Chapter Fifty Seven- Paranoid

1K 21 0
                                    

It's been one week at napaparanoid parin ako sa kakaisip sa sinabi ni Zia sakin, paano nga kaya kung mapagod si Xander sa kakasuyo sakin? paano nga kaya kung tuluyan na itong mapunta kay Sarah?. Wag naman sana dahil baka mawalan na ako ng pag-asang mabuhay.

Speaking of Xander, isa pa siya sa dumagdag sa pagka-paranoid ko dahil buong linggo siyang hindi nagpakita! although he kept on sending me flowers everyday and sends  me crazy messages on viber, iba parin yung gaya ng dati na nasa paligid siya nangungulit sakin, iniisip ko tuloy minsan baka busy siya sa iba, grabe nakakasakit sa ulo hindi na ako nakakapag focus sa trabaho.

Napapaisip tuloy ako minsan, kung puntahan ko kaya siya sa opisina niya at sabihing pinapatawad ko na siya? tsssss matagal ko na naman talaga siyang napatawad eh! arrrgh! bat ba kasi bloke bloke ng pride ang meron ako di nalang ice cube para madaling tunawin at lunukin.

"Kung nasaan man ang kaluluwa ng maganda kong amo, bumalik kana sa katawan niya, parang awa mo na!." bumalik ako sa realidad sa litanya ni Zia, baliw talaga ang babaeng to.

"Zia, labas tayo mamaya?" nagulat pa ito sa sinabi ko.

"Oh my gulay! don't tell me natotomboy kana and you're asking me out for a date?"

"Are you crazy?" muntik ko na siyang mabato ng ball pen sa sinabi niya.

"Lunukin mo na kasi yang pride na yan! puntahan mo! hindi naman kasi masamang tayong magaganda ang gumawa mg move minsan eh."

"Nahihiya kasi ako Zi, para kasing kinain ko din lahat ng sinabi ko pag ako ang gumawa ng first move." napaupo ito sa couch ng office ko pagkatapos marinig yun.

"Ngayun kapa talaga nahiya? alam mo miss ang ibig sabihin lang kasi niyan, nakapag-isip kana na mahal mo talaga siya na hindi mo kayang wala siya ganun."

"Ba't ba ang galing mo pagdating sa mga ganitong bagay Zia?" kung gaano ito ka baliw sa trabaho ganun naman ito ka lalim when it comes to love.

"Experience lang miss and take note! hindi experience ko hah! experience ng mga kaibigan ko kasi baliw din ang love life ko."

"Basta, lalabas tayo tonight! let's have fun. Napaparanoid na kasi talaga ako Zia." napasandal ako sa swivel chair ko.

"Okay, if you say so peru treat mo ha! may iniiponan ako eh."

Tama si Zia, hindi ko talaga kayang wala siya sa paligid ko, na wala siya sa buhay ko ngayun. Tama din siya na napag-isipan ko na talaga ang lahat.

Ano kayang ginagawa niya? iniisip din kaya niya ako? Na miss din kaya niya ako?

"Ma'am sorry peru lasing na po kayo." saad ng bartender.

"I don't give a damn! just give me a drink!" kaya nga ako pumunta dito eh! kasi gusto kong uminom tapos hindi nila ako bibigyan? eh magbabayad naman ako.

Nasa isang bar kami ngayun ni Zia, kanina pa kami inom ng inom peru ako lang yata ang nalasing sa aming dalawa nakikipagharutan kasi ito sa mga katabi niyang lalaki, sa may bar counter lang kasi kami pumwesto.

"Hoi Jhiya indi kita ishinama dito para mang lalakwe ha!" kahit anong pilit ko sa sariling ayosin ang pananalita hindi ko na kaya.

"Tssss, at ikaw hindi tayo pumunta dito para mag lasing, were supposed to have fun Miss." tinalikuran nito ang kausap na lalake at hinarap ako, tsssss umiikot nanag paligid  at ang bigat na ng talukap ko.

"Tsss ahno kah ba! thish ish my way of having funn!" tumawa pa ako at muntik nang masobsub sa sahig ang mukha buti nalang may malakas na brasong sumalo sakin.


"Who the hell told you to get drunk?" matigas nitong saad.

He sounds familiar kaya hinila ko mukha niya palapit sakin at tinitigan ko siyang mabuti peru malabo na ang paningin ko at umiikot lang ang mukha niya sa paningin ko kaya inamoy ko siya. Damn!  pareho pa sila ng amoy.


"Shalamat ha! hmmmmp pwero ahlam mo? you shound like my Xhander and you shmell like him!" binitiwan ko siya at akmang lalapit kay Zia peru hindi ko maihakbang ang mga paa ko ng maayos at muntik na naman akong matumba buti nalang naka-alalay parin siya sakin.

"Oooopppsss! sh*t! Jhiya thara  na takee mhe home, i wanna shleep i'm shoo shleepy" ang bigat na ng talukap ko na anytime ay pipikit na talaga sila.

"No, that guy holding you will take you home miss, tinawagan ko pa yan para sunduin ka." bulong nito sakin, alang ya ipapahatid lang ako ng babaeng to sa kung sinong lalake?.


"Damn you Jhiya! no hindi ahko shashama sa khanya! what if Xhander will see me with thish guy? naahhh i don't wanna hurt him! Jhiya kaya hatid mo na ako." hinila hila ko pa siya sa braso peru kinakalas naman niya ang mga yun.


"Tssss trust me Miss you're in safe hands." iningusan ko lang siya at bumaling sa lalake.

"Hey you! you will take me home okay? but.. but don't you dare lay any of you're finger on me nor touch a single strand of my hair, i'm telling you you'll be dead! 100% percent dead." saad ko peru parang ngumiti lang ito, basta hindi malinaw sa paningin ko ang mukha niya.

"I wont touch you." rinig kong sabi niya.

"Good, coz i'm telling yeah my Xhander will beat you up so hard till you die." pilit kong inaaninag ang mukha niya peru hindi na talaga kaya ng mata ko, pumikit na ang mga ito.

The next thing i knew, someone is changing my clothes so opened my eyes and i saw Xander.  His here? am i dreaming? no way? dahil sa bigat ng pakiramdam ko ay hindi ako makakilos at kahit anong pigil ko ang bigat talaga ng talukap ko kaya nakatulog ulit ako.



Ang pag ring ng phone ko ang gumising sakin, ayoko pa sanang sagutin dahil sa sakit ng ulo ko at bigat ng katawan peru hindi din naman yun tumigil sa kakangawa kaya no choice.

"Hello?" paos kong sagot.

"Mama, good morning." masiglang bati sakin ni Dj, nanatili akong nakadapa sa bed ko.

"Hmmmm good morning baby"

"Mama don't forget my school play this afternoon ha, i will be so happy if you're there watching me."

"Of course baby mama will be there, i missed you baby boy." may kausap nga ako sa telepono peru pikit parin ang mata ko.

"I missed you too mama and i missed papa also and i love you both. I will ask yaya to call you again later mama bye." at pinutol na niya ang tawag.

Wait! did he just say Papa? si Xander? napabalikwas ako ng bangun sa ala-alang nakita ko siya kagabi at siya pa nagpalit ng damit ko. Agad kong sinuri ang damit ko at iba na nga yun naka loose shirt at underwear nalang ako. Agad akong bumangon at sinuyod ang buong condo ko peru wala namang bakas bi Xander.

"Tsssss, ayan sa pagka paranoid mo pati sa panaginip nandun na rin siya para sayo." saad ko sa sarili.

Panaginip lang pala, hmmm buti pa sa panaginip dumadalaw siya peru sa totoong buhay ni buhok niya hindi ko makita.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon