dito. " I thought your not coming."
"Mapapalampas ko ba ang araw na to, siyempre hindi malakas ka sakin eh," tumingin siya sakin peru inirapan ko lang siya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na nga ang pagpapakilala ng every family. Nakasuot kami ng white Tee shirt na may print na Super Family si Dj ang pumili nun at siyempre matchy matchy din ang jeans naming tatlo parehong tattered sa may tuhod at pareho din kami ng rubber shoes.
"Good morning everyone i'm Super Dj and she is my Super Mama Alex and he is Super Friend Xander and i'm proud to introduce to you my Super Family." buong siglang pagpapakilala ni Dj samin sa harap ng mga kaklase niya at mga pamilya nito. Sunod sunod nang nagpakilala ang ibang pamilya at nagsimula na ang mga games na pinakahihintay ni Dj.
"Go Xander, go Xander hooooo!" pag cheer ko kay Xander habang isinusuot kay Dj ang uniform nito.
Para kasi talaga sa mga tatay ang larong yun dahil gusto ng mga teachers na makita kung kaya din ng mga tatay ang ginagawa ng mga nanay para sa mga anak bago pumasok sa skwela. Sa nakikita ko magaling naman si Xander at siya ang nangunguna.
"Yeheeeeey, panalo tayo baby." tumatalon pa ako sa tuwa nang marating nila ang kinatatayuan ko.
"Nanalo tayo mama, yeheeeeey! thank you super friend." mahigpit itong yumakap kay Xander habang nakaakbay naman sakin si Xander.
Marami pa kaming larong sinalihan at dahil sa lakas ni Xander, talino ni Dj at sa ganda ko palagi kaming panalo. Siyempre malaki ang role ng kagandahan ko dun no! hindi kaya magiging ganun kagaling si Xander kung di dahil sa beauty ko. Chos!
"Our over all champion is Super Family........." umakyat kami sa maliit na stage para tanggapin ang trophy at medal na para sa aming tatlo.
Sobrang saya ko sa nakikita ko, si Xander na karga si Dj habang ako hawak naman ni Xander ang isa kong kamay. Para na talaga kaming totoong buong pamilya may nanay, may tatay at may cute na anak.
"Thank you Mama for coming today, for taking care of me and thank you Papa.." nabigla ako sa pagtawag ni Dj kay Xander ng papa habang si Xander naman ay puno ng kislap ang mata sa tuwa." thank you papa for being strong and for making us the champion today, i love you both." saka kami niyakap ng sabay ni Dj.
Naluha naman ako sa pangyayari, hindi lang tanggap ni Dj si Xander itinuring pa niya itong ama that made me the happiest woman in the universe. Wala na talaga akong mahihiling pa sa nangyayari sa buhay ko ngayun.
"Ay! ang iyakin ni Mama baby oh!" nakurot ko si Xander sa biro niya.
"I'm just happy kayo kasi!" natatawa kong saad habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
"Kiss nalang natin si Mama baby para hindi na umiyak." at hinalikan nila ako sa magkabilang pisngi.
Kumain pa kami sa malapit na restaurant bago kami umuwi, kukitan lang ng kulitan si Dj at Xander habang ako masaya lang nanonoud sa kanila.
"Ang saya ko super." saad ko habang yakap yakap ako ni Xander mula sa likod.
Ipinahatid ko nàlang sa driver si Dj kina Mommy dahil na miss na daw sila ni Dj, sa condo ko nalang kasi lagi natutulog si Dj at kami naman ni Xander ay deretso sa kami dahil sa pagod, cuddling lang ang nagawa namin wala nang iba dahil pareho kaming pagod sa games kanina.
"Dahil masaya ka masaya na din ako." saka hinalikan niya ang batok ko na nagapatayo sa lahat ng balahibo ko sa katawan, grabe talaga ang effect niya sakin.
"Dj is much happier today and your lucky dahil ikaw lang ang tinawag nung Papa love maliban kay Daddy siyempre." hinimas ko ang pisngi niya.
"Pwede na talaga tayong magkapamilya love, pakasal na kaya tayo."
"Wow ang romantic at sweet naman ng proposal mo love nakakaiyak." biro ko sa kanya.
Pangarap ko naman ang magkapamilya, ang makasal peru hindi pa siguro ngayun at si Xander naman ngayun lang naman niya nabanggit sakin ang kasal, siguro nagbibiro lang siya. Mahal namin ang isat-isa at masaya na ako dun, at kung kami talaga ang meant to be im sure darating din kami sa kasalan.
"Tssss, wag kang mag-alala. Alam ko naman na ang sagot mo kahit hindi pa romantic at sweet ang proposal ko no." Medyo kumakapal na ata mukha ng boyfriend ko ah.
"Wow! sure na sure love ahh, paano kung no ang sagot ko anong mararamdaman mo?" humarap na ako sa kanya para makita ang reaction niya.
"Siguro bago ako magpropose sayo magsusuot ako ng vest na puno ng bomba tapos pag no ang sagot mo ay patatakbuhin kita palayo sakin tapos pasasabugin ko sarili ko, dahil pag no ang sagot mo ibig sabihin wala na din ang rason ko para manatiling buhay dito sa mundong to kaya useless na ako." napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Bakit mo kaya naisipang itanong yun Alex! baliw ka ba.
"Ang Oa ng love ko, may pa bomba bomba pang nalalaman. Hindi mo pa nasusuot ang vest mo na may bomba i'm sure pinahuli ka na ni Presidente Duterte no!" natatawa tuloy ako sa pinagsasabi niya.
"Ikaw lang naman kasi ang babaeng nagpapasaya sakin love, your my everything at hindi ko kakayanin pag nawala ka pa ulit sakin, ikamamatay ko na talaga." hinalikan pa niya ang buhok ko.
"Hindi ako mawawala sayo, mahal kita mahal na mahal na mahal love, at wala akong rason para iwan ka at kung meron man hindi kita susukuan ipaglalaban kita."
"Papasa na siguro sa MMK ang mga linya natin love, ang lakas maka drama." biro niya.
"Baliw ka talaga, at hello ikaw kaya ang nagsimula." kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aray! action kaya yung sakin may bomba pa ngang sasabog." pinagkukurot ko siya dahil sa sinabi niya.
"Kaya mahal kita eh, dahil diyan sa mga kurot mo."
"Ahh sige kurutin nalang kita palagi, ito naman pala nagustuhan mo sakin eh." imbis na masaktan sa mga kurot ko ay tawa lang ito ng tawa.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...