Chapter Fifty One- Sarah Chua

1K 23 0
                                    

Xander's Pov

Kararating ko lang galing airport mula sa sakit ng ulong problema sa isang branch ng hotel sa Japan at deretso na naman ako sa opisina para sa isang board meeting.

"Gina please wag ka muna magpapapasok i need to take a nap for a while bago ang meeting." papasok na sana ako sa office ko nang humabol ito.

"Sir, darating daw po si Miss Alex." sa narinig ko ay nawala lahat ng pagod ko at napangiti nalang dahil darating ang energy booster ko.

I missed her so much, one week kaming hindi nagkita at tuwing nag-uusap kami sa phone parang lagi siyang pagod at malungkot. Siguro na miss lang din niya ako at marami din siyang ginagawa sa agency.

"Just let her in when she arrives peru wag kang magpapapasok ng iba okay?"

"Copy that sir." bumalik na ito sa pwesto niya at dumeretso na ako sa loob.

Ibinagsak ko ang pagod na katawan sa swivel chair ko, mariing ipinikit ang mata at sumandal doon. I cant help myself from smiling, siguro sobrang na miss ako ni Alex kaya pupuntahan niya ako. Sa kakaisip ko sa babaeng mahal ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

I felt a soft lips kissing my lips gently, hindi na ako nagpagod na ibuka pa ang mata, isa lang naman ang sinabi ni Gina na dadalaw sakin ngayun, its the love of my life so without hesitation i kissed her back. Uhaw na uhaw na ako sa halik niya, one week is quiet long.

She smells different? siguro nag try siya ng ibang perfume, patuloy ko lang siyang hinalikan ng maalab. She's kissing me differently? inilakbay ko ang mga kamay ko sa kanyang beywang. Sh*t hindi siya si Alex. Napansin kong masyadong manipis ang beywang ng babaeng nakaupo sa kandungan ko at masuyong humahalik sakin. Saka nakarinig ako ng mahinang pag sara ng pinto kaya agad kong iminulat ang mga mata at sa bigla ay napatayo ako kaya nahulog sa sahig ang babae.

"Ouch! what the hell Xander?" now i know who she is.

"What the fuck did you just do to me Sarah?" nasapo ko ang noo sa bigla.

"Para namang hindi mo nagustuhan."  tumayo ito at umupo sa couch na parang walang nangyari.

"What the hell are you doing here?" tumaas amg boses ko sa galit sa ginawa niya sakin.

"Masama bang bisitahin ang Ex ko? wala naman atang batas na nagpipigil sa mga babaeng bisitahin ang Ex nila." tinaasan pa ako ng kilay, ang lakas talaga ng bilib sa sarili ng babaeng to! bat ko ba nagustuhan to noon? oh yeah now i remember magaling siya sa kama.

"My girlfriend is coming over so you better leave." itinuro ko ang pinto peru nanatili lang siya sa kinauupuan.

"I wanna meet her Xander, para makita niya ang standards mo sa babae at nang ma realize niya na hindi niya abot yun."

"Nakita mo na sa reunion at para sakin mas lamang siya kaysa sayo kaya pwede ba umalis kana!" kulang nalang kaladkarin ko siya palabas, kung wala lang talaga akong respeto sa babae kanina ko pa siya nasapak, buti nalang may katiting pa akong respetong natitira para sa kanya.

"Were not yet over Xander." at tuluyan na niyang nilisan ang opisina ko, napahilamos nalang ako sa aking mga palad sa nangyari.

Isang oras bago mag simula ang meeting ay wala parin si Alex, im trying to call her so many times peru nakapatay ang phone niya, tumawag din ako sa opisina nila at sinabing busy daw. Pupuntahan ko nalang siya sa condo niya tonight, ill surprise her dahil gusto naman talaga niya ang surprises.

"Gina mag order ka ng isang bouquet of white roses please." tawag ko sa intercom.

"Sir si ma'am Alex kasi-"

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon