CHAPTER THIRTEEN- SWEET XANDER

1.7K 50 0
                                    

Kanina pa ako yamot na yamot sa kahihintay kay Xander sa suite na inihanda para samin, Oo iisa kami ng suite ng loko. Nalibot ko na ang bawat sulok ng suite, sa sala, sa kusina at sa malaking kwarto, puro mga bago ang mga kagamitan na parang wala pang nakakagamit dun noon pa. Okay na sana ang lahat, peru wala parin akong damit na maisusuot, puro tuwalya at roba lang naman ang nandun.

"Asan na kaya ang damuhong yun at basta nalang ako,iniwan dito!!" reklamo ko sa isip ko.

Sa kakahintay sa lalakeng hindi ko alam kung kailan darating, naisipan ko nalang matulog. Baka kasi tubuan na ako ng lumot dito wala parin siya kaya mas maigi nang magpahinga.

Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako oh ano, basta parang may humahalik sa labi ko at may mabigat na nakadagan sakin. Naimulat ko ang mata ko nang mas lalong sumarap este lumalim ang halik niya.

"Waaaaaaahhhhh! manyak! manyak!" sigaw ko habang pinagpapalo ko siya ng unan.

"Hey, wag ka ngang OA.'' saad nito habang tumatawa at umiilag sa mga palo niya.

"Oa ka diyan, eh ikaw tong nag take advantage sakin walang hiya ka talaga." umusok nang ilong ko sa ginawa niya. Umosok daw eh sarap kaya nun.

"Sorry na love." nag puppy eyes pa ito.

Ayan yang pag tawag-tawag mo ng love sakin lumalambot puso ko diyan at yang mukhang yan, naku! talaga.

"Bakit mo kasi ginawa yun! pinakaba mo ako, akala ko nirape na ako ng pitong manyak dito." nakasimangot kong saad na tumigil na sa kakapalo sa kanya at umupo nalang sa tabi ng kama.

Tumabi naman siya sakin at hinapit ng isang kamay niya ang beywang ko, kaya napahilig ako sa kanya.

"Sorry na, hindi ma mauulit." saad niya habang hinimas-himas ang balikat ko.

"Kung ano-anu nalang kasi ang naiisip mo." dagdag ko pa.

"Eh, hindi ko kasi mapigilan hindi halikan yang labi mo love, nang aakit eh." hinalikan pa ako sa pisngi.

"Aray!" reklamo ko nang sa may pasa ko napunta ang kamay niya na humimas-himas kanina sa balikat ko.

"Sh*t those bastards." mura nito habang nakatingin sa pasa ko.

"Bakit ba kasi ang sikat mo?" bakit nga naman kasi pinagkakagulohan ito.

"Nag model kasi ako noon sa isang magazine, na feature din ako sa isang Tv show na tungkol sa mga eligible bachelors at young businessmen." paliwanag nito.

Ngayun naiintindihan na niya kung bakit ganun nalang ito, hangaan ng mga tao.

"Im sorry." seryoso nitong saad.

"For what?" bakit siya nag sosorry sakin?.

"For this, nadamay ka na sa magulo kong buhay, nasasaktan ka na dahil sakin." parang bumalik nanaman ang dating Xander na kung makapag seryoso wagas.

"No its okay, its my job to watch over you, protect you from harm Xander." at gagawin ko lahat wag ka lang masaktan dahil ikakamatay ko pag nangyari yun.

"Yun ang ayaw ko, na ikaw ang nag poprotekta sakin, nagbabantay sakin, dahil gusto ko ako ang nagbabantay sayo, ako ang nagpoprotekta sayo, ako ang mangbubogbog sa mga taong mananakit at magpapaiyak sayo." 100% seryoso ito habang titig na titig sakin.

Gosh, tama ba ang narinig ko? he wants to protect me? but why?.

"Ano kaba, akala ko ba ako ang OA? bakit ikaw ang nag drama diyan?" biro ko dahil baka ginogood time lang ako ng taong to.

"Bahala ka nga! nasa mga papers bags ang damit mo, magbihis ka na at ready na ang dinner, hihintayin nalang kita dun." ay na bad trip ata.

Sinunod ko nga siya, i took a shower at namili sa mga damit pinamili niya sakin, at infairness hah ang ganda ng mga pinili niya para sakin at alam niya size ko lalo na sa underwear ko.

Paglabas ko sa isang restaurant sa loob ng resort ako dumiretso, native ang theme ng restaurant, kawayan ang pangunahing gamit dito pati mga lamesa at upuan ay gawa din sa kahoy at parang pinasadya talaga.

Inikot ko ang mata ko sa buong restaurant peru wala akong nakitang Xander doon, haiiii gutom na gutom pa naman na ako.

"Excuse me miss, nakita mo si Xander?" hindi na ako nakatiis tinanong ko na talaga ang isang waiter.

"Ay ma'am, kanina pa po yun naghihintay sa inyu sa tabing dagat." saad nito sabay turo sa tabing dagat.

"Salamat ha." ano na namang kalokohan meron ang loko?.

Kunot noo akong naglakad patungo sa tabing dagat, wala akong makitang Xander doon peru may nakita akong nagpa excite sakin. Sa tabing dagat kami mag didinner? lumundag ng isang milyong beses ang puso ko sa nakita, pangarap ko nga kasi ang ganito. Mas namangha ako nang magsimulang tumogtog ng violin ang isang lalaki at mas nagpa dagdag sa ka romantican nito ang kandila sa table at sa buhangin na nagkalat sa paligid na sobrang gandang tingnan. Lumapit ako at may nakita akong note.

I want this night to be special, like how special you are to me.

love

Xander.

Natakip ko nalang ang kamay ko sa bibig ko sa sobrang tuwa. I really can't believe it, akala ko hindi to mangyayari, akala ko susungitan at sisigawan nalang niya ako forever, akala ko deadma ako sa kanya at parausan lang, peru mali pala ako.

Hoi Alex, mag-isip ka nga! marami ang namatay sa maling akala.

Napakislot ako nang bigla nalang may yumakap sakin mula sa likod.

"You like it?" mahina niyang bulong sakin.

Wala nan akong maisagot kundi tango lang. Hindi kasi ako makapaniwala talaga. Kaya pala ang drama niya kanina.

"Hindi bawal magsalita love." nanatili itong nakayakap sakin sa likod, at sa ginagawa nito mas lalo pa akong kinikilig.

"Hindi ko lang talaga inaasahan to, kaya hindi ako makapagsalita." tipid kong sagot.

"I want you to be happy, i want to make you feel special" kumawala siya sa pagkakayakap sakin at iniharap niya ako sa kanya.

"Why Xander?" kailangan ko nang magtanong mahirap na mag-assume.

"Dahil special ka sakin, simula nung una tayong dumalo sa isang party, nung nakaramdam ako ng inggit nung isayaw ka ni Dan, nung nag-aalala ako pag, hindi mo sinasagot tawag ko, nung inalagaan mo ako nung may sakit ako, nung naging girlfriend kita ng isang araw Alex,  noong una hindi ko pa alam ang nararamdaman ko, peru habang tumatagal mas lumalalim lang ito Alex, ikaw lang ang nagparamdam sakin nito." titig na titig siya sa mata ko habang sinasabi ang mga nangyari noon.

Habang ako dahan-dahan nang tumutulo ang mga luha ko sa mga narinig ko mula sa kanya.

Akala ko hindi to mangyayari.

************************

Waaaaaaaaaaaaaaaah. ayan guys please paki touch ang star at comment lang sa mga me gusto.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon