CHAPTER TWELVE- ESCAPE

1.8K 48 1
                                    

Hindi ako sanay sa lahat ng nangyayari, ang atensyon ng mga tao, may kumukuha sakin ng picture lalo na pag kasama ko si Xander, kahit sa building nito may nakaka lusot din. Ako dapat ang magbantay kay Xander dahil ako ang bodyguard niya peru kabaliktaran na ang nangyayari dahil siya na ang nagpoprotekta sakin sa mga paparazzi na hindi ma wala-wala saan man kami mag punta, daig pa ata ni Xander ang artista.

Day-off ko today kaya gumagala ako sa mall, wala naman si Xander kaya hindi siguro ako dudumugin ng mga tao, si Xander lang naman ang sikat saming dalawa.

"Miss may size 8 kayo nito?" tanong ko saleslady may nakita kasi akong sapatos na sobrang ganda peru medyo malaki sakin.

Obsession ko din kasi ang mga sapatos kaya pag nakapasok ako ng mall, sapatos agad ang ino una ko.

"Sorry ma'am peru yan nalang po ang available size namin." saad niya na titig na titig sakin. Naka ripped jeans at plain shirt lang kasi ako.

"Ma'am Alex?, ikaw nga! ang ganda niyo po pala talaga sa personal." pagtitili nito na naka agaw pansin sa ibang tao.

Kinabahan na ako, agad akong lumabas ng store na yun peru narinig na ng ibang tao ang sigaw ng babae. Yung iba hinawakan pa ako sa braso ng mahigpit, gusto ko nang maiyak peru kailangan kong maka-alis agad. Kinalas ko ang mga kamay na nakahawak sakin at halos takbuhin ko na ang papuntang parking area. Yes isa akong police,  i've been through a lot, tough times, physical, emotional,  napagdaanan ko na lahat.  Peru ito? Iba ito,  people will never mind kung nasasaktan ka ba nila, people will never mind kung nagagalit ka ba sa ginagawa nila. Hindi ako sanay dito, and i'm not prepared  for this.

"Miss Alex, papicture naman." sigaw ng isang lalake.

"Miss Alex, pa autograph po." sigaw naman ng isa.

Picture? autograph? hindi naman ako artista, bat ganun?.

Nang makapasok ako ng sasakyan agad kong binuhay ang makina  at umalis sa lugar na yun, tumotulo pa ang luha ko habang nagmamaneho ako.

"Ano ba Alex, bat ba ang tanga mo? bat pumasok ka sa gulong to? baliw ka ba? bat kasi hindi mo sinuway ang mga pinagsasabi ni Xander ha! bat kasi sa halip na pigilan mo, ginugusto mo pa, ang tanga mo Alex!! ngayun ikaw din ang mahihirapan, hindi kana makakabalik sa normal mong buhay dahil sa lintik na Xander na yan!!" sisi ko sa sarili ko habang nagmamaneho at patuloy na umiyak.


Xanders POV

Day off ni Alex kaya bored ako sa opisina, wala kasi ang maganda kong kasama, walang nag iinspire sakin, walang magbibigay liwanag sa opisina.

Wala naman akong masyadong ginagawa kaya, binuksan ko nalang ang TV.

"Pansamantala po nating ititigil ang programang ito para sa isang kakapasok lang na balita. Ang napapabalitang nobya ng kilalang negosyanteng si Xander Vougn Monteverde ay dinumog ng mga tagahanga sa isang kilalang mall, ayun sa ating source ay umiiyak itong umalis ng mall para makaiwas sa maraming tao..." sa nakita kong video, nasasaktan si Alex sa mga paghawak sa kanya ng mga tao.

Agad kong pinatay ang TV at kinuha ang phone ko.

"Please answer it Alex." sambit ko habang hinihintay kong sagutin ni Alex ang tawag ko.

Naka ilang tawag na ako peru walang Alex na sumagot.

Sh*t! ako ang may kasalanan nito, dahil sakin nangyayari sa kanya to. Ang tanga mo Xander! nasasaktan siya dahil sayo.

"Gina, ipahanda mo ang private plane, ngayun din." tawag ko kay gina sa intercom.

Kailangan ko siyang ilayo sa mga tao, dahil sinasaktan na siya ng mga ito dahil sakin.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon