Chapter Twenty- Trust

1.4K 35 0
                                    

Panatag na ang loob ko na kahit anong gawing paglalandi ni Laine kay Xander eh, sakin parin ang puso ni Xander, pinapatunayan naman niya yun eh, i trust him so much naman. Sa Laine na yun lang ako walang tiwala, masama lang talaga kutob ko sa kanya.

"Xander can i talk to you for a minute?" tawag ng haliparot kay Xander.

Kakatapos lang ng meeting at gusto na namang umiksena ng loka. Naka masid lang ako sa kanila habang nag-uusap, medyo malayo ako para maribig ang usapan nila, tanging hand gestures lang ang nakikita ko at binabasa ko.

Habang nakamasid sa kanila, hindi nakaligtas sa mata ko ang mga masamang tingin ni Laine kay Xander, parang anytime gusto nitong kainin si Xander, which is weird at kahinahinala. Ano naman kaya ang binabalak ng haliparot na to?  What's  her deal? 

"Tired love?" tanong ko sa kanya nang napahilot siya sa sentido niya.

"Kinda, kiss mo lang katapat nito love." ngumiti pa ito.

Pumwesto ako sa likod niya at minasahe nalang siya, napapikit pa siya sa ginagawa ko. Habang nakatitig sa kanya hindi mawala sa isip ko si Laine at sa nakita ko.

"Love may itatanong ako." he needs to know, ika nga nila prevention is better that cure.

"Ano yun?" pikit mata niyang sagot.

"What if si Laine ang may planong ipakidnap ka?" napaupo siya ng maayos sa sinabi ko.

"Still not done with her huh!" galit niyang saad sakin, pinaikot niya ang swivel chair at nakaharap na siya sakin ngayun. Nabigla naman ako sa reaction niya,  kilala nga niya talaga si Laine na hindi niya kayang maghinala sa mga kinikilos nito.

"What if lang naman love eh." malumanay kong sagot, bakit ba nagagalit agad siya? what if nga lang diba.

"Kahit na Alex, you're judging her with your what if's, dahil parin ba yan sa pagseselos mo?" pasigaw na siya kung magsalita sakin, na ikinasama ng loob ko, pwede naman kasing pag usapan ng malumanay, hindi naman kailangang sumigaw.

"I'm so not judging her Xander, sinasabi ko lang naman na what if siya nga, hindi ko sinasabing siya na nga. Pwede mo naman sabihin ng hindi sumisigaw, maayos naman pandinig ko. " mangiyak iyak na ako sa harapan niya peru hindi parin nagbabago ang expression ng mukha niya, galit parin siya.

"Kahit na! panghuhusga parin yun! i know her since college Alex, hindi niya magagawa sakin yan at police ka diba? dapat marunong kang kumilatis ng tao isang tingin palang hindi yung nanghuhusga ka dahil lang sa selos." saad nito.

"I said I'm not jealous  with her, naisip ko lang yun because  of the way she looks at you,  it's different Xander.  Yes I'm a police that's  why i know what I'm  talking about. Something's  wrong with her, something's  really wrong with her. " Paliwanag ko sa kanya.

"No, you're  just making this up para layuan ko siya. You're making this up for me to end my friendship with her and that's bullshit Alex! That's  bullshit!" Saka niya ako tinalikuran.

I was left broken, hindi na nagpapigil ang mga luha ko sa pag-agos. Hindi ko inaasahan yun, kaya niya akong pagsalitaan ng ganun para lang ipagtanggol ang babaeng yun?. Nagsisi ako kung bakit ko pa binuksan ang topic na yun, at may part naman sakin na parang masaya na nalaman ko na mas importante pala si Laine kaysa sakin at nagbibigay yun ng kirot sa puso ko.
Ang sakit niya magsalita, pati pagiging police ko kinwestiyon pa niya, grabe siya. Iniisip ko tuloy kung totoo bang mahal niya ako,  or gaya lang din ako ng ibang babae niya na pag nagsawa siya iiwan lang din niya.

Paglabas niya ng CR, napunasan ko na ang luha ko, hindi ko siya tiningnan, wala akong planong tingnan siya, hindi ko siya pinansin buong hapong yun bumuntot lang ako sa kanya, hindi din naman niya ako kinakausap. Mas okay nang hindi kami nag-uusap dahil ayoko siyang marinig,  ayokong marinig ang kung ano mang sasabihin niyang pagtatanggol kay Laine.

"Mang Damian sa kabila po tayo dumaan." saad ko sa driver niya.

Hindi ako tumabi sa kanya sa sasakyan pag-uwi, sa tabi ako ni mang Damian pumwesto.

"Mas matatagalan tayo diyan Alex, pagod ako gusto ko nang magpahinga." sabat nito sa likod nang pinag-iba ko ng daan si mang Damian.

"Gusto mong magpahinga? sige mang Damian ideretso mo, pagod daw eh, gusto daw magpahinga sige, nang mamahinga ka na forever." sabat kasi ng sabat hindi man lang alam ang dahilan.

"Para malaman mo kanina pa may sumusunod satin, kung diyan tayo dadaan mas malaki ang chance na tambangan nila tayo dahil diyan ang route natin everyday, baka nga may nag-aabang na diyan kaya sa kabila tayo dumaan para sa ikakabuti mo SIR." inimphasize ko talaga ang sir para malaman niyang wala ako sa mood makipagtalo sa kanya.

Sumunod sakin si Mang Damian, sa ibang route kami dumaan pauwi sa unit ni Xander. Hindi na naman ito kumibo sa hanggang makauwi kami.
Sa kabilang kwarto ako dumeretso pagkatapos ma sigurong lock lahat ng security features ng unit, nag on na din ako ng alarm na konektado sa pinaka malapit na police station.

Pagpasok ko palang sa kwarto, agad tumulo ang luha ko, dahil sa nangyari kanina, bakit siya ganun, wala siyang tiwala sakin samantalang ako buong buo ang tiwala ko sa kanya na sinira lang niya. Mahirap bang i-consider ang sinabi ko? Na kahit kunting "baka nga tama ka" hindi niya magawa.  Ganun naba talaga sila ka close?  Hindi ko naman siya masisisi gaya nga ng sabi niya,  college palang magakakilala na sila samantalang ako buwan palang kaya malamang mas papaniwalaan niya ang babaeng yun.

Kahit ganun ang naramdaman ko sa kanya, naghintay parin ako na baka may kumatok sa kwartu, pumasok siya at mag sorry sakin, yakapin ako ng mahigpit at sabihing nagkamali siya. Peru naubos nalang ang luha ko walang Xander na pumasok.

Xander's POV

Sobrang pinagsisihan ko ang nagawa ko kay Alex kanina, sobrang tanga ko, bat ganun ang ginawa ko, dapat kinausap ko siya, tinanong ko siya kung bakit sumagi yun sa isip niya.

Nasa harap ako ng dating kwartu niya na ngayun ay binalikan niya dahil sa nangyari. Wala akong lakas ng loob na kumatok, wala akong mukhang maiharap sa kanya.

"Sh*t Xander! your so stupid! ang tanga mo, sobrang tanga mo." napasabunot pa ako sa buhok ko.

Im sorry Alex, hindi ko sinasadya yun, i was upset dahil sa sinabi mo, Laine and i are good friends, hindi niya magagawa sakin yun im sure of that, sorry sa nasabi ko, im sorry for questioning you as a police woman, im so sorry Alex, please forgive me, nadala lang ako ng galit sa isip ko habang sinisimsim ang alak na hawak ko ngayun. Ito nalang ang pwede kong lapitan at masasandalan.

Nasira ko ang tiwala niya sakin, sana may paraan pa para maibalik ko yun.

************"
lame na UD sorry dear readers pery dont worry bawi ako sa inyu sa susunod.

love love
 

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon