Chapter Fourty Two- It's Always You

1.1K 28 0
                                    

Pagkatapos maglibot ay bumalik lang ako sa room namin at kumuha ng cover up saka bumalik sa dagat. Ngayun lalangoy ako ng lalangoy hanggang malunod at matangay ng dagat ang init ng ulo ko.

Nang mangalay na ako sa kakalangoy ay umahon lang ako at bumili ng inumin at bumalik din sa tabing dagat. Sa pinakasulok ako pumwesto sa ilalim ng palm tree, hindi naman sa nagtatago ako peru ayoko pa talagang makita niya ako, pareho narin siguro yun! basta gusto ko mag lasing, magpakalunod sa alak para kahit kunti mawala naman sa isip ko ang nangyari kanina.

"Ano na ba nangyayari sayo Alex? daig mo pang iniwan ng jowa! selosa mo kasi, hindi pa man kayo ulit nagseselos kana? gosh your crazy! hindi mo naman alam kung ano talaga niya yun! paano kung pinsan pala niya yun! na nilait lait mo pa" tumungga ulit ako ng alak sa bote, oo kausap ko na naman sarili ko as usual.

Lumipas ang oras at hindi ko namalayan liwanag ng buwan nalang pala ang nagbibigay liwanag sa paligid ko.

"Forget everything nalang Alex, kalimutan mo yun humingi ka ng sorry kay Xander dahil sa ginawa mo kanina dahil mali yun! peru saang banda ako mali dun? ahhhh baliw kana Alex 100% baliw!" nahiga ako sa buhangin at nakita ko ang kagandahan ng mga bituin at ang full moon.

"Buti pa kayo mga bituin kahit ang liit at layo niyo tingnan nagbibigay parin kayo ng liwanag sa amin, peru kami ni Xander ang lapit lapit lang namin peru bakit parang ang labo? na hindi ko maintindihan? parang gusto niyang makipagbalikan na hindi. Nagpaparamdam noon tapos ngayun nada na sa topic ng buhay niya yun? aiiiiii nakakaloka isipin! pwede ba bigyan niyo naman ng liwanag ang love life ko mga bituin? another chance kumbaga." tumungga ulit ako ng alak at ang buwan naman ang pinagdiskitahan ko.

"At ikaw buwan para kang si Xander, magpapakita ka sakin ng buo ngayun tapos bukas iba na naman na hindi ko maintindihan. Gaya mo araw araw ko inaabangan ang presensiya niya, mas inaabangan ko pa nga siya kaysa sa monthly period ko! peru siguro iba na talaga ang naidulot ng tatlong taon."

Uminom lang ako ng uminom hanggang makaramdam ako ng pagkahilo kaya hindi na ako bumangon sa pagkakahiga sa buhanginan, minasdan ko nalang ang mga bituin na umiikot na sa aking paningin. Nabigla pa ako sa pag tunog ng phone ko.

"Low?" halos hindi na ako makapagsalita sa kalasingan, hindi narin klaru kung sino ang tumatawag.

"Where the hell are you? alas nuebe na ng gabi wala kapa, ilang oras na akong naghahanap sayo! naikot ko na ang buong resort wala ka." galit na bungad sakin ni Xander, naipikit ko ng madiin ang mga mata.

"Khung hinanap mho tlaga akho swa buomg reshort di indi kha pla mrunong mghanap eh." hindi ko talaga maayos ang pananalita ko kahit anong pilit ko kaya sana maintindihan niya.

"Lasing ka? nasaan ka? kukunin na kita Alex!" nag aalala siya. Ganyan talaga siya pag hindi niya ako makita at hindi niya alam ginagawa ko nag aalala o nagagalit sakin.

"Hnapin mko! gushto ko hnapin mko! ibalik mko shayo Xhander! bring me back to you coz i cant take this anymore, indi ko na kyang dalhin ang sharili ko shayo Xhander! help me, dalhin mko shayo!" paulit ulit kong saad sa kanya with my eyes in tears.

Lasing man ang katawan ko at ibang parte nito peru alam ng puso at isip ko ang ginagawa ko. Dahil kahit ilang bote pa ng alak ang inumin mo hindi mo madadaya at malalasing ang puso at isip mo.

"I'll get you Alex, wait for me." saka naputol ang linya.

Muli kong tiningnan ang mga bituin, nagkikislapan na parang nagkokompetisyon kung sino ang mas maliwanag sa kanila.

Ilang minuto ang lumipas may kung anong ilaw na dumadaan sa paligid, hindi ko yun pinansin. Hanggang sa naririnig ko na ang pagtawag sa pangalan ko na galing sa boses ng taong nagpapalundag ng isang milyong beses sa puso ko sa tuwing nahahawakan niya ako.

"Alex! Alex!" sigaw niya habang patuloy na iginagala ang ilaw na nagmula sa hawak nitong flash light.

Hindi ko siya sinagot, hindi ako bumangon dahil hihintayin ko siyang kusa akong mahanap. Kung mahal niya ako mahahanap niya ako, maibabalik niya ako sa kanya.

Palapit ng palapit ang boses niya at palakas naman ng palakas ang pintig ng puso ko. Hanggang sa naifocus sa mukha ko ang ilaw at dali dali siyang tumakbo palapit sakin.

"Alex, are you okay?" ibinangon niya ako at niyakap ng mahigpit.

"You found me Xander, you found me." nginitian ko siya  dahil masaya ako at saka nagdilim na ang buong paligid.

Nagising ako sa marahang pagpunas sa mga kamay ko ng basang bimpo. Iminulat ko ang mata at nakita ko siya, habang marahang pinupunasan ang kamay ko.

"Aray ang sakit ng ulo ko!" reklamo ko dahil kumirot talaga ang ulo ko.

"Sino ba kasing nag-utos sayong uminom? naglasing ka na halos hindi ka na makatayo, paano kung may mga lalaking nakakita sayo! pinagsamantalahan ka? sa tingin mo makakaya ko yun?" seryoso niyang sabi habang ipinagpatuloy ang pagpunas sa akin.

"Kasalanan ko naman kung mangyayari talaga yun hindi mo ako kargo di konsensiya." tumingin ako sa ibang direction, peru agad ding tumingin sa kanya dahil tumigil sa ito sa ginagawa.

"Whats wrong with you? sa tingin mo ginagawa ko to dahil kargo di konsensya kita? mali ka coz im doing all if this because i love you Alex, mahal kita. Hindi nawala ang letseng pagmamahal na to kahit iniwan mo ako! sa loob ng tatlong taon minahal kita kahit hindi kita mahanap, at ngayun pinagtagpo ulit tayo ng pagkakataon hindi na kita pakakawalan pa Alex." napaawang ang bibig ko sinabi niya. Naguilty ako sa ginawa ko. I see tears slowly falling from his eyes. Bumangon ako sa pagkakahiga kahit ang sakit ng ulo ko.

"I'm sorry, im sorry for being rude to you. Hindi ko lang maamin na nagseselos ako sa clown na yun, pinangungunahan lang ako ng takot sa tuwing gusto ng puso kong sabihan ka na mahal parin kita hanggang ngayun. Natatakot ako Xander, ang markang to ang patuloy na nagbibigay takot sakin." Habang tumutulo na ang luha ko, itinuro ko ang marka mg sugat ng bala noon, hindi ito ganun ka halata, peru kung titingnan mabuti andun talaga ito.

Tumingin ito sa kamay ko at maagap na kinuha iyun saka masuyong pinisil at hinalikan.

"Akala ko habang buhay na akong kakainin ng takot Xander, takot na masugatan at masaktan uli, peru nang makita kita uli after three years sa restaurant na yun, hindi ka na nawala sa isip ko. Bumalik ang pakiramdam na tatlong taon kong hindi naramdaman at ikaw ang nagbalik nun. It's always you Xander, always you." humikbi na ako ng tuluyan.

"Im sorry for causing you too much pain before, im sorry for hurting you, im sorry for not trusting you not believing in you. I'm sorry." saka niyakap niya ako ng mahigpit.

Gumaan ang pakiramdam ko nang nakakulong na ako sa kanyang yakap. Siya ang nagbigay ng takot saking magmahal noon peru siya rin pala ang gagamot at magwawala sa takot na yun.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon