Buong duration ng lunch date namin (date talaga? pwedeng lunch lang?) ay iisa lang siguro ang kulay ng mukha ko, wala nang iba kundi pula. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya at kinikilig sa mga simpleng pag-aalalay niya sakin, simpleng joke at conplements. High na high ang puso at isip ko dun, eh wala naman kaming ginawa kundi kumain at mag kwentuhan lang.
"Oiiii, hindi maka get over sa lunch kahapon. Kinikilig parin hanggang ngayun, aminin miss" tudyo ni Zia sakin.
Nasa isang italian restaurant kami ngayun, kakagaling lang namin sa ocular inspection sa bago naming cliente at oo kasama ko si Zia dahil na trauma ako nung last inspection ko.
"Tumahimik ka nga, kaninang umaga ka pa sa topic na yan" natawa ako sa pangungulit niyang makasagap ng balita.
"Miss wala ka bang napapansin?" luminga linga ito sa paligid na ginaya ko naman.
"Na ano?" tiningnan ko siya eye to eye.
"Ang daming camera na naririnig ko ang mga flash" saka ko napansin ang ibang customer na kinukuhanan kami ng picture ni Zia.
"Ano na namang gulo to?" puzzled ako sa nangyayari.
Muli kong naalala ang nangyari noon, ang atensyon ng mga tao, mga paparazzi, reporters na hindi nagpatulog sakin noon.
"At kaninang umaga ko pa to nakita sa facebook miss trending" ipinakita niya sakin ang picture na yakap ako ni Xander from behind, nang minsang sinugod ko siya sa opisina niya.
"Gosh! babalik na naman ba ang lahat!" napatingala ako at pumikit ng mariin.
"Baka mas okay na umalis na tayo miss bago pa makatunog ang ibang taga media" dali dali nilisan ang lugar ni Zia.
"Bat kasi ang ganda mo miss at bat kasi sa sikat na business man ka pa na link" ako ang nagmamaneho kaya malaya siyang magsalita at dumada.
"Tsss, hindi siguro kami para sa isat-isa talaga Zia, ang daming gumugulo samin" malungkot kong sabi.
Noon paman ganito narin, laging may hadlang samin. Puno ng negativity.
"Ano ka ba! challenges that you'll surpass together will make your relationship stronger miss kaya wag kang nega diyan" tama nama siya.
"Peru di pa nga kami ulit ang gulo na naman Zia, kaya ko pa kayang pumasok sa gulong to?" nasa daan parin ang mata ko peru im sure ramdam na niya ang lungkot ko.
"Kung mahal mo siya talaga hindi ka matatakot na mag take ng risk miss. Wag mo kayang hayaang hilahin kayo sa magkabilang side ng kung ano mang darating sa inyu. Hold on miss" wow, seryoso siya ngayun ah, himala.
"Hindi pa nga kami ulit diba? kaya wala pa akong makakapitan at ayokong umasa Zia, yeah i love him walang nagbago peru paano kung saktan niya ako ulit?" paano kung pinapaasa lang pala niya ako? sasabihing babalikan peru iiwan din?.
"Sa pagmamahal miss, ilang beses ka mang madapa, masugatan, madurog, basta mahal mo siya babangun ka parin at ipaglalaban siya. Unpredictable kasi ang lahat when it comes to love miss, kaya wag mong isipin ang mangyayari pa dahil wala pang kasiguruhan yun, ang isipin mo ay ang nangyayari ngayun, ang panunuyo niya ang kagustuhan niyang mabalik ka sa kanya, bahala na kung anong mangyari bukas basta naranasan mong sumaya at umibig muli ngayun yun ang importante. Dahil baka sa kakaisip mo ng mangyayari bukas, magising ka nalang huli na ang lahat" na move ako sa sinabi niya, tama siya ngayun ang dapat kong isipin.
"Thank you Zia, kahit baliw ka ang lupet parin ng advice's mo, nakakayanig" gumaan ang dibdib ko sa payo ni Zia. I need to make a move, masaktan na kung masaktan basta siya ang dahilan bahala na si batman.
Sobrang nabigla ako nang malayo paman sa building ng condo ko ay marami nang taga media. Ikakayaman ba nila pag malaman nila ang status namin ni Xander at ganyan nalang sila ka consistent hingan kami ng statement.
Wala akong choice kundi hindi tumuloy sa unit ko, tumawag ako sa parents ko peru ganun din, sinabihan nalang ako ng daddy ko kumuha ng room sa isang hotel na sinunod ko naman.
Naghihintay nalang ako ng susi ng kwarto na kinuha ko nang makilala ako ng receptionist, tanga din late reaction lang eh kanina ko pa sinabi ang pangalan ko ngayun lang nag react.
"Miss Alex? kayo ba po uli ni Mr. Monteverde?" tanong nito.
"Im sorry miss peru im not here to answer those crazy stuff, at hindi siguro parte ng trabaho niyo ang makiosyoso sa buhay ng may buhay at please pakibikisan nalang ang susi" saad ko sa kanya. Medyo natarayan ko siya peru bahala na wala ako sa mood.
Napahiya naman ito at saka iniabot sakin ang susi. Dali dali kong tinungo ang kwartu at nag lock ng pinto.
"Kaya mo to Alex, wag kang matakot mga chismosa lang sila. Hindi ka nga natakot sa bala noon diba? sila pa kaya" minomotivate ko sarili ko habang palakad lakad. Bigla naman nag ring ang phone ko.
"Zia bakit?" napaupo ako sa kama.
"Good evening miss, alam na alam konkung nasaan ka ngayun, pustahan pa tayo" tatawa tawa pa ito sa kabilang linya.
"Anong pinagsasabi mo?" paano niya malalaman? eh wala naman akong nabanggit sa kanya, biglaan nga tong pag check-in ko eh.
"Nasa isang hotel ka sa makati miss, i know"
"Paano mo nalaman?" nagsalubong ang kilay ko, paano niya nalaman?.
"Headline kaya sa balita, may nakakuha ng picture sayo habang nag check-in no, marami nang taga media diyan mahihirapan kang umalis miss" nag-aalala ang boses nito sa kabilang linya.
"Aaarrgggh, ano naba to Zia, para akong criminal na nagtatago sa batas" napahilamos ko ang kamay sa mukha ko, kararating ko lang dito tapos andiyan na naman siya.
"Wag ka nalang lalabas miss, mag lock ka ng pinto"
"Sige, tawagan kita bukas dalhan mo ako ng gamit dito Zia okay?" bilin ko sa kanya.
Ibinaba ko ang cellphone at nahiga sa malambot na kama, gutom pa naman ako at pagkagaling namin ni Zia nag lunch kanina hindi na ako nakakain hanggang ngayun.
Magtatawag sana ako ng room service nang peru nagbago din isip ko, baka samantalahin nito ang pagkakataon at iinterogate ako no, wag nalang. Magutom na kung magutom.
Sa kakaisip ng pagkain nabigla pa ako nang may kumatok. Agad kong tinakbo ang pinto at sinilip ang pin hole.
"Sh*t paano sila nakapasok? kung sino mang security agency ang may hawak dito, mapepektusan ko talaga sila" usal ko nang may makita akong camera man at isang babaeng reporter.
Nag ring uli cellphone ko, i thought its Zia again but it's not, si Xander tumatawag.
"Alex, stay in your room, im coming to get you" really? he will save me?.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...