Humilata ako sa kama dahil sa sobrang pagod, I've been cleaning the whole house all day, wala kasi ang mga maids pinag day off ko silang lahat para makapag bonding naman sila.
Yeah, bago ko makalimutan yes! Anim na taon na kaming kasal ni Xander, sobrang dami naming pinagdaanan mga masakit na akala namin hindi namin makakayanan peru, heto kami ngayun getting stronger ang buhay mag-asawa at buhay may pamilya. Akala ko kilala ko na siya ng sobra peru nang ikasal na kami marami padin akong natuklasan sa kanya isa na dun ang sobrang takot pala siya sa pusa. Isipin niyong mabuti ang isang bilyonaryo, gwapu at sobrang machong si Xander ay takot sa pusa? nakakabaliw sobra, may traumatic experience nga kasi daw siya nung bata pa siya, kinalmot daw siya ng pusa kaya until now takot pa siya.
"Mommmmyyyy were home!" napabangon ako sa tili ng baby girl namin.
Mula sa second floor dumungaw ako at nandoon nga ang napakaganda naming prinsesa nakatingala sakin, bumaba agad ako at kinarga ko siya.
"How's school baby?" pinupog ko pa siya ng halik.
"School is great Mom, i love school so much." sumimangot ako.
"You love school more than Mommy?" pinisil niya ang pisngi ko.
"No, i love you, Daddy ang kuya more than school Mom, don't be jealous."
"Hey ladies." damn! dumating na ang hari.
"Dadddddyyyyyy." umalis sa pagkakakarga ko ang prinsesa namin at kay Xander naman nagpakarga.
"Hey, princess." inihagis hagis nito sa ere ang bata na ikinakaba ko.
"Love, stop that! baka hindi mo masalo." peru hindi parin ito tumigil habang hagikhik naman ng hagikhik ang bata." Xander! i said stop that." nainis na talaga ako.
"Okay, chill naglalaro lang kami." iningusan ko lang siya.
"Kayong mag-ama, you go upstairs mag palit na kayo ng damit at maghahanda na ako ng meryenda." naghabulan naman ang dalawa paakyat, na ikinakaba ko ulit baka madulas ang anak ko sa hagdan at mahulog, tssss si Xander talaga.
Gumagawa ako ng sandwich at nagtitimpla nadin ako ng juice nang tumili ang prinsesa namin. Mabilis pa sa alas kwatrong narating ko ang kinaroro-unan ng anak ko.
"What's wrong baby?" i scanned all her body parts baka may bali siya, may kamlot oh kung ano mang nangyari sa kanya.
"Mom, i'm okay! i just want you to see my piece of art." ngumiti ito ng pilya sakin." Tadaaaaaaa....."
Saka naman lumabas si Xander suot ang dress, head bond ng anak namin, kung anong pinahid sa mukha niya, make up ko ata ang nakakalat sa mukha niya na mukha na siyang clown, nag pose pa siya na parang nasa photoshoot ng mga baliw habang naka simangot ang mukha.
"Alexandra Devougn? what did you do to you're Dad?" humagikhik lang ang pilyang bata saka tumakbo palabas.
"At ikaw lalake pumayag ka talagang paglaruan ng anak mo?" natatawa akong lumapit sa kanya at pinahiran ng tissue ang mukha niya para matanggal ang make-up.
"Alam mo namang hindi ko matanggihan ang prinsesa natin eh." hinapit pa niya ako sa beywang kaya napayakap ako sa kanya. "Naiisip mo ba ang naiisip ko love?" kumindat pa ito.
"Baliw! maligo ka nalang para matanggal na yang nasa mukha mo at mag meryenda na tayo sa baba." peru imbis na sundin ako ay siniil lang niya ako ng halik na tinugon ko naman.
"Hmmmmm.... love?" ayan na naman ang pilyong si Xander.
"Tssss.... ano kaba! mamaya na yan, maligo ka na!" lumiwanag naman ang mukha niya.
"Talaga? mamaya?" para itong bata.
"Oo nga! peru kung hindi ka pa maliligo ngayun, wala talagang mamaya." pagkatapos kong sabihin yun ay nagtatakbo ito papuntang banyo.
"Mommmmmmyyyyy...." halos tumakbo na naman akl sa kaba nang tumili na naman si Xandy, wala kasing mga yaya niya kaya natatakot ako dahil walang nagbabantay sa kanya.
"Ba't ka ba sigaw ng sigaw baby?" akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya eh nasa may pinto lang naman siya habang nakatanaw sa labas.
"Kuya Deeeeeej is here." nagtatatakbo na ito sa parking area.
"Wag kang tumakbo anak, madapa kapa." peru hindi talaga nagpapigil at pumunta na sa kuya DJ niya.
Simula nang lumipat kami ng bahay ni Xander ay gusto sana naming tumira kasama namin si DJ peru hindi din pumayag sila mommy at daddy dahil mamimiss daw nila ng sobra ang bata. Kaya dumadalaw nalang palagi si Dj dito samin lalo nat lagi nalang siyang hinahanap ni Xandy, sobrang close kasi nila.
Ang agency ko naman ay kay Zia ko na ipinagkatiwala dahil ang gusto ni Xander sa bahay lang daw ako at dahil mahal ko siya siyempre hinayaan ko nalang at para narin matuonan ko ng pansin ang paglaki ni Xandy, ayokong may ma miss na event sa paglaki niya.
Halos mapatalon ako sa bigla mang bigla nalang akong yakapin ni Xander mula sa likod. Nasa sala kami pinapanood ko si Xandy at Dj na naglalaro, kahit magbibinata na ang Dj namin ay sinasabayan parin niya ang trip ng aming munting prinsesa.
"Parang gusto kong umiyak love." pinisil ko ang kamay niya na nasa may tiyan ko.
"Bakit? may masakit ba sayo? masama pakiramdam mo? ano?" ang OA talaga ng asawa ko.
"Hindi, wala akong sakit."
"Eh bakit gusto mong umiyak? may pinagseselosan ka ba?" hello? selos? akin ka na! kasal na tayo kaya hindi na ako nagseselos no! kunti lang, minsan.
"Tingnan mo nga sila, ang bilis ng panahon. Akala ko hindi na mangyayari to love." damn! tumulo na nga sila luha.
"Yeah, at dapat magpasalamat ako sayo, dahil kung wala ka, walang Xandy at walang masayahing Xander ngayun. I'm thankful that i have you and the kids love, mawala na lahat ng meron ako, wag lang kayo." humarap ako sa kanya at niyakap siya.
"Kahit kailan talaga, bentang benta sakin yang mga hirit mo love, hindi parin kumukupas yang pakilig moves mo." hindi ko alam peru araw-araw parin akong kinikilig kay Xander, ang sweet kaya niya.
"Kahit naman hindi na ako humirit alam kong kikiligin ka parin, nakapag asawa ka ba naman ng kasing gwapo at ganda ng katawan ko love." natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Okay na sana eh, nagmayabang kapa."
"Gawin na kasi nating ate si Xandy love, alam ko kasing mahihirapan si Xandy paglaki niya kung hindi natin siya bibigyan ng kapatid." kumunot ang noo ko sa sinabi niya..
"Bakit?"
"Sa dami ba naman ng mamanahin niyang negosyo i'm sure baka tatandang dalaga yan." nahampas ko ang braso niya.
"Mama! Papa! get a room, Xandy's here oh." nakasimangot na sigaw ni Dj, ganyan siya ka protective kay Xandy na kahit magyakapan lang kami ni Xander sa harap nila ay bawal daw.
"See? hindi na kailangan ng bunsong kapatid ni Xandy kung may mahigpit na kuyang tulad ni Dj love, kaya ikaw samahan mo sila dun at kukunin ko na ang meryenda."
I'm happy with my life now, i mean our life now. I have my husband whose my strength and our daughter whose my inspiration. God is so good to me, coz i only ask for a spoon of rice but he gave a sack of rice instead.
Ang pag-ibig pala hindi lang dapat hinatayin minsan, dapat din pala itong ipaglaban at paghirapan, kailanagan mo munang masaktan para matutunan mo ang lahat. Para siyang laro na kailang dumaan muna kayo sa lahat ng level bago niyo ma complete ang buong laro, at ilang beses man kayong matalo hanggat kaya pa laban lang ulit dahil sa huli pag-ibig at pag-ibig parin ang magwawagi.
End
************************
Please check out my new story
THE BILLIONAIRES GIRL
Thank you.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...