"Alam mo miss? sobrang mae-enjoy ko sana si Hawaii kung hindi ka nagkukulong sa suite natin at sinamahan mo akong mag explore." kararating lang po namin sa condo ko galing airport, from our one week vacation in Hawaii at wala ata sa vocabulary ni Zia ang pagod at jet lag kaya walang humpay din ito sa kaka dada."Hindi ako pumunta doon para magliwaliw at ibalandra ang katawan ko sa mga locals dun gaya ng ginawa mo okay? pumunta ako doon para mag-isip." saka ko siya iniwan at dumeretso sa banyo.
Sa buong duration ng bakasyon namin nanatili lang ako sa suite namin ni Zia, nagbabasa ng libro, tulala, umiiyak at matulog lang ang ginawa ko. Habang si Zia ay lalabas ng alas syete ng umaga at babalik ng madaling araw, pag-uwi niya it's either lasing siya o sobrang lasing siya.
Hindi ko alam peru nakakaramdam parin ako ng pangungulila kay Xander. Kahit sinaktan niya ako siya parin ang hinahanap ng isip ko, sobrang gulo ng isip ko na sa tingin ko anytime mababaliw ako.
Hindi ko siya maaaring iwasan habang buhay, kailangan naming mag-usap at kailangan ko paghandaan yun. It's either maayos pa namin ang relasyon namin sa kabila ng lahat or just break everything and went to separate ways.
"Sleep Zia bukas na bukas din babalik tayo sa work." nakakasilaw kasi ang liwanag ng phone niya at hindi ako makatulog.
"Ang gwapu niya talaga miss, siguro kung sumama ka sakin mag liwaliw makakakita ka rin ng gwapung local dun." ang landi ng babaitang to kahit kailan.
"Diba may boyfriend ka?" hinarap ko siya, dahil magkatabi kami sa kama ko at nasa kabilang side siya.
"Tsssss, wala na kami nung malanding Carlos na yun! hindi na nakontento sa ganda ko miss, kita mo pag nakita ko yun babalatan ko yun ng buhay." gusto kong matawa sa kanya, kanina halos lumutang ito sa kilig tapos ngayun padabog pang inilagay sa bed side table ang phone.
"Carlos? hindi masyadong makabago ang pangalan hah." at tinalikuran ko siya ulit.
Hindi ko alam peru feel na feel kong bumalik sa trabaho ngayun, na miss ko ang agency at ang mga busy kong empleyado, kaya wala pang alas otso ay nasa opisina na kami ni Zia. Nagreklamo pa ito dahil ang aga daw namin at gusto pa daw niyang magpahinga kulang na nga lang buhusan ko ng tubig para bumangon.
"Can i sleep in my table for another one hour miss? i really kinda need it right now im so exhausted." inirapan ko lang siya.
"No! kung sinunod mo ako kagabi hindi ka sana puyat ngayun." akala ko kasi kagabi matutulog na siya peru nagising ako ng madaling araw, halos lumuwa na mata niya sa harap ng cellphone niya.
"Tsssss, ang hard mo talaga." at iniwan na niya ako sa opisina ko.
Sobrang daming papeles sa table ko na kailangan ko permahan, mga contrata ng mga bago naming recruits, payrolls at patong patong na application letters na dapat ko isa isahin. I just smiled seeing those bunch of papers in front of me, coz it only means one thing, my agency is doing really good and im happy for it.
"Miss." ang kulit talaga.
"Zia, for the second time around hindi parin ako papayag na matulog ka okay? so please wag mo nang i-push."
"Tssss, ang advance mag-isip. Miss gusto ko lang sabihin may bisita ka yun lang." bisita? wala pang office hours ahh.
"Sino?" nangunot ang noo ko sa kakaisip.
"Duh! i'll just let him in okay? mag-usap kayo. Usap lang hah walang patayan bye." bumisita nga malamang may gustong pag-usapan, peru sino?.
Narinig kong bumukas ang pinto peru itinuon ko lang ang attention sa pagpirma, then i heared foot steps walking towards me. Hindi parin ako gumalaw, busy busyhan ang peg. Hello, wala pa kayang alas otso kaya maghintay siya kung sino man siya.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...