Ilang buwan na din since nagtrabaho ako bilang body guard ni Xander, peru until now wala pang upadate sa kaso niya, peru minsan may kahina hinala paring mga sasakyan na sumusunod samin, peru hindi naman gumagawa ng move parang nagmamatyag lang.
Busy si Xander sa mga meetings, kararating palang namin halos at deretso agad kami sa Conference room at may nakita akong bagong mukha doon, well hindi siya bago actually dahil nakita ko na siya before peru, ngayun ko lang siya nakita na sumali sa mga meetings nila Xander.
"Good morning everyone." bati ni Xander sa lahat saka umupo sa pwesto niya.
"Pare may bagong representative si Mr. Ruiz dahil may emergency meeting siya sa New Zealand kaya Ms. Laine Monreal is here with us." plaiwanag ni Carl kay Xander.
Ngintian pa talaga ng kaakit akit ng haliparot ang Xander ko huh, at ang mas ikina sama ng loob ko ay ginantihan pa iyon ni Xander, ayyy talaga kung wala lang sanang ibang tao dito, binatukan ko na yang babaeng yan.
"Welcome to the company Laine, feel at home." wika ni Xander.
"Ofcourse Xander basta ba nandiyan ka eh, at home na at home ako." malandi nitong saad.
whooo!! pigilan niyo ko, bubunutan ko lang ng isang daang pirasong buhok yang malanding yan.
"Hindi ka parin nagbabago Laine." tawa pa ni Xander na hindi man lang inisip na nasa sulok lang ako at rinig na rinig ko ang landian nila.
Nagsimula at natapos ang meeting na umuusok ang ilong ko, daig pang linta kung maka lapit kay Xander ng babaeng yun ahh, sarap patikimin ng tadyak eh. Mas lalo pa akong na imbyerna nang pati sa office ni Xander ay sumunod pa siya, talaga naman oh.
"Since when did you start working with Mr.Ruiz Laine?" tanong ni Xander.
"A month ago? actually babalik na sana ako ng states when he personally approach me and ask me if willing ba akong maging part ng team niya, at dahil gusto ko narin mag stay dito for good so inisip ko, his offer will be a big help for the start of my career here" sagot nito.
Blah! blah! blah! tinanong lang naman kung kailan ka nagsimulang mag trabaho dun, at ang haba na ng sagot, suuuussss, ang landi niya.
"Good for you then, talagang magkasama na tayo sa trabaho from now on." saad ni Xander na ngumingiti pa.
Isa pa tong lalaking to, kanina ko pa din napapansin gusto din nitong nilalandi eh, pag umpugin ko kaya mga ulo niyo no?
Usap sila ng usap habang ako, nasa tabi nagpipigil sa galit, kung bulkan lang siguro ako, kanina pa ako sumabog.
Simula nang magsimulang mag trabaho si Laine sa companya, tinubuan ata ako ng sungay at sa tuwing lalapit siya kay Xander ay gusto ko siyang sabunutan at saktan, sobrang nag-iinit ang dugo ko sa kanya, masama ang kutob ko sa kanya na ewan.
Kagaya ngayun imbes kami lang ni Xander amg sabay mag didinner eh, heto siya nakikisali na nagpapawala ng gana ko, at pati pag uwi nagpapahatid pa, lalabas labas wala naman palang masakyan pauwi, may taxi naman nag-iinarte naman takot daw sumakay dun, style niya bulok peru kinakagat naman ni Xander.
Kakatapos ko lang maligo at magpa tuyo ng buhok kaya deretso ako sa kama, sobrang na stress ako sa mga nag daang araw, nkt because of my job, but because of that bitch. Sinulyapan ko si Xander na nakatitig pala sakin.
"Alam mo? ang moody mo lately love, wala naman sayo ahh." saad nito habang umuusog palapit sakin.
"Pag meron lang ba sakin ako dapat maging moody?" sagot ko sa kanya na hindi man lang siya tinitingnan.
"Naghihinala na tuloy ako love." tiningnan ko siya ng masama sa sinabi niya.
"Na ano?" kinunot ko pa noo ko.
"Na meron na to." saka hinimas himas ang puson ko.
Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya napa upo ako sa kama.
"Xander! dont tell me hindi ka gumagamit ng protection, pag ano." tiningnan ko siya ng masama, ay hindi lang masama, masamang masama talaga. Peru sa halip na matakot tumawa lang ito.
"Just kidding love, grabe ang reaction mo, sobrang epic." tawa ito ng tawa sakin.
"Bahala ko nga diyan." tatayo sana ako peru maagap niyang nahawakan ang kamay ko.
"Halika nga, sorry na, binibiro lang kita. Sobra mo kasing seryoso lately na parang nakalimutan mo nang tumawa." ayan nangyayakap na naman siya, basa na niya ang weakness ko.
"Tigilan mo nga ako." bad mood padin ako kahit anong gawin mo no.
"Whats wrong?" tiningnan niya ako sa mata, agad naman akong nag-iwas ng tingin.
"Masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko. Dinaman naman niya ang leeg at noo ko.
"Hindi ka naman mainit" taka nitong saad "dont tell me love huh."
"Yung Laine mo kasi." kailangan ko sabihin sa kanya para alam niya na ayaw kong nilalapitan siya ng linta sa trabaho.
"Jealous with her again?" at pinaghahalikan pa ako sa pisngi.
"My god Xander, hindi mo ba napapansin? sobra na siya kung maka dikit sayo, daig pang magnet." litanya ko sa kanya.
"We know each other na kasi kaya ganun siya." paliwanag niya.
"Kahit na, ayaw ko nun. Ayoko na may lumalandi sayo." tiningnan ko siya ng masama.
"Yes ma'am, hindi na ako magpapahawak sa iba, ikaw lang ang pwedeng humawak sakin." nakangiti nitong saad sakin, na parang nagpaalis ng lahat ng sama ng loob ko.
"Talaga?" naninigurado lang, baka joke nanaman.
"Yes love, my lips is yours ikaw lang pwede humalik dito, may hands is yours kamay mo lang pwedeng ka holding hands ko, my eyes is yours sayo lang ako titingin palagi, my ears is yours sayo lang ako makikinig ang my nose is yours dahil ikaw lang ang dahilan ng patuloy kong paghinga araw-araw." sobrang na touch ako sa sinabi niya.
Ayan kasi kung anu ano iniisip Alex eh, magtiwala ka kasi.
Napanatag ang loob ko sa sinabi niya, nahalikan ko tuloy siya dahil doon. Sobrang saya ko, ngayun hindi na ako mag-iisip ng masama sa kanila, dahil kahit anong landi ng kung sinong babae sa kanya, akin parin siya hindi dahil property ko na siya because im his girlfriend but because he loves me as much as i do.
*******************
salamat sa pagbasa, love love
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...