"Halika na nga Zia, umalis na tayo." yaya ko sa kanya, isang oras ba naman kaming naghintay sa wala."Miss hindi man lang ba tayo kakain? ala una na oh, nagrereklamo na tiyan ko." reklamo niya, sa inis ko kasi nakalimutan ko nang hindi pa pala kami naglalunch sa kakahintay sa cliente namin.
"Sa iba tayo kakain, nakaka bad vibes ang lugar na to." saad ko saka na una na sa kanya.
Hinahalungkat ko ang bag ko habang naglalakad kami palabas ng restaurant, hindi ko kasi makita ang susi ng sasakyan ko nang bigla akong mabangga sa isang parang pader ata.
"Aray! naku naman." tumama kasi ang mukha ko sa dibdib niya na parang semento sa tigas.
"Sorry miss, im really sorry." parang narinig ko na ang boses na niya.
Himas-himas ko ang mukha saka tumingala sa may-ari ng pamilyar na boses na yun. Parang may naghahabulang kabayo sa loob ng dibdib ko sa lakas ng pintig nito, ang labi niya, ang mapupungay niyang mata, hindi ako pwedeng magkamali.
"S-sorry." nauutal kong saad sa kanya habang nakatulala parin sa mukha niya.
"Ale-" hindi na niya natapos ang sasabihin sa paglapit ni Zia.
"Miss okay ka lang? may masakit sayo? dadalhin na ba kitang hospital?" kahit kailan talaga napaka OA din ng babaeng ti eh no?
Saka lang ako nagising sa katotohanan dahil sa ka OA-han ni Zia. Agad kong binawi ang tingin ko mula sa pagkakatulala sa mukha niya.
"Sorry ulit, tara na Zia." agad kaming umalis sa lugar na yun, na parang mamamatay kami kapag nagtagal pa kami ng isang segundo sa kinatatayuan namin kanina.
Ang pagkakataon nga naman eh no? sa lahat ba naman ng makakabangga ko siya pa! Ano na naman to? bat pinagtatagpo na naman kami? Sign na naman ba to? Paglalapitin na naman ba kami ng tadhana tapos parehong sasaktan sa huli?
Hoi Alex, wag mag assume na dahil nagkita kayo may meaning agad, saad ng negang isip ko.
"You drive." inihagis ko kay Zia ang susi na dahilang ng pagkakabunggo ko sa taong yun.
Habang nasa sasakyan kami, hindi ako mapakali, tingin doon, tingin dito. Hindi na siya mawala sa isipan ko gaya ng dati. Bakit ba kasi ang gwapu parin niya, bakit ba kasi ang lakas parin makalaglag panty ng kakisigan niya. Bakit parang ang buti ng panahon sa kanya at mas lalo pa siyang pinagwapu?
"Miss okay ka lang? para kang naiihi na ewan." saad ni Zia habang nagmamaneho.
"Gosh, bakit sa lahat ng tao siya pa!" naiinis kong saad.
"Sino ba yun na ikinaiinis mo miss? ang gwapu naman ata niya para kainisan mo." komento niya sa pagka inis ko.
"Its him Zia, siya yun." muntik pa akong mauntog nang bigla nitong i.preno ang sasakyan.
"You mean si past mo?" namimilog ang mata niya habang nakatingin sakin.
"Its him, its Xander." kalmado kong saad.
Mas nabigla ako nang magsisigaw ito sa loob ng sasakyan, na parang kinikilig na nababaliw.
"Kung ako din miss eh, ibubuwis ko buhay ko dun no, ang gwapu niya, macho at gentleman pa." nakatingin sa taas na parang nangangarap nitong saad.
Alam kasi niya ang kwentu namin ni Xander nang minsang maikwentu ko sa kanya noon. Hindi ko din alam anong pumasok sa kukute ko at sinabi ko sa kanya eh, chismosa nga ito, updated sa mga love life ng staff ko sa Agency, peru may tiwala naman ako sa kanya at hindi naman niya binabale ang tiwalang yun. Ang problema lang talaga sa babaeng to eh ang ka OA-han niya, minsan nga gusto ko na tong batukan.
Xander's POV
Si Alex yun, alam ko siya yun. Agad ko silang sinundan ng kasama niya palabas ng restaurant peru nakaalis na ito. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Carl.
"Dude, napatawag ka?" sagot niya sa kabilang linya.
"Dude i saw her, i just saw her." masaya kong kwentu sa kanya.
"Nakapag-usap ba kayo?" mukhang excited din ito makarinig ng details.
"No, peru ang malaman na she's just around manila, okay na sakin yun dude. I can still find her, i will find her". masaya na akong makita siya ulit after three years.
" Just call me if you need help dude," kahit epal minsan si Carl eh, tutulungan din siya nito kahit ano pa problema niya.
"Salamat dude." ibinaba ko na ang cellphone.
Tatlong taon na hindi kami nagkita ni Alex after that heart breaking day ay nawala na siya. Ipinahanap ko siya kung saan-saan peru walang nangyari.
Sobrang nalugmok ako nung nawala siya sakin, parang nawalan na ako ng gana gumising sa umaga, sobrang nawalan ng saysay ang buhay ko. Sabi ni Carl beast mode daw ako lage, usok daw ilong araw-araw sa opisina na gusto kong mabago.
Sana bigyan mo ulit ng kulay ang buhay ko Alex, sana bumalik ka na sakin, sana akin ka nalang ulit.
Nakabalik na ako sa opisina, naka usap ko na rin ang mga binayaran kong tao para hanapin siya.
"Gina, pakitawagan mo nga ang security agency kung bakit wala sila kanina sa restaurant?" tawag ko kay Gina sa intercom, peru pumasok ito sa opisina.
"Sir, tumawag po kanina ang secretary ng may-ari ng agency at pina reschedule po ang meeting niya dahil isang oras daw po silang naghintay sa inyu doon." paliwanag nito sa kanya.
"Dumating ako dun wala na sila, peru okay na din dahil may maganda nang nangyari." sumandal ako sa swivel chair na nakangiti.
"Masaya yata kayo sir" puna ni Gina.
"I saw her Gina, nakita ko siya sa restaurant." masaya kung kwentu sa kanya.
"Nakita niyo si Ma'am Alex sir? kumusta na siya?" pati ito ay sumaya sa balita na sinabi ko.
"Hindi pa kami nakakapag-usap peru im sure darating din yun." alam ko darating din yung araw na yun.
"Naku sir, sana talaga magkabati na kayo, gaya ng dati nilalanggam ang opisina pag andito kayo, masaya kayo lagi at hindi na kayo nagsusungit." natawa pa ito sa huli nitong sinabi.
"Babalik din kami sa dati Gina, matagal ko siyang hinintay kaya hindi ko na siya palalampasin." positibo kung saad.
"Sir paano nga po pala kung siya pala yung dapat ka meeting niyo kanina?" tama, paano kung siya nga?.
"Baka nagkataon lang Gina," ang pagkakataon na mismo ang naglalapit sa amin.
Dapat gumawa na ako mg move, as soon as possible, i want her back, i need her back.
Makikita din kita ulit Alex, hindi magtatagal makikita din kita ulit.
**************
love love
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...