CHAPTER NINE- GIRLFRIEND OF THE DAY

2K 71 1
                                    

Nang dahil sa video, heto kailangan kong umaktong girlfriend ni Xander sa buong araw. Medyo madali lang siya para sakin pangarap ko nga kasi, peru ano kayang feeling maging girlfriend ng isang Xander Vougn Monteverde?.

"Love ang tagal mo, late na tayo" Love talaga? peru gusto ko yan. Dahil sa pagtawag niya sakin nagmadali na tuloy akong magbihis, naglagay ng kunting make-up at lumabas na ng kwarto.

"Wow, ang ganda ng love ko ahh" bungad niya sakin sa sala at nakangiti pa na nagpa tumbling sa puso ko.

"Tigilan mo nga ako sa love, love na yan" tigilan daw e, kinikilig naman.

"Hey, diba girlfriend kita today? so act like one, at tatawagin kitang love at yun din ang itatawag mo sakin" naghaharlem shake na ata puso ko sa bawat tawag niya sakin ng love ah, sarap sa tenga.

Iiwan ko na sana siya sa sala at maunang lumabas ng unit peru mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"At ano yang hawak-hawak mo na yan?" kunot noo kong saad sa kanya.

"Girlfriend kita, boyfriend mo ako walang masama kung maghoholding hands tayo no" at hinila na niya ako palabas ng unit.

Naku aatakihin ata ako sa puso bago pa man matapos ang araw na to sa mga pinag-gagawa ni Xander, umaga palang nag bibreakdance na puso ko.

"Good morning sir" bati samin ng guard pagdating sa building nila Xander, hawak parin niya ang kamay ko at sobrang ngiti niya ngayung umagang to nakakapanibago.

"Good morning kuya, girlfriend ko po pala si Alex" pakilala niya sakin sa guard e, matagal na din naman akong kilala ng guard, peru bilang bodyguard nga lang niya.

"Para saan yun? kailangan ba talagang pati guard maka-alam?" saway ko sa kanya paglampas namin sa entrance.

"Siyempre dapat lahat at diba sinabi ko sayong tawagin mo akong love?" nagsasalita ito peru hindi naman lumilingun sakin, busy lang ito sa kakahila sakin.

"Hindi ba tayo didiretso sa office mo?" sa ibang department na kasi kami patungo na wala naman sa schedule niya ang pag-iikot sa bawat departamento.

"I told you to call me love" seryoso na itong nakatingin sakin at basta nlang binitawan ang kamay ko.

"Pag tawag lang ng love hindi mo pa magawa, sige maiwan na kita i,upload ko pa ang video mo" tinalikuran na niya ako, tatawagin ko sana siya peru nahiya naman ako sa mga empleyado na busy sa kani-kanilang cubicle peru bahala na.

"Love wait!!" malakas kong tawag sa kanya na umagaw ng atensyon sa mga empleyado, napatingin lahat sakin.

Bahala nang mapahiya ako dito kaysa kumalat ang video ko sa buong mundo no.

"Oh, sorry love ang tagal mo kasi" nakangisi na ngayun ang baliw na si Xander pabalik sakin.

"Oh, and everyone i want all of you to meet Alex my girlfriend" kanina sa gwardya ngayun sa mga empleyado naman niya, baliw na talaga siya.

Sus baliw daw, eh kinikilig ka naman sa mga kabaliwang ginagawa niya kaya wag na umangal te! bulong ng isip ko. Lahat na ng parte ng katawan ko tinatraydor na ako dahil sa baliw na to.

Inikot namin halos lahat ng department ng kompanya para lang ipamalita ni Xander na girlfriend niya ako. Nagsisi tuloy ako sa pagbigay ko sa kanya ng soup kagabi, yun ata ang dahilan ng lahat ng to e.

"Kailangan ba talaga nilang malaman lahat? e, ngayung araw lang naman din to, dapat di mo nalang sinabi sa kanila" reklamo ko sa kanya nang makarating na kami sa opisina niya.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon