Mag-iisang linggo na din akong nagbabantay kay Xander, okay naman na siya last check-up niya kahapon at ayun sa doctor pwede na niyang itigil ang pag-inom ng gamot dahil tuluyan nang naghilom ang kanyang pasa at sugat.
Sa buong durasyon ng pag-babantay at pag-aalaga ko sa kanya hindi naman siya naging pasaway, bigay parin siya ng bigay ng bulaklak sakin araw-araw, pa-cute ng pa-cute ang daming arte, at ang dakilang ako naman nagpapakipot, deadma ako ng deadma sa efforts niya, gusto ko paghirapan niya ako para malaman niyang ganun ka sakit ang naramdaman ko at hindi ganun ka dali paghilumin ang sugat.
Mahal ko naman siya, hindi nawala yun kahit nasaktan na ako. Ganun naman kasi talaga siguro, masasaktan ka lang, luluha, malulugmok peru pag totoong pag-ibig ang nararamdaman mo para sa isang tao, kahit anong tanggi at iwas mo titibok at titibok parin ang puso mo para sa kanya.
"Sabi ng doctor okay ka na, so I guess my service is not needed anymore." nakatayo siya sa may pinto ng kwarto habang matiim na nakatingin sakin habang inaayos ko ang mga gamit ko.
"Can you stay?" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto Xander peru hindi pa talaga ngayun ang oras.
"Alam mo na siguro ang sagot ko." nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya dahil baka ma-hypnotize lang ako.
"Please? Lex" damn! bat ba kailangan pang gamitin ang word na yan.
"I have more important matters to attend to sa Agency Xander." agad kong isinara ang bag ko at binitbit yun, lalabas na sana ako ng mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
"Hindi na ako importante sayo?" napapikit nalang ako sa tanong niya.
"I need to go Xander." napabuntong hininga nalang siya at binitawan ako. " One more week Xander, sana makapaghintay ka pa." tumango lang siya at agad kong nilisan ang lugar.
Medyo nagsisi ako sa pag alis sa unit ni Xander dahil kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko hindi parin ako makatulog. Kinuha ko nalang ang phone at nag log in sa facebook account ko. Gaya ng lagi kong nabubungaran sa tuwing nag log-in ako ay sobrang dami na namang nag friend request sakin at naglike and comments sa mga pictures ko, hindi ko yun pinansin at naghanap ng picture a i-upload ko. Naputol ang pag hahanap ko ng picture nang may nag message sakin sa viber ko.
Xander<3: Matulog kana!
Napataas ang kilay ko.
"At kailan kapa nagkaviber? at exclamation point pa talaga?" saad ko sa sarili.
Me: Cant sleep :(
Xander<3: Why?
Me: Idk!!!!
Xander<3: Paano ka makakatulog eh nakatutok ka sa phone mo lagi! turn off your phone at matulog kana.
Me: sungit!!!!
Xander<3: Mas masungit ka.
Me: Ikaw ang masungit!
Xander<3: Matulog na kasi!
Me: Ayoko, may iniisip pa ako.
Xander<3: Ako iniisip mo no?
Me: Di masyadong assuming! di kaya ikaw.
Xander<3: tssss.. goodnight Lex!
Me: Bangungutin ka sana.
Xander<3: Never! Ikaw kaya lagi nasa panaginip ko.
Hindi na ako nag reply at pinatay ko nalang ang phone. Alang ya! paano pa ako makakatulog nito? eh dumagdag pa yun sa mga iisipin ko.
Nasa parking area na ako ng building ng Agency ko, marami akong dalang folder yun kasi ang mga dinala ni Zia habang binabantayan ko si Xander at kailangan ko yung dalhin ulit aa office ko.
"Ai! pusang naka daster!" sigaw ko nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si Xander na may dalang bulaklak, nahulog tuloy ang mga dala kong folders sa gulat.
"Good morning Lex" Lex talaga? iningusan ko siya at akmang pupulutin ang nagkalat na folder.
"No! here hold this one coz thats for you." nakangiting abot niya sa bulaklak sakin."Ako nang magdadala sa mga folder." pinulot niya ang mga folder kaya iniwan ko siya dun, ayoko makita niyang napangiti ako habang inaamoy amoy ang bulaklak.
"Good morning Miss, oh my G! desperada kana talaga miss? at binilhan mo nalang ang sarili mo ng bulaklak?" bungad sakin ni Zia, tinaasan ko lang siya ng kilay at dumretso sa office ko.
Kakaupo ko lang nang pumasok si Xander dala ang folders ko. Inilapag niya yun sa table ko at umupo sa couch, tinaasan ko siya ng kilay peru ngumiti lang siya.
"Malilate ka na." mataray kong saad.
"Can i stay here for a while?" ang tigas ng ulo! paano ako makakapag trabaho ng maayos kung nasa paligid ka?
Hindi nalang ako sumagot, wala na din naman akong magagawa. Ayon nakaharap nga sa mga papeles ang mukha ko peru ang mga mata ko naman nasa kanya nakatuon. Nakasandal ito sa couch at nakapikit ang mata, tulog yata. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya, hindi na ata siya nakakapag shave medyo humaba na ang facial hair niya, stressed ang aura ng mukha niya marami sigurong trabaho sa opisina niya, kawawa naman siguro kailangan niya ng masahe.
"Matunaw ako sa mga titig mo lex." andiyan na naman siya sa pagtawag niya sakin ng lex ang sexy pakinggan. Itinuon ko agad ang mata sa papeles na nasa harap ko, sh*t sobrang nag-init pa ang mukha ko, nakakahiya.
"Umalis ka na nga! ginawa mo pang tulugan tong opisina ko." galit na saad ko sa kanya, tumayo naman siya at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng slacks niya.
"Okay, see you later Lex." nakangiti niyang saad at nilisan na ang opisina ko.
"Damn! pahirap ka talaga Xander. Akala ko ako ang magpapahirap sayo! eh ako pala tong mahihirapan." nasapo ko nalang ang noo.
"Akala ko ba galit galitan, not in good terms, may pa space space pang nalalaman. Eh ano yun? inihatid ka at may pa bulaklak pa." dumagdag pa tong kakapasok lang na si Zia.
"Gosh Zia! Nahihirapan na ako." nakasimangot akong nangalumbaba sa harap ni Zia.
"Nahihirapan saan?"
"Sa sitwasyon namin ni Xander, miss na miss ko na siya, nakakainis na siya." ngumiti lang ito sakin.
"Madali lang naman ang solusyon jan eh! balikan mo! tapos ang usapan."
"Ang hirap talaga sa pag-ibig, kakainin at kakainin mo lang talaga ang mga binitiwan mong salita." tinakpan ko ang mukha ng mga palad ko.
"Ikaw naman kasi nagpaliwanag na yung tao, inilayo mo parin sarili mo."
"Masikit kasi, peru ang bilis niyang napalis ang sakit Zi."
"Kaya nga, mahal mo kasi! kaya kung ako sayo babalikan ko na bago pa ako maunahan ng iba alam mo na napapagod din ang tao minsan miss."
Napaisip ako sa sinabi ni Zia, ghad hindi ko kakayanin kung makuha ng iba si Xander. Ikamamatay ko yun talaga.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...