Chapter Fifty - Caught

1K 23 1
                                    

Isang linggong wala si Xander dahil sa pag aasikaso sa hotel nito sa Japan, tumatawag ito nag tetext na sinasagot ko naman, i know im being cold after everything peru hindi pwedeng basta ko nalang siyang iwan sa ere. Yeah nasaktan ako peru that doesn't mean na wala na siyang chance mag paliwanag, i badly need his explanations, gusto kong marinig kung ano ang sasabihin niya, gusto kong maramdaman na totoo ang sinasabi niya at hindi puro kasinungalinangan, gusto kong malaman na mali ako sa iniisip ko.

Pinilit kong gawing normal ang buong linggo ko, Zia and i went out for meetings, nag inspection kami sa mga tao namin kung saan sila na assign at nag work naman, hindi naman ako pumalya o nagkamali. Although im still crying at night when im alone kinakaya ko parin namang bumangon sa umaga at pumasok sa trabaho. Isa lang talaga ang hinihintay ko ang araw na bumalik si Xander.

"Miss tumawag ang Romualdez Group of Companies at nagpapasalamat sa number one service natin sa companies nila for two years and as a gift binigyan ka nila ng two round trip ticket to Hawaii Miss, grabe ang galante nila magbigay." nang mapansing wala sa kanya ang attention ko kahit nalibot na niya ang buong opisina ko sa kakalakad niya ay basta nalang niyang hinampas ng newspaper ang lames na naglikha ng malakas na ingay para mabalik ako sa katinuan.

"Gosh Zia ginulat mo ako." nasapo ko pa ang dibdib sa gulat.

"Kanina pa ako nagsasalita dito iba pala iniisip mo? naku naman miss pagpahingahin mo kaya muna ang utak mo sa kakaisip sa kanya. Alam mo ang salitang time out? meron nun miss ha!" here we go again.

"Hindi ko lang talaga mapigilan." totoo naman, pinipilit ko ngang hindi isipin peru naiisip ko parin.

"Kailan ba kasi uuwi yun nang makapag usap na kayong dalawa hah! nang bumalik na ang dating Alex na boss ko, na kahit maldita yun at brutal gusto ko yun! di yung Alex ngayun na parang nalunok ang dila at nabibilang lang sa kamay kung magsalita sa buong araw." ako? maldita at brutal? gosh!

"Maldita talaga Zia? at brutal pa?" abot bunbunan ang pagkakataas ng kilay ko sa kanya.

"Opo yun ang Alex na gusto ko yung pinagbabantaan lagi ang buhay ko pag hindi ko siya sinunod. Yung araw araw akong tinatanggal sa trabaho peru kailangan din ako kinabukasan." thats how i treated her, hindi yung typical na boss employee relationship. Iba ang samin ni Zia, shes like a sister, a friend, minsan kung mag sermon parang nanay at higit sa lahat kaaway ko araw araw. Siya lang ang nakakaintindi sakin kaya kahit kung magsalita siya minsan parang siya ang boss ay tanggap ko dahil she's just being herself.

"Thank you Zia." mag speech sana ako nang mahaba nang tumunog ang phone ko.

"Hey Gina." bati ko sa kabilang linya

"Miss Alex, dumating na po si sir Xander."

Yeah, she informed me about the arrival of her boss, dahil tinawagan ko talaga siya at sinabing as soon na dumating si Xander ipaalam kaagad niya sakin dahil gusto ko itong makausap.

"Okay, thank you Gina. I owe you this one." pagkababa palang ng telepono ay agad na akong tumayo at nag-ayos.

"Dumating na siya Zia and i badly need to talk to him." saad ko habang nag aapply ng lipstick.

"You want me to come with you?"

"No im okay, kaya ko to. Dito ka nalang in case may problema." at agad ko nang nilisan ang opisina ko.

Habang nagmamaneho sobrang daming pumapasok sa isip ko. Paano kung tama pala ako? paano kung tapusin na niya ang relationship namin? shocks stop those negativity Alex. Just talk to him, ask him and thats it. Nakadepende sa kanya ang lahat, just prepare for whatever might happen.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon