Chapter Sixty Seven- Picture

1.3K 24 1
                                    

Lumayo ako mula sa kanya habang sapo and dibdib. Patuloy na tumotulo ang aking mga luha, nakatitig lang ako kay Xander. Gusto kong sigawan siya, saktan siya peru hindi ko magawa, naglaho lahat ng lakas ko sa katawan, wala akong mahanap ni isang salita na dapat sabihin ko sa kanya.

Walang hiya din talaga ang panahon no? sobrang saya na namin eh, wala na ngang pagsidlan ang tuwa namin dahil ikakasal na kami at may another blessing pa magkakababy na kami tapos ganito? alang yah! pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana?

"Let me explain love." saad niya habang palapit na sakin. Nakita ko sa mga mata niya ang kagustuhang magpaliwanag at may nakikita din akong galit doon.

Should i listen to him? Paano ko malalaman na nagsasabi siya ng totoo? paano ko malalamang nagsisinungaling siya?.

"Bakit may picture kang ganyan Xander? kailan pa yan? bat may ganyan? sabihin mo." sobrang naging emosyonal na ako.

Paano niya maipapaliwanag ang picture niya na nakahiga sa kama half naked with a woman on top of him kissing his neck. Ano ang idadahilan niya? lasing siya? tulog siya? ni rape siya? at ang malaking katanungan ko kailan yan? nangyari ba yan habang kami pa?

Buong bansa ang nakasaksi nang mag propose siya sakin, buing bansa ang may alam na magkakababy na kami tapos ngayun buong bansa din ang nakakakita ng kataksilang ito. Ano ang pwede kong maramdaman dito?.

Pinaupo niya ako sa tabi ng kama at lumuhod siya sa harap ko habang pisil pisil ang dalawang kamay ko.

"You love me right?" i nodded.

"You trust me right?" i nodded.

"Makikinig ka sakin?" i nodded again while wiping my tears.

Mahal kita, may tiwala ako sayo at makikinig ako sayo dahil pagod na akong takbuhan ka nang hindi man lang pinapakinggan ang side mo. Isa sa na realize ko ay naging unfair ako sayo dahil pag nasaktan ako sa mali mo, magtatago agad ako, naduduwag na harapin ang problema at pakinggan ka. Kaya ngayun i'll be fair, makikinig ako sayo totoo man yan o hindi basta makikinig ako sayo.

He started telling me everything, every single details that he remembers about the picture and I just kept on listening to him while my tears are still flowing. Hindi ko talaga maiwasang maiyak may parte na dala ng pagbubuntis ko peru mas malaki ang parte na nasasaktan, maraning katanungan, peru nasagot lahat yun ng mga paliwanag ni Xander.

Pagkatapos niyang mag kwento sakin ay yumoko siya at bigla nalang sinuntok ang sahig. Agad ko siyang hinila patayo at niyakap, yakap na para bang ito na ang huli naming pagkikita at parang wala nang bukas.



"Zia paki send ang confirmation na dadalo ako for interview sa staff ng talk show na tumawag kahapon." tawag ko kay Zia sa intercom.

After what happened yesterday trending sa buong bansa ang balita, maraming humihingi ng reaction ni Xander at reaction ko. Maraming tumatawag para ma interview ako, tsssss ang hirap magkaroon ng fiance na sikat.

"Sure ka miss?" i rolled my eyes after hearing what Zia said.

"The hell i am." itong talk show ng isang local network ang napili ko para magbigay ng interview sakin, gusto ko ng live.

I want who ever spread that picture to know that he/she/they are messing with the wrong person. Hindi na ako ang dating Alex na takot ma-interview o makunan ng camera, sabi nga nila people change and so am i.

Isang black fitted dress ang isinuot ko na above the knee ang haba, hindi siya ganun ka revealing peru kita naman ang kurba ko sa damit at hindi pa masyadong bakat ang baby bump ko. Nag apply ako ng make up at red lipstick saka ko isinuot ang red four inches heels ko, okay pa naman akong mag heels sabi ng doctor. I scanned myself in front of a full length mirror at natuwa naman ako sa nakita, i look stunning like before but fiercer than ever. Yeah, i am mad. No scratch that, i am soooo mad with that girl on top of Xander in the picture.

"Miss Alex ready na po tayo." saad ng staff ng talk show, opo nasa studio na ako ng talk show, kinakabahan ako sobra peru agad ding napalis yun sa isiping i need to clean every dirt that she throw on us.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon