Chapter Twenty Nine- Zia meets captain X

1.2K 26 1
                                    

Zia's POV

Sa lahat ng special holidays, occasion at ano pang ek ek diyan, never akong gumising ng maaga, peru ngayun kahit mag 5:30 palang ng umaga eh, nagkukumahog na akong makarating sa opisina dahil sa nakakatakot na banta sakin ng taong yun, grabe siya kala niya siya amo ko, peru dahil sa mahal ko ang amo ko, eto ako sunod sunoran sa super hero na yun na hindi naman, ikaw ba naman ang pagbantaan.

Flashback

"Pinagpapala ang tumatawag sa numerong to kaya maaari ko bang malaman kung sino sila?" sagot ko sa cellphone ko.

"This is Captain X, si Alizia Jeselle Robles ba ito?" ayy bat sakin na tumatawag si Captain X ni miss Alex? siguro sakin talaga siya may gusto.

"Ako nga, peru Zia nalang sobrang ganda na kasi ng buong pangalan ko, simplehan nalang natin captain X." mag-isip ka Zia wag na wag mong landiin ang lalakeng to, kung ayaw mong umuwing kalbo.

"Okay Zia, pwede ba makahingi ng favor?" sh*t ang lambing ng boses, nemen to oh.

"Kahit ano gagawin ko." Ay Zia baka pagsisihan mo to lagot ka.

"Pwede mo ba akong papuslitin sa office ni Alex?" sabi ko na nga ba eh, pagsisisihan ko to.

"Hoi! captain X siguro masama kang tao no? ginagamit mo lang amo ko no? naku, buko na kita may masama ka talagang balak, siguro tauhan ka ng kakompetinsiya namin no?" lagot ka talaga kay miss Alex pag nalaman niya captain X ka.

"Tumigil ka nga, napaka negative mo naman, gusto ko lang siya isurpresa at kilala ko na si Alex, mas nauna pa nga akong nakakilala sa kanya kaysa sayo eh."

"Ay basta hindi pwede captain X, tsaka super hero ka naman eh, kaya mo yan at wag mo ako idamay diyan mahal ko trabaho ko at ayaw kong mamatay na gutom pag pinalayas ako ng kasing ganda kong amo no." ang haba ata ng sagot ko.

"Please Zia" grrrrrr... wag ganyan captain X madali akong nabibili diyan eh.

"Ayoko period! papatayin ako ni Miss Alex!" tama hindi ka papatayin agad nun, babalatan kapa ng buhay gamit ang nipper Xia kaya wag talaga.

"Gusto ko lang naman siyang pasayahin  at gusto ko lang siya isurpresa Zia" whoooo... ang hirap nito, para akong pinapapili ng kasiyahan ni Miss Alex o kamatayan ko.

"Bakit kasi ako Captain X, marami namang ibang staff dun ahh at yung guard, yun kausapin mo para sila din mawalan ng trabaho hindi ako no." hindi talaga as in hindi pwede Zia.

"Ayaw mo? sige ka pag tumandang dalaga yang si Alex dahil sa disappointment kasalanan mo talaga! at pag malungkot yan palagi ikaw talaga may kasalanan dahil hindi mo ako tinulungan." wag ka maniwala Zia, pinapasakay ka lang niyan wag.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon