Chapter Twenty Seven - Captain X

1.4K 32 3
                                    

"Missssssssss....." tiling salubong sakin ni Zia pagpasok ko sa office ko.

"Zia hah! ang aga-aga  ang sakit sa tenga ng pagtitili mo diyan." reklamo ko sa kanya, ano na naman kaya ang nakain ito? at ganito kung maka react.

"Nakakakilig miss sobra." kulang nalang tumalon ito sa harap ko.

"Paupuin mo muna ako pwede?" tumahimik naman siya kaya deretso ako sa mesa ko at inilapag ang bag ko saka umupo.

"Okay, spill." hindi man lang ito umupo.

"Pagdating ko dito miss, may inabot sakin si kuya guard. May nag-iwan daw ng fresh na fresh na bulaklak, galing sa gwapung lalake na may magandang kotse." kulang nalang may hearts na lumabas sa mata niya sa kilig na nararamdaman ng secretarya niya.

"Gosh, Zia pati ba naman dito sa opisina dadalhin mo ang mainit na relasyon mo? iniinggit mo ako no?"

"No miss, hindi kita iniinggit dahil ako nga ang inggit." umupo na siya sa upuan sa harap ng mesa ko.

"And dami mong sidelines Zia, deretsohin mo nga ako." ay may pa bitin bitin pa kasing nalalaman eh.

"The flowers is not for me, or any of the staff Miss, its for you." titig na titig siya sakin kung ano ang magiging reaction ko.

"Weee? wala naman ata akong nakitang flowers dito eh no?" luminga pa ako sa apat na sulok ng opisina ko.

"Oh sorry, wait nasa table ko." abat sa akin daw peru nasa table niya, ang sama talaga niya.

"Ayoko na niyan, naubos na ang amoy siguro niyan, sininghot mo na lahat." pahabol kong sigaw sa kanya habang palabas siya para kunin ang bulaklak.

"Here miss, hindi ko inubos amoy niyan, siyempre tinirhan kita, hindi kaya ako madamot."

"Akin na nga." wala naman akong manliligaw at first time may nagpadala ng bulaklak sakin dito sa office, kadalasan kasi sa staff ng building ng condo ko may nag-iiwan.

Mabangong isang bugkos ng white roses ang nasa harap ko ngayun, agad kong hinanap ang card sa pag-asang may pangalan dun.

Good morning

White roses for a beautiful lady. White for purity and cleanliness of my intension to you.

Hope you like it, and i know you will.

                                           Truly Yours,
                                             Captain X

"Captain X? ang korny ng napili niyang pangalan Zia hah! Parang brand X lang ng sabon sa mga commercial." who the f? at pipili lang din ng screen name, captain X pa talaga? wala nang mapili?.

"Kahit na miss its the effort that counts, kahit Captain America, Captain barbell pa ang pangalan niya no."

"Wait, sino ba ang binigyan nito? diba ako? kaya wag mag feeling diyan hah." sa sinabi ko tumayo ito at binusangutan ako.

"Hindi ba pwedeng makishare ng kilig feelings? kahit kailan miss ang damot mo." Nag pout pa ang lola niyo.

"Zia? binayaran at sinisweldohan ba kita para kiligin?" pinandilatan ko pa siya ng mata.

"Sabi ko nga Miss, labas na ako. Nga naman Zia oh, back to work." kausap niya sarili niya palabas ng opisina ko, baliw nga ito walang duda.

Nang makalabas na siya, saka ako napangiti at muling binasa ang card. Captain X, kung sino ka man, pinaganda mo umaga ko dahil sa pabulaklak mo, sana araw arawin mo na nang mapuno ng bulaklak ang opisina ko.

Nasa kilig moments ako nang nag ring ang phone ko, another unknown number. Dahil sa masaya parin ako dahil sa pabulaklak ni Captain X, agad kong sinagot ang tawag.

"Good morning, sino to?" bati ko sa kung sino mang nasa kabilang linya.

"Received the flowers?" saad ng baritong boses sa kabilang linya, ang ganda ng boses niya,  lalakeng lalake peru familiar siya.

"Yeah, salamat  sino nga pala to?" wag pa thrill ha, ayaw ko niyan kinikilig ako.

"It's Captain X, your hero." gosh! ang boses niya saan ko ba narinig yun.

Grabe ka Alex, ang tanda mo na para sumaya sa hero hero na yan peru ayan ka, lumalandi ka sa telepono.

"How come na naging hero kita? i dont even know you." napasandal ako sa swivel chair ko, mukhang mahabang usapan to.

"Matagal mo na akong hero, nawala lang ako ng matagal na panahon. Peru im back now to make things up to you and be your savior again." mag-isip ka mabuti Alex, narinig mo na ang boses niya, isipin mo.

"Be my savior again? have we met before?" deym Alex, sa lahat ng pwede mong landiin sa hindi mo pa kilala at sa telepono pa talaga.

"Sabihin nalang nating oo, nagkita na tayo." long lost brother siguro to ni Zia, pareho sila eh, lakas makapang bitin.

"Wala akong maalala na Captain X na nakilala ko noon. Meron akong X na madalas makita eh sa Commercial, yung brand X." wala naman talaga, at kung meron man siguro isinumpa na nito ang magulang sa pag pangalan dito ng Captain X.

"Makikita mo din ako soon at hindi ako brand X." ayan pinapaasa pa ako.

"Tawag ka nalang ulit pag magpapakita ka na."  nag aaksaya ka ng oras sa taong to Alex.

"I'll see you soon Alex." kilala nga niya ako, bat ako? wala akong maalala sa kanya, boses lang niya familiar sakin.

Hindi ko nalang siya sinagot, tinapos ko nalang ang tawag na yun. Gosh! dagdag iisipin na naman Alex, una si Xander bumabagabag sayo, kulang nalang mabaliw ka ngayun si Captain X dumagdag pa, im sure this time mababaliw ka na, walang duda.

"Zia, pakipasok yung file ng Captain X este XVM please." tingnan mo Alex? nagsisimula ka nang mabaliw.

"I know the feeling miss dont worry, iba talaga pag maganda gaya natin." sagot nito sa intercom.

"Pack your things Zia kung ayaw mong ako pa magligpit niyan." galit galitan acting ko.

"Papasok na po, Miss maganda sana sungit naman." dagdag nito.

"Gusto mo sungitan talaga kita?"

"Di po, papasok na po sabi, ayan na parating na." sanay na ito sa kanya at sanay na din ako sa kanya.

Habang binabasa ang file ng XVM hindi ko maiwasang isipin si Xander, bakit hindi ko ata alam na may sister company pala ang FGM na pinamamahalaan niya noon?. Hindi ko pa talaga siya ganun ka kilala.

Kagaya ko din kaya siya? hindi din kaya ako mawala sa isip niya? praning na din kaya siya?.
Alam mo Alex? ikaw lang ang praning, dahil ikaw lang ang kung saan-saan napupunta ang isip. Itigil mo yan Alex hah, tigil.

****************
Pati ako praning na din, waaaaah papunta na to sa kabaliwan.

Touch the stars and leave a comment

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon