Sobrang hindi ko na maintindihan ang sarili ko, kung ano anu nalang ang hinihingi ng katawan ko, tamad ako lagi at kung ano-anu nalang gusto ko kainin at hindi ko na masyado hinahanap si Xander kaya nakapag focus na ako sa trabaho at ganun din si Xander kasi hindi ko na siya kinukulit.Minsan nahihilo ako at nasusuka kaya pati si Zia nag-alala na sakin. Lagi niya akong sinisermonan sa opisina daig pa niyang mommy ko at mukhang siya pa ang amo ko sa ginagawa niya. Dahil ayoko nang pinagsasabihan niya ay sinunod ko nalang siya.
Kinakabahan ako na baka kung ano ang sakit ko, wala namang may cancer o kung anong malalang sakit sa pamilya namin peru andun parin yung kaba, baka ako ang kauna-unahang magkaroon non.
"Ano po bang nararamdaman niyo Miss Rodriguez?" tanong ng doctor, kilala ko na siya kasi siya ang family doctor namin peru ngayun imbes na siya ang pumunta sa bahay para sa check up nila mama ay ako na ang pumunta sa clinic niya.
Sinabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko at lahat ng weird na nangyayari sakin as in wala akong pinalampas kahit isang detalye. Ayun marami siyang sinabing test na gagawin sakin, basta test! hindi ko na alam kung ano-anu yun.
Pagkatapos kong pumunta sa doctor ay pumunta akong mall, hindi ko pa kasi nakuha yung result dahil sa susunod na araw ko pa daw yun nakuha. Naglibot lang ako wala naman akong gustong bilhin naisipan ko lang maglakad lakad.
Gaya ng dati marami paring kumukuha ng picture ko, tsssss ang hirap pala magkaroon ng gwapu, mayaman at sikat na boyfriend pati ikaw damay sa kasikatan niya. Nasanay na ako sa kanila dahil alam na rin naman nila ang totoong status namin ni Xander at hindi na ako natatakot ngayun di gaya noon.
"Hi po Miss Alex, follower niyo po ako sa lahat ng social media account niyo ni Mr. Xander, pwede po bang magpa picture?" saad ng isang dalagitang lumapit sakin.
Ngumiti lang ako at pinaunlakan siya, hindi naman sa nagfefeeling akong artista peru ayoko lang madissappoint ang dalagita, picture lang naman ipagkakait ko pa ba. Peru akala ko siya lang, ang dami pala niyang kaibigang kasama at lahat nagpakuha ng solo shot sakin, pinagbigyan ko nalang silang lahat.
Sobrang bilis ng araw at heto na naman ako uliy sa doctor para kunin ang result ng test sakin, hindi ko na ipinaalam kay Xander dahil sure akong matataranta na naman yun sa pag-aalala sakin at si Zia naman nagsinungaling ako ng kunti sa kanya, sinabi ko kasing stress lang ang sabi ng doctor, hindi ko inaming may test na ginawa sakin.
"Doc, ano pong resulta?" gosh! kinakabahan talaga ako.
"Wag kang mag-alala Miss Alex, everything is normal wala naman akong nakitang sakit sayo, sobrang healthy mo pa nga." nakangiting saad niya.
"Peru Doc, ano po yung mga nararamdaman ko?" normal din ba yun? eh hindi naman at.
"Normal lang din yun sa kalagayan mo ngayun Miss Alex." kumunot ang noo ko, kalagayan? anong kalagayan ko?
"Ano po ibig niyo sabihin?" ayy may pa thrill pang nalalaman eh, diretsohin mo nalang po kaya ako.
"Normal lang na makaramdam ng pagkahilo, pagkasuka at weird cravings ang buntis Miss Alex." ahh buntis, kaya pala.
Wait! buntis?
"Po? buntis po?" kinakabahan kong tanong.
"Seven weeks kang buntis iha, kaya normal lang na nagiging emosyonal ka at hinahanap mo palagi ang si Xander dahil pinaglilihian mo siya." oh my ghad, buntis ako?
Buntis ako!
Buntis ako!
Buntis ako!
Yan ang paulit-ulit na naririnig ko habang nagmamaneho ako. Ba't hindi ko naisip na magdadalawang buwan na akong hindi dinadatnan simula nong hindi kami gumamit ng proteksiyon at ako pa mismo ang nagsabi sa kanya to come out inside me, ghad! Ang tanga ko lang at hindi ko agad naisip na yung mga nararamdaman ko ay sintomas na pala na buntis ako.
Masaya ako, sobrang saya ko dahil magiging mommy na ako peru kinakabahan din ako kasi hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Xander, baka hindi pa siya handa.
Sa lalim ng iniisip ko nabigla pa ako nang nag ring ang phone ko.
"Hello?" si Ziang makulit na naman.
"Miss, tumawag ang Mommy niyo pinapauwi po kayo tonight " ba't di nalang sakin tumawag si Mommy?
"Okay, salamat Zia." at binaba ko na ang tawag.
Wala ako sa mood para sabayan ang kakulitan ni Zia, may iniisip ako kung sasabihin ko na ba sa parents ko na, buntis ako at kung sasabihin ko na ba kay Xander na magiging Daddy na siya. Bahala na kung ano ang mangyari basta masaya ako dahil magiging mommy na ako.
Nagbibihis ako ngayun dahil pupunta nga ako kina Mommy, peru andito naman si Xander nangungulit dahil gustong sumama eh, ayoko makita ang mukha niya. Basta naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya ngayun, ayoko siya makita peru pag wala naman siya hinahanap ko siya, nakakabaliw din maging buntis.
"Ready to go?" tanong niya, sinimangutan ko nalang siya.
"Ayoko nga kita makita." nagsalubong naman ang kilay niya.
"Kahit na anong sabihin mo, sasama ako. Gusto ko makilala ang parents mo, the last time nagkita kami ay nung nasa hospital ka at ang tagal na nun." iningusan ko siya at nagpatiuna na sa paglalakad palabas.
Salita siya ng salita habang nasa byahe kami peru hindi naman ako kumikibo, ninanakawan ko siya ng tingin dahil ang dumi ng mukha niya tingnan dahil sa facial hair niya.
"Ba't hindi ka nag shave?" sa wakas nakapagsalita din ako.
"Akala ko ba gusto mo ang facial hair ko?" ngingiti ngiti nitong saad.
"Ayoko! ang dum tingnan, tanggakin mo yan." naiinis kong saad.
"Alam mo love ang weird mo na talaga na hindi na kita maintindihan, buti nalang mahal na mahal kita." napangiti ako ng pilit sa narinig. Eh itong anak mo eh! kung ano anu hinihingi at pinapagawa kay mommy.
Nakarating kami ng bahay at kaharap na namin ngayun sa hapag ang parents ko at si Xander pati si Dj na masaya kasi nandito kami ng nakakainis niyang papa.
"Buti at sumama ka kay Alex iho." saad ni Dad.
"Ayaw pa nga po sana akong isama eh." pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ikaw naman Alex,ang tagal niyo na at ngayun mo lang naimbitahan dito si Xander at ayaw mo pa pala isama." at kinampihan pa siya ni Mommy.
"Alam mo Daddy ang daming super cars ni Papa at ibibigay daw niya sakin pag lumaki na ako." singit naman ni Dj.
"Really? so mahilig ka pala sa maluhong bagay iho?." patay ka kay Daddy.
"Hindi naman po sa ganun tito, bumibili lang po ako as a reward po sa hard work ko." napatango nalang si Daddy.
So buong durasyon ng hapunan naging paborito na ng parents ko si Xander. Grabe din tong lalakeng to, pati parents ko nadala sa charm niya.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...