Simula nang araw na nagkita si Xander at Dj sa opisina ko ay nag eeffort na talaga si Xander para patunayan ang sarili kay Dj which made me happy. Nagpupursige si Xander sa panunuyo sa bata kahit busy ito sa trabaho. Ito pa ang sumusundo dito sa school at dedertso sa opisina ko para sabay kaming mag lunch at tuwing weekends ay sa condo ko ito tumatambay para makipaglaro sa bata. Nagseselos na nga ako minsan peru masaya parin ako dahil unti unti natatanggap na siya ni Dj at hindi na pilit ang mga ngiti ni Dj sa kanya ngayub.
Xander's POV
Lulan kami ng sasakyan ngayun ni Dj, sinundo ko siya galing school at may gusto akong ipakita sa kanya na alam kong magugustuhan niya. Nasabihan ko na rin si Alex na sabay nalang kami ni Dj mag lunch dahil ipapasiyal ko pa siya.
"Where are we going super friend?" kunot noo nitong tanpng habang nasa pasengers seat ng sasakyan ko.
"It's a surprise buddy." Tipid kong sagot sa kanya.
Nang marating na namin ang itinuturing kong luxurious garage ay agad kong ipinarada ang sasakyan ko at kinarga siya pababa.
"Can you close your eyes?" sumunod naman ito sakin.
Pumasok na kami sa loob ng malaking garahe na fully close at puno ng security features. Tatlo lang kaming nakakapasok dito, ang mekaniko ko at ang care taker ng garahe at ikaapat na ngayun si Dj.
"Are we there yet?" reklamo nito.
Ipinatong ko siya sa isang lamesa para mas makita niya ng mabuti ang lahat.
"Okay, you can open it now."
Sinunod naman niya ako, kinusot pa nito ang mata saka iginala sa paligid. Hindi ito gumalaw tanging ang bibig lang nito ang dahan dahang bumukas sa pagkamangha sa nakita.
"Wow, super cars for real." tanging sambit nito na puno ng pagkamangha.
Agad itong nagpababa sa lamesa at unang nilapitan ang Bugatti Chiron at hinawakan ng inosente niyang kamay iyon. Pinanood ko lang siya habang masayang isa isang hinawakan ang nakahelerang mamahaling sasakyan sa harap niya.
Pinasadya ko pa talaga ang garahe na to para sa mga super cars na binibili ko. Hindi naman sa addict ako sa mga maluluhong sasakyan, it's just that i bought them as a reward for all my hard work. Sakto sa alaga ang mga super cars sa garahe na to, three times a week kung mag check up ang mechanic ko at araw-araw naman itong isa-isang nililinisan ng care taker dito. Kompleto sa lahat ng high tech machines ang garahe para sa mga sasakyan ko para lang walang magkaroon ng depekto dito.
Sinunod na kilatisin ni Dj ang Jaguar F-Type SVR, McLaren 570S, Noble MG00 Speedster sa mga big bikes naman ito tumakbo at masusing sinuri ang Ducati Desmosedia D16RR at ang Ducati Xdiavel Multistrada 1200 Enduro.
"Like everything you see?" sinundan ko na siya at napangiti sa reaction niya habang napapalibutab ng mga sasakyan.
"Yes, i love all of these. I have all of these to at home but its just toys." para itong nalungkot sa sinabi niya.
"You can have all of this when you grow up." namilog ang mga matang tumingala ito sakin.
"Really?" hindi makapaniwala nitong saad.
"Magiging old model na ang mga ito paglaki mo, peru if you still want to have it when you grow up ill give it to you." kinarga ko na siya.
"I dont care if magiging luma na ito when i grow up basta i will keep all of this." niyakap niya ako ng mahigpit.
Sa ginawa niya napangiti ako, ang sarap pala ng pakiramadam na may batang masaya sa bawat sasabihin mo. May batang yayakap sayo pag napasaya mo sila. Niyakap ko nalang siya pabalik at iginiya sa isa pang sasakyan na hindi pa niya nakita.
"Hey, look at this, have you watched the Fast and furious seven?"
"Not the whole movie but i saw the cool cars there." tipid niyang sagot.
"Have you seen the car that flew from the building?" mabilis naman itong tumango.
"Look at this." binuksan ko gamit ang remote ang isang kwarto sa garahe.
"Wow this is the car that flew from the building." namilog ang mata nito sa bigla.
"This is not the actual car but its the same as the car from the movie, it's the W Motors Lykan Fenyr." binuksan ko ang sasakyan at pinaupo siya sa driver's seat.
Habang masaya siya sa pagkalikot sa manibela ay pinagmasda ko nalang din siyang maigi. Inosente pa siya dahil sa batang edad peru alam na niyang protektahan ang mga mahal niya and i adore him for that.
"Mama look! super friend has the best car's ever and he said he will give it to me when i grow up and..." masayang kwentu ni Dj kay Alex nang ihatid ko siya sa condo ni Alex.
Sobrang ganda nila tingnan si Alex na masayang nakikinig sa kwentu ni Dj at ang huli naman na masayang ibinabahagi sa mama niya ang mga ginawa namin kanina. Para talaga silang totoong mag-ina at ako ang ama siyempre.
"Hey!" nagulat pa ako na nasa harapan ko na pala si Alex.
"Si Dj?" wala na ang bata sa paligid
"Pinapalitan ko ng damit kay yaya." umirap pa itp sakin at tinungo ang couch.
"What's with that face love?" sinundan ko siya at umupo sa tabi niya saka inakbayan siya.
"Nagseselos na ako kay Dj love, nasa kanya na lahat ng time mo." ngumuso ulit ito na parang bata.
"Nah! dont be jealous love, kailangan ko suyuin si Dj at para din satin yun okay?" peru hindi ito kumibo. "or i can stay here for the night if you want love." saka ko siya kinidatan which made her blush at ang cute talaga niya tingnan pag nagbablush.
"Ikaw talaga kahit kailan love napaka ano mo." kinurot pa niya ako sa tagiliran.
"Napaka ano?" natatawa kong tanong sa kanya na mas ikinapula ng mukha niya.
"Baliw!" kinurot pa niya ako ulit peru halik sa labi ang ganti ko sa kanya.
"I love you love." bulong ko sa kanya.
"hmmmm! ikaw talaga alam na alam mo weakness ko love and i love you more for that." muli hinalikan ko siya.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...