Sobrang bilis nagdaan ng mga araw at hanggang ngayun wala parin akong nasasabihan na buntis ako, pati si Xander hindi ko pa nasasabihan, pinapakiramdaman ko pa kasi siya baka kasi hindi pa siya handa maging ama.
Sa ngayun ayoko muna ma stress kaya nag leave ako at si Zia na muna ang namamahala sa agency, dumadalaw naman siya dito sa unit ko at walang ibang ginawa kundi mag-ingay at mangulit.
Sobrang naenjoy ko ang milk bath ko at hindi ko na namalayan ang oras alas onse na pala, kaya agad akong nagbihis nagsuot lang ako ng faded maong short shorts at white crop top. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa full length mirror at napangiti ako sa nakita, i'm still sexy, hindi naman ako tumataba kahit ang siba siba kong kumain ngayun. Nag blow dry ako ng buhok at sumalampak sa couch para manood ng tv.
Na scan ko na lahat ng channel peru sa isang local tv network ako napatigil, nakakatawa kasi ang segment ng isang noon time show. Halos sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa nang biglang may nangyari sa pinapanood ko.
"What the? Xander?" bulalas ko ng makita ko sa Xander sa pinapanood ko.
Nakaupo siya sa isang silya sa gitna ng stage, nakapiring ang mga mata at nakaposas ang mga kamay habang napapalibutan ng mga sexing dancers.
"Ayan lunch time guys, may ulam na tayo sa stage kuha nalang kayong kanin solve na." saad ng baklang host.
"Ito po ang bago nating segment ngayun, na tatawagin nating Come get you're man, kung sino man ang girlfriend ng gwapong to gurl wag ka nang magpatumpik tumpik pa! puntahan mo na siya or else ang isa sa mga babaeng nakapalibot sa kanya ang mapipiling sumama sa kanya sa inihanda naming sorpresa." saad ng isa pang host na maganda.
Kumolo ang dugo ko sa nakita, bakit napasali si Xander sa larong yan? at higit sa lahat bakit may nakaimbento ng larong yan.
Nagsimula nang mag timer ang show at nagsimula na ring sumayaw at lumandi ang mga babae sa paligid ni Xander. Gusto ko nang sumigaw sa galit umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko kaya agad kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagsuot ng flat shoes, hindi na ako nag abalang magbihis dahil galit ako, mang aaway ako ng kung sinong nagpasaki kay Xander sa show na yun. Oo hindi pa rin natatapos ang paglilihi ko sa kanya at naaalibadbaran ako sa kanya pag nangungulit siya peru kahit ganun ayoko parin na may lumalandi sa kanya na iba, dahil pag nagkataon paglabas ni baby ipapasipa ko talaga siya ng sobrang lakas, peru nagmukha namang kabayo ang anak ko non, ahh basta yun na yun.
Nang marating ko ang studio ng noon time show ay hindi pa man ako nagtatanong ay may nagtuturo na sakin ng daan papasok, wag kayo ha! lagot kayo sakin mamaya.
"Wheres Xander?" nakatayo na ako sa gitna ng stage peru tanging silya nalang ang nandoon at wala nang ni katiting na bakas ni Xander.
Tumingin ako sa paligid, shit nasa harap ako ng napakaraming audience na nakatingin lang sakin. Bigla naman dumilin ang paligid kaya hindi ko alam ang gagawin aalis ba ako sa stage na yun? oh manatili sa kinatatayuan ko. Bumukas ulit ang ilaw at may isang lalakeng umakay sakin paupo sa isang bench na nasa likuran ko. Wala naman yun dun kanina.
"Hey, wheres Xander?" tanong ko sa lalake peru nagkibit balikat lang ito.
Gosh! anong trip ng mga tao ngayun?.
Nagdilim ulit ang paligid at may video na nag play na mat title na His Lovely Bodyguard. Kumunot nalang ang noo ko dahil hindi ko alam ang nangyayari. Akala ko ba pupuntahan ko lang si Xander at kukunin mula sa mga maharot na babae peru bakit parang para sakin ang nangyayari ngayun, at nasaan si Xander? siguro dinagit na ng mga malanding babaeng yun.
Nagsimula nang mag play ang video, isang short film? peru bakit hindi marinig ang sinasabi ng mga gumaganap?.
"Our story started here." saad ng pamilyar na boses, tumayo ako at hinanap ang pinangalingan ng boses peru ang dilim at wala akong makita.
"No just sit back and watch while we reminisce the past." sinunod ko siya.
Nang itinuon ko ang atensyon sa video ay saka ko lang naintindihan, isinasadula ang story namin ni Xander. Natatawa pa ako sa unang bahagi ng pagsasadula nila samin, ang sarap pala tingnan ng mga nangyari nang una kaming nagkasama ni Xander, ako bilang bodyguard niya at siya bilang amo ko. Nang dumating na sa part nung nag-away kami dahil kay Laine at sinalag ko ang sarili sa balang dapat para sa kanya at ang pag-iwan ko sa kanya ay hindi ko na napigilang maiyak.
Grabe pala ang napagdaanan namin ni Xander, may masaya, makulit, malungkot at higit sa lahat masakit. Hanggang sa matapos ang video ay iyak lang ako ng iyak.
Lumiwanag ulit ang paligid at tumambad sakin ang mga audience na kanya kanyang pahid ng luha, saka naman lumabas ang mga malanding babae kanina at isa isang nag-abot sakin ng tig-isang tangkay ng white rose.
"Akala ko, habang buhay nalang akong magiging play boy, akala ko habang buhay nalang akong magsusungit, akala ko habang buhay nalang akong mag-iisa but you came." lumabas na mula sa back stage si Xander, sobrang gwapu niya sa suit niya. Akala ko lalapit siya sakin peru naglagay siya ng isang dipang layo mula sakin.
"God gave me you, the universe gave me you, destiny leads my way to you, faith made us meet each other and love made us what we are now." napapangiti at naiiyak ako na ewan. Nakatingin siya ng deretso sa mata ko habang sinasabi ang mga katagang yun.
"Hindi ko alam na may babae palang katulad mo na nakalaan para sakin, binago mo ako, naramdaman ko mula sayo kung paano mahalin ng totoo. I know i made a lot of mistakes before, malaking pagkakamali peru tinanggap mo parin ako with open arms, i broke you're heart before but you have forgiven me and love me again completely." gosh umiiyak siya? oh, umiiyak ang Xander ko.
"Alexher Dione Rodriguez, you started as my lovely bodyguard na handang protektahan ako sa ano mang panganib and we end up as lovers na handang suongin ang ano mang pagsubok sa ngalan ng pag-ibig, gusto kita Alex, mahal kita Alex ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, na sa susunod na buhay ko ikaw parin ang gusto kong makasama." napatayo na ako habang patuloy na umiiyak, saka naman siya lumuhod sa harap ko kaya sobrang nabigla ako sa ginawa niya.
"Alex? Love? in front of these people, my family, you're family, our friends and the whole world." saka ko inilibot ang paningin ko at nakita ko nga sila Mommy at Daddy pati si Dj sa audience, kumaway din ang Daddy ni Xander at ang mommy niya, natanaw ko din sila Zia, Carl, Gina at Mike kaya napangiti ako at ibinalik ang atensyon kay Xander, may kinuha ito sa bulsa at tumambad sakin ang isang maliit na box na may lamang singsing.
"Love, will you be my lovely bodyguard again for the rest of you're life? will you be my wife? will you marry me?" hindi ako nakasagot agad, dahil umiyak na ako ng sobra.
"Nilapitan ko siya. "Tumayo ka na nga." saad ko peru hindi parin siya tumitinag kaya kinuha ko ang mic na gamit niya kanina.
"I was so hurt before peru nag take ako ng risk na bumalik sayo na kahit masaktan pa ako ng paulit ulit babalik at babalik ako sayo, kasi ganun na kalaki ang parte mo dito sa puso ko at hindi na siya titibok pag wala ka, kasi mahal na mahal kita Xander at Yes i wat to be you're lovely bodyguard forever, yes i want to be you're wife, and yes i want to marry you." naghiyawan ang mga tao sa studio, agad naman isinuot ni Xander ang sing sing sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"I love you so much Love." bulong niya habang yakap niya ako.
"We love you too Daddy." sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...