Last day of my leave of absence kaya sinulit ko na, tinawagan ako ng bestfriend kong bakla kanina at nagaya mag date daw kami, buwan na din ang lumipas since we last bond with each other kaya di ko na pinalampas dahil babalik na siyang Paris next week. Sa isang mall sa makati kami nag kita at hyper pa ito sa lahat ng hyper nagpapakwentu ng mga updates samin ni Xander. Kaya habang nagkakape kami sa starbucks ay panay kulit nito sakin.
"Bakla update na please, nahuhuli ma ako sa mga balita." saad nito.
"Mike hah, ang kulit mo na" natatawag ko na siya sa pangalan niya pag nakukulitan na ako sa kanya at ayaw niya yun dahil nakakasira daw sa pagkababae niya.
"Magtatampo na talaga ako sayo." at nag pout pa ito sakin.
"Sige na nga, matitiis ba naman kita." ayun at napa kwentu din ako sa kanya, lahat ng details nasabi ko sa kanya maliban sa bed scenes, hello akin nalang yun no.
"Ako kaya, kailan ako makakahanap ng isang kagaya ni Xander bakla?" tumingala pa ito sa kisame na parang nangangarap.
"Ano ka ba, wag mo hanapin, kusa yang darating no." payo ko sa kanya.
"Wow huh, kung noon ako ang taga payo mo, ngayun baliktad na bakla hah, iba talaga ang inlababu." biro nito sakin.
Sobrang dami naming napagkwentuhan, update sa buhay niya at update sa love life ko, sabi pa nito gusto nitong makita si Xander at nang maagaw daw niya sakin. Natigil kami sa pag-uusap nang mag ring ang phone ko, Xander is calling me.
"Yes love?" bati ko sa kanya.
"Where are you?" ganyan lagi ang intro niya pag wala ako sa paningin niya.
"Im at Starbucks love, with a friend." napatingin ako kay Mike na nag-ikot ng mata at inirapan ako.
"Wait for me there, malapit lang ako sa Starbucks ill drop by." hindi ko alam peru, kinakabahan parin ako pag bigla-bigla nalang siya nitong pinupuntahan, parang teenager lang.
"Okay, i'll wait for you here." napangiti ako sa isiping iniisip parin niya ako kahit busy siya sa trabaho.
Mas excited pa ata si Mike kaysa sakin eh, pumunta pa itong comfort room para mag freshen up, ay grabe talaga siya. Nasa cr pa siya nang dumating si Xander.
"Hi love." tumayo ako para salubungin siya ng quick kiss sa labi. Inalalayan niya naman ako pag-upo uli at saka siya tumabi sakin saka inakbayan ako.
"So where's your friend?" lumingon lingun pa ito sa paligid.
"Nasa cr lang, pabalik narin ata yun." i stared at him while naghihintay kami kay Mike.
"Tigilan moko sa mga titig mo love at baka hindi ko mapigilan sarili ko." kinindatan pa niya ako at ngumiti ng pilyo.
"Baliw ka talaga, kahit kailan no?" kinilig din naman ako dun sa hirit na yun eh.
"Opo, baliw na, baliw na baliw sayo love." at humirit pa talaga, dahilan kung bakit halos lumuwa na ang puso ko.
"Hoy, ikaw sino ang nagturo sayo niyan huh at may hirit ka nang ganyan." oo nga, saan nito natutunan yun?.
"Ikaw." saad niya na hinapit pa ako palapit sa kanya.
"Really love? ako? ako talaga? how come?" puno ng question mark ang ulo ko no.
"Pinuno mo kasi ako ng pagmamahal ayan tuloy puno na ako ng ka sweetan at kailangan ko nalang ihirit ang iba minsan." paliwanag nito saka ako hinalikan sa pisngi. Gosh aatakihin na ata ako sa puso dito eh.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...