Isang linggo din ako sa hospital namalagi peru dahil sa pangungulit ko pinayagan na din akong lumabas, sa bahay nalang itutuloy ang medication ko at bibisita nalang sa ospital para sa check up, hindi pa man magaling masyado ang sugat ko kaya ko na naman, hindi lang talaga pwedeng ma pwersa dahil kumikirot siya.
Pagka labas ko ay kinausap na ako nila mommy at daddy, they want me quit my job for good. Ilang taon din akong naging police, i love my job, its my passion and dream to serve my country, peru dahil sa pangyayaring yun sumang-ayon nalang ako sa desisyon ng parents ko, pwede ko naman daw pagsilbihan ang bayan ko in other way na hindi mamimiligro ang buhay ko.
Wala akong magawa sa bahay kaya hindi ko maiwasang isipin siya, si Xander. Simula nang magising ako sa hospital hindi ko na siya nakita, hindi niya ako dinalaw man lang, siguro nakalimutan na niya ako kasi close na ang kaso niya dahil sa pagkakahuli kay Laine at sa mga goons nito. Siguro balik sa pagiging babaero na naman yun dahil wala na ako sa poder niya kaya malaya na siyang magdala ng mga babae niya.
Actually papunta ako sa Condo unit niya para kunin ang mga gamit ko, ayaw sana ni mommy at daddy peru nagpumilit ako dahil sa kakukitan ko, kinulit din nila akong ang family driver na namin ang maghahatid sakin.
"Ma'am Alex mabuti po at okay na kayo." bati sakin ng guard pagpasok ko sa building ng condo ni Xander.
"Salamat po Sir." sir ang tawag ko sa kanya ma'am kasi ng ma'am eh. Nakibati din ang ibang staff ng building, malapit na din kasi ako sa kanila dahil sa pamamalagi ko dito ng ilang buwan.
Nasa harap na ako ng unit ni Xander, huminga muna ako ng malalim saka kumatok, ilang beses na akong kumakatok peru walang bumubukas eh, ang sabi naman ng staff sa ibaba nandito lang si Xander, binuksan ko ang pinto bumukas naman ito at hindi naka lock kaya tumambad sakin ang dating love nest namin ni Xander.
Malinis parin ito tingnan maliban lang sa nagkalat na bote ng beer sa dining table at ang natutulog na si Xander na nakasandal sa upuan. Mahaba na ang buhok nito at halatang hindi na nag shave dahil sa mahaba haba na ding facial hair niya. Sobrang amo niyang tingnan, gusto ko siyang yakapin at halikan peru muling nanariwa sa isip ko ang ginawa niya sakin, ang excitement ko pagkakita sa kanya ay napalitan ng sakit.
Hindi ko na siya ginising, deretso ako sa kwarto at inimpake ang gamit ko. Nang handa na ang lahat ay ipinababa ko na kay mang Roman ang family driver namin at papabalikan ko nalang sa kanya ang iba. Nakaramdam ako ng uhaw kaya kumuha ako ng malamig na tubig sa ref, kakatapos ko lang inumin ang isang basong tubig nang kumirot ang sugat ko kaya nabitawan ko ang baso sa sakit at nabasag ito.
Napalingon ako sa gawi ni Xander, kung kanina tulog ito ngayun gising na gising ito at bakas sa mukha ang gulat pagkakita sakin.
"Im sorry lilinisin ko nalang to." pinilit kong lamigan ang tono ng boses ko kahit gusto ko na siyang takbuhin at yakapin hindi pwede.
"Love, bumalik ka." nakita ko sa mata niya ang tuwa peru binawi ko ang tingin ko at sa basag na baso itinuon.
Kumuha ako ng walis at dust pan saka nilinis yun, nang matapos ako saka ko siya hinarap.
"Kinuha ko lang ang mga gamit ko, pasensiya sa storbo, kumakatok ako kanina peru walang bumubukas kaya pumasok na ako." walang ka emo-emosyon kong paliwanag sa kanya.
"Love im sorry, im so sorry." nabigla ako sa ginawa niya, inilang hakbang lang niya ang pagitan namin at niyakap ako saka umiyak, kumirot ang puso ko sa ginawa niya kaya ang mga walang ya kong luha ay nagsilabasan.
"Please forgive me love, im so sorry." muli niyang sabi.
"Wag na nating pahirapan ang isat-isa Xander." itinulak ko siya peru ang higpit ng pagkakayakap niya sakin.
"Please love, im sorry, forgive me please, im sorry." hindi ko alam peru parang namanhid ang puso ko, hindi awa ang nararamdaman ko kundi kirot at sakit. Kaya ibinuhos ko ang lakas ko para mahiwalay ako sa yakap niya, parang hiniwa ang dibdib ko sa sakit ng ginawa kong pagtulak sa kanya peru hindi ko na yun pinansin.
"Madali naman sabihin yan eh, madali mag sorry Xander, madali sayo ang mag sorry peru bakit ang hirap sayo na paniwalaan ako? Bakit ang hirap sayong pagkatiwalaan ako?"hindi ko na pinsin ang sugat ko na sumasakit.
"Im sorry love, please give me another chance, ill make it up to you please." kulang nalang lumuhod siya sa harap ko sa paghingi ng sorry.
"You'll make it up to me? how Xander? para hindi ako pagkatiwalaan ulit? Para saktan mo ulit? Para mas piliin mo ang iba kaysa sa akin? " nanginginig na ang kamay ko sa emosyon at sa nangyayari.
"I trusted you Alex, i did trust you nagkamali lang ako-"
"Trust? trust ba yung magalit ka sa sinabi ko at kwestyonin ako at mas paniwalaan pa ang babaeng yun? Tapos ano? Nagsisi ka lang dahil alam mong tama ako? Nagsisi ka lang dahil sinagip kita mula sa kanya? Hindi yun trust Xander, hindi yun trust at para malaman mo mas masakit pa sa tama ng bala dito sa puso ko yun Xander." humagulhol na ako.
"Im sorry, im really sorry." gusto siyang lapitan at saktan peru hindi ko magawa.
"Stop, stop saying sorry. It's useless."
Lalabas na sana ako ng unit ng yakapin na naman niya ako sa likod, malapit lang kami sa pintuan kung saan ang ibang natitira kong gamit.
"Please trust me again Alex, give me a chance, i wont hurt you again." saad nito habang nakasubsob ang mukha sa batok ko.
"Trust means everything to me Xander, it means a lot to me peru sinira mo yun kaya wala na ring saysay ang mga sorry mo. At hindi na kita kayang pagkatiwalaan na hindi mo ako sasaktan ulit." naramdaman ko ang luha niya sa batok ko. Habang ako nagsimula na ring yumogyug ang balikat sa kakaiyak.
"Please Alex, i love you." parang musika ang sinabi niya sa tenga ko peru panandalian lang ang tugtug na yun.
"I need to leave Xander, tama nang sakit na nararamdaman ko, tama nang masugatan ang puso ko para lang sayo, tama nang lakas ng loob kong ibuwis ang buhay ko for the man who never trusted me in the first place. Tama nang for once in my life i did something brave for the man i love." lahat ng lakas ko ibinuhos ko pakawalan lang niya ako.
"Ma'am Alex, marami pong dugo ang dibdib niyo." sigaw ni Mang Roman nang makita kami pag bukas niya ng pinto. Agad akong yumuko para tingnan ang damit ko at nabigla ako sa nakita, halos basa na pala ng dugo ang damit ko sa parteng dibdib.
Dahil dun bumitiw si Xander sa pagkakayakap sakin, at iniharap ako sa kanya. Kita ko sa mata niya ang gulat at pag-aalala, peru nginitian ko siya ng pilit.
"Ang sugat na to ang magpapa-alala sakin ng sakit na dinulot mo Xander at hindi na to mawawala pa dahil mag-iiwan ito ng marka na hinding hindi na mabubura." saka ko siya tinalikuran.
Pagkalabas namin ng unit parang gusto ko nang mamatay sa nangyari, ang sakit makita siyang ganun nasasaktan at lugmok, peru mas nasaktan ako mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa ma awa sa kanya.
Mahal kita Xander higit pa sa buhay ko, napatunayan ko na yun nang iharang ko ang katawan ko sa balang maaring kumuha sayo sa mundong to, peru bakit ganito? binago ng sugat sa puso at dibdib ko ang nararamdaman ko sayo? bakit galit ang mas nangingibabaw dito?.
********************
Sinong umiyak? comment.
love love
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...