"Meron lang sana akong hihinging pabor sayo iha." napatingin ako ng deretso sa daddy ni Xander."Ano po yun tito?" kinakabahan ako sa mga pabor pabor na yan eh.
"Please take care of him, i'm leaving tomorrow papuntang US may problema ang mommy niya sa kapatid ni Xander and i need to be there. So please Alex take care of him ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa kanya." Sabihin mo hindi pwede Alex, na galit ka sa kanya na hindi pa tapos ang one month na hiningi mo, na humanap nalang ng iba.
"Yes tito, i will take care of him." shocks, wala na hindi ko na mababawi yun, nasabi ko na. Makakaya ko ba ulit to?.
"Salamat iha."
Nagkwentuhan pa kami ng dad ni Xander, marami siyang sinabi tungkol kay Xander nung bata pa ito. Kung gaano ito ka kulit, katigas ang ulo at kung gaano ito ka babaero. Hindi na ako nagtaka dun, dahil pinag-aralan ko kaya ang past niya bago pa ako naging bodyguard niya.
Bago mag lunch time ay umalis na rin ang dad ni Xander dahil may pupuntahan pa daw ito. Si Zia naman ay hindi ko alam kung saan pumunta at hindi na bumalik, iniwan na ako.
"Saan ka galing?" speaking of Zia, dumating na siya.
"Pinadispatsya ko na ang bumugbog sa love of your life." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"What? anong ginawa mo?" pinilit kong hindi sumigaw dahil baka magising si Xander.
"Pinabugbog ko rin, buti nga sa kanila." hindi ko nalang siya sinagot at itinuon ang mga mata kay Xander.
"I need to take care of him Zia, humingi ng pabor ang daddy niya at hindi ako makatanggi." tumabi siya sakin at inakbayan ako.
"Alam mo miss kahit hindi pa humingi ng pabor ang dad niya alam ko nang ikaw parin ang mag-aalaga sa kanya." i just smiled.
"Paano kung hindi talaga kami para sa isat-isa Zi? paano kung mali pala ang universe? paano kung pinagtagpo lang pala kami para matuto sa mga pagkakamali namin peru hindi pala talaga kami para sa isat-isa?" ayoko nang masaktan muli, ayokong umasa na magiging masaya pa kami.
"Ayan ka na naman sa pagiging nega mo miss. Isipin mong mabuti kung gaano ka hiwaga ang universe miss, kung paano niya nagawang pagtagpuin ang dalawang tao mula sa magkaibang lugar. Kung paano niya nagawang pinagtagpo ang dalawang pusong iisa ang tibok. Hindi pa siya nagkamali miss at never siyang magkakamali." tinapik lang niya ako sa balikat at lumipat sa couch.
"I want you to prove yourself again Xander. Peru wag ka, pahihirapan muna kita hah, magtiis ka kung gusto mo talaga akong bumalik sayo, you need to earn everything again, paghirapan mo." kausap ko ang tulog, parang baliw lang.
Pinagmasdan ko lang siyang mabuti, hinwakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaganun sa kanya, basta gusto lang pagmasdan siya, dahil namiss ko din siya kahit papano.
"Hmmmm." halos mapatalon ako sa bigla nang umungol siya.
"Hey, may masakit sayo? tatawag ba ako ng doctor? ano?" hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ay ang OA miss, relax lang ano ba." sigaw ni Zia mula sa pagkakahiga sa sofa sa likod namin.
"Your here." hindi niya gaanong maimulat ang isang mata niya dahil medyo namamaga pa ito. Pinisil niya ang kamay ko.
"I'm here." mahina kong sagot. Shocks naiiyak na naman ako, ano ba Alex.
"Thank you." tumulo ang luha niya na pumiga naman sa puso ko, his crying.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
Chick-LitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...