Chapter Thirty Two- With him

1.3K 23 0
                                    


Dahil nagpumilit siya na sasakyan niya ang gamitin namin papunta sa building ay wala din akong nagawa, hindi nalang ako nagpumulit dahil ayoko makipagtalo.

Ayaw daw makipagtalo ang sabihin mo gusto mo din!. Lulusot kapa Alex hah, hindi ka kasya maliit lang butas pwede mo daanan kaya wag kang ano diyan.

"So, how are you Alex?" basag niya sa katahimikan naming dalawa sa loob ng sasakyan.

Inabala ko kasi sarili ko sa kakabilang ng sasakyan na kasing kulay ng kotse ko sa labas, para hindi ko siya matitigin, baka kasi matunaw siya, mahirap na.

"Im fine, im doing good, ikaw?" hindi ko din napigilang sulyapan siya.

"Okay lang din." tipid niyang sagot.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas, ngayun ayoko nang magbilang ng sasakyan, susubukan ko naman habulin ang pintig ng puso ko, ang bilis kasi niya eh, kanina pa.

"Okay nalang ako, wala naman akong choice." napalingun ako sa kanya sa sinabi niya.

"What do you mean?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"I mean, i need to be okay even if im not, kasi maraming umaasa sakin at kahit sabihin ko namang hindi ako okay, hindi naman nito mababago ang lahat diba?" saad niya habang nakatutok parin ang mata sa daan, peru kita ko naman na seryoso siya at may pinaghuhugutan yun.

"Mas madali kasing sabihing okay lang tayo, kesa sabihin nating hindi tayo okay peru hindi din naman nila tayo papakinggan kung bakit diba." sagot ko sa kanya.

May mga tao kasing pag nakitang malungkot tayo, tatanungin agad tayo kung anong nangyari peru pag sinabi naman natin, hindi din naman sila maniniwala, baliw diba? kaya mas madaling magkunyari minsan at itago nalang ang katotohanan.

"How's Dj?" pag-iiba niya sa usapan dahil baka mapunta lang yun sa bangayan.

"His doing good, nasa pre- school na siya at to tell you honestly his mad at you." mabuti nang alam niya dahil sa tatlong taong lumipas masama parin ang loob ni Dj sa kanya.

"I cant blame him, i broke my promise to him kaya im sure mahirap na sa kanyang pagkatiwalaan ako ulit." tumingin siya sakin kaya agad kong iniwas ang tingin ko, nakakakuryente mga tingin niya eh.

"Kadugtong kasi ng promise ang trust, kasi pag may nag promise sayo meaning nun gusto niya pagkatiwalaan mo siya peru pag hindi mo tinupad ang promise mo ibig sabihin nawala na din ang tiwala at mahirap na yung ibalik." parang may tumusok sa dibdib ko pagkasabi ko nun, parang kumirot.

Huminto ang kotse kaya napatingin ako sa kanya, huli na nang malaman kong nakatingin din pala siya sakin, nasalubong ko ang kanyang nangungusap na mga mata, matang matagal ko nang hindi natitigan.

"Pag humingi ba ako ng isa pang pagkakataon sayo Alex ibibigay mo ba yun?" seryoso niyang saad sakin, kunot ang noo habang titig na titig sa aking mga mata, marahil binabasa niya kung ano ang magiging sagot ko.

"Hindi ganun ka dali ang lahat Xander, mahirap ibalik ang lahat lalo na kung tiwala ang pinag-uusapan, mahirap." nag iwas ako ng tingin sa kanya, dahil ayokong makita niya sa mata ko kung gaano ako kasabik sa kanya.

"Lahat naman may second chances diba?" hindi ko alam kung saan siya nakatingin, sakin ba oh sa kung saan pa, basta sa boses niya alam kung determinado siyang maibalik ang lahat.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon