After 3 long years
"Zia pakipasok na yung bagong application forms, para ma suri ko." saad ko kay Zia sa intercom.
Ilang minuto ang lumipas pumasok na ito sa opisina ko, dala ang tatlong folders, ma dapat niyang isa isang suriin at pag-aralan mabuti.
"Ito na miss." sabay lapag sa table ko ng folders.
"Salamat." akala ko aalis na ito peru hindi parin pala, kaya tiningnan ko siya.
"Miss pwede favor?" ngumiti pa ito sakin.
"Ano yun?" kumunot noo ko, baka kung ano na naman ang hingin nito sakin.
"Pwede sa mga application na yan, maghanap ka na rin magiging boyfriend?" sa sinabi niya tiningnan ko siya ng masama.
"Ayaw mo na ba sa trabaho mo Zia? dahil baka sa application ding to makahanap ako ng kapalit mo." banta ko sa kanya.
"Eto naman si miss oh, hindi na mabiro, joke lang yun, wag seryosohin. Sabi ko nga babalik na ako sa trabaho dahil ayokong mamatay sa gutom, nakakahiya kung yun ang nakalagay sa death certificate ko." tatawa tawa niyang saad.
"Lumabas ka na nga, at pakitawagan ang yaya ni Dj pakisabi sumaglit sila dito pagkagaling nilang school." utos ko sa kanya na isinulat agad nito sa note nito.
"Noted miss." saka ito lumabas ng opisina ko.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya, dalawang taon ko na ring secretarya si Zia, magaan ang loob ko sa kanya kasi magkasing edad lang kami at sobrang sipag niya sa trabaho at kahit busy siya sa buhay pag-ibig niya, inaalala at pinapakialaman din niya ang buhay pag-ibig ko kahit wala naman.
Nagsimula na akong mag check ng mga application forms nang pagbasa ko sa pangalan ng may-ari nito ay may pumasok sa isip ko.
"Xander Felix Natividad, Xander Vougn Monteverde." bigla kong nabanggit ang pangalan niya.
Kumusta na kaya siya? may asawa na kaya siya? naaalala pa kaya niya ako?.
Sa isiping yun ay napasandal ako sa swivel chair ko. Its been three long years since the last time we sae each other, at hindi pa maganda ang huli naming pagkikita, pareho kaming nasasaktan sa araw na yun. Simula nang araw na yun pinapunta ako ng Daddy sa ibang bansa para doon magpagaling at kalimutan ang lahat kasama si Dj.
After a year umuwi din kami at doon ko napagpasyahan na magpatayo ng security agency. Dalawang taon palang ang agency na pinatayo ko peru marami na kaming cliente at masasabi kong stable naman siya. Dito ko ibinuhos ang atensyon ko para mawala kahit minsan sa isip ko si Xander noon. Nakakatawa man peru siya ang inspirasyon ko dito, kasi kalimitan mga kagaya ng nangyari sa kanya noon ang binibigyan namin ng serbisyo, binibigyan namin ng proteksyon.
"Miss nasa labas na po sila Dj." biglang pasok ni Zia.
"Hindi ka ba marunong kumatok Zia?" naputol ang pag eemo ko sa pangbubulabog ni Zia.
"Sorry po, papapasukin ko na po ba?" tiningnan ko ang relo ko, wala pang lunch time bat ang aga nila?.
Tumango lang ako sa kanya saka itinabi ang mga folders at inayos ang table ko.
"Mama, we're here. " masayang bati ni Dj sakin, saka sumampa sa kandungan ko at niyakap ako habang nakadapa siya sakin. "I missed you mama." malambing niyang saad.
"Ang lambing ng baby boy ko, na miss ka din ni mama syempre anak, bat nga pala ang aga niyo? diba dapat lunch time pa ang uwi niyo?" nasa pre-school na kasi si Dj at morning schedule ito.
"Our teacher got sick, and nobody can replace her yet so we are told to go home by Ms. Principal and just gave us homework." paliwanag niya sakin.
"Okay, hindi ka pa hungry?" tanong ko habang himas-himas ang likod niya.
"No, im sleepy mama, can i sleep here?" namumungay nga ang mata niya sa antok kaya niyakap ko nalang siya ulit.
"Okay, you can sleep at mama's lap kasi pag big boy ka na hindi ka na pwede mag sleep dito." peru hindi na ito sumagot dahil nakatulog na ito.
Naalala ko tuloy nung pag-uwi ko galing sa unit ni Xander at duguan ako, sobrang galit siya. Nagwawala siya dahil gusto niya ipahuli kay daddy si Xander dahil sinaktan daw ako nito.
Flashback
Habang nilalagyan ng benda ang sugat ko ng doctor ay iyak siya ng iyak. Pinapunta lang kasi namin.ang doctor sa bahay dahil ayoko sa hospital.
"Daddy, arrest super friend Xander he hurt mama." sigaw niya habang umiiyak.
"No baby, na pwersa lang ni mama mo ang sarili niya kaya dumugo ang sugat niya." malumanay na paliwanag ni Daddy.
"I hate him, i want him to be put in jail." hindi parin ito tumitigil.
"Mama's okay na baby, oh." alo ko sa kanya saka siya pinalapit sakin.
"I dont wanna see him again, i dont even want him to get near you mama, i dont want you to get hurt again." napaiyak na din ako sa sinabi niya, kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Excuse me po Miss Alex." tawag sakin ng yaya ni Dj.
"Bakit ya?" lumapit ito samin.
"Kunin ko na po si DJ bala baka po mangalay kayo." ibinigay ko nalang din si Dj dahil parang namamanhid ang hita ko.
Pinauwi ko nalang sila para mas makatulog ng maayos si Dj, dahil may meeting pa ako sa labas pag lunch time.
"Ano ba yan Miss late ang ka meeting niyo gutom na ako." reklamo ni Zia.
Nasa isang restaurant na kami ni Zia, ang nasa appointment na ipina schedule ng tauhan niya ay 12:30 in the afternoon peru mag aala una na wala paring dumadating.
"Tawagan mo nga sabihin mo iresched nalang at marami pa tayong gagawin." nagsisimula na ring uminit ang ulo ko.
Hinayaan na ngang ito ang kumuha ng oras at venue wala naman palang balak sumulpot, kung hindi lang sana malaki ang magiging profit ng agency sa offer niya naku! tatanggihan ko na talaga to.
*************
lame lame lame
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...