Ilang na araw na simula nang magkita kami sa restaurant ni Xander at simula nun nasa utak ko na siya palagi, lagi akong kinakabahan pag may tumatawag saking unknown number dahil baka siya na yun, at pag sinabi ni Zia na may bisita ako, may naghahabap sakin, parang hindi napapagod ang puso ko sa kakatambol nito ng malakas. Nahawa na ang sistema ko kay Zia, nagiging OA na din ako sa kaka-isip na baka one of these day's ay bigla bigla nalang susulpot si Xander sa opisina para kausapin ako.
"Miss ready ka na? your meeting will be after an hour, so kailangan na nating umalis dahil im sure maiipit pa tayo sa traffic ng kalahating oras." dada nito habang hinihintay akong mag-ayos, actually retouch lang naman ang ginawa ko.
"Pag tayo inindian na naman ng clienteng yan hah, makukurot ko siya pag nagpakita siya sakin." reklamo ko habang inaayos ang damit ko.
Sa isang italian restaurant ang venue ng meeting, as usual kami parin ang unang dumating dun, kunti nalang pagtitiis talaga hindi ko na tatanggapin yang offer ng kompanyang yan.
"Sorry i'm late", saad ng isang boses sa gilid ng table nila.
Sabay kaming napatingin ni Zia na katabi ko lang naman ng upuan, pareho din kaming hindi nakapagsalita. Dahil sa tulala kami ni Zia, umupo nalang siya sa harap namin at bakas ko din sa mukha niya ang pagkabigla.
"Am i at the wrong table?" taka nitong tanong.
"From XV Company sir?" si Zia na ang nagsalita, parang nalunok ko kasi dila ko at gusto ko nalang titgan siya.
"Yeah, Xander CEO of XV." pakilala nito at nakipagkamay kay Zia sunod sakin.
Muli kong naramdaman ang pamilyar na kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nahahawakan niya ako. Parang kahapon lang nung huli kong maramdaman ang haplos ng mga kamay niya.
"Alex owner and head of Secutect Security Agency." pinilit ko talagang kalmahin ang boses ko dahil parang gusto ko nang sumigaw sa nararamdaman ko.
"Nice to meet you." ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis sakin, para tuloy akong nene na kinikilig dahil nginitian ni crush.
"Nice to meet you too." kaswal kung sagot.
"Pwede niyo na pong bitiwan ang isat-isa nang makapag simula na tayo no?" saka ko napansin na kanina pa pala magkahawak ang kamay namin. Parang gusto kong manapak ng secretarya pagkatapos nitong meeting na to, masyadong epal eh.
Sa buong durasyon ng meeting, hindi ako naging komportable sobrang naging conscious ako sa mga sasabihin ko, nangiginig pa nga kamay ko sa tense na nararamdaman ko. Huminga nalang ako ng malalim nang matapos na at nakapirma na siya ng kontrata na kami ang magpoprovide ng security team sa bubuksan niyang five star hotel sa Makati.
"So its a deal?" tanong niya sakin habang nakalahad ang kamay.
Gosh heto nanaman ang kamay niya, baka maisipan kong iuwi ang kamay na yan mamaya, kamay lang talaga Alex? paano ang may-ari?
"Deal." muli nagkamay kaming dalawa at ayun nanaman ang Meralco sa katawan ko.
"Its so nice doing business with you Ms. Alex, sana hindi pa ito ang huli." may something sa mga titig niya, peru binalewala ko dahil baka tumambling ako dito sa kilig.
"I hope too, Mr. Monteverde." gosh,, bakit ganun parin ang epekto niya sakin.
"Aheemmm, Miss your next appointment will be after 30 minutes." pang iistorbo ni Zia samin ni Xander.
Nagpaalam na kami kay Xander peru sumabay din ito samin paglabas ng restaurant at inihatid kami hanggang sa sasakyan.
"Salamat uli sir." saad ni Zia.
Nang makasakay si Zia sa drivers seat ay binuksan ko agad ang pinto sa kabila.
"Alex." tawag niya dakin, sh*t bakit ang sarap parin sa tenga ng pangalan ko pag siya bumubigkas nito.
"Yes?" kunot noo ko siyang hinarap at isinara uli ang pinto, mahirap na marinig ng lukarit kong secretarya.
"See you around?" nakangiti pa siya sakin, tinanguan ko lang siya at sumakay na sa sasakyan.
"Waaaaaah... grabe miss daig niyo na lahat ng love teams sa Pilipinas, nakakakilig kayo." OA na reaksyon ni Zia.
"Baliw! ikaw bakit ang epal epal mo kanina, sarap mong hampasin ng folder." biro ko sa kanya.
"Peru kutang kuta ka sa kakahawak ng kamay niya miss ah, at nag bablush kapa kanina." tudyo niya sakin.
"Totoo? gosh nakakahiya!!" nasapo ko tuloy noo ko.
"Di biro lang miss, peru iba ang nababasa ko sa mga tinginan niyong dalawa hah, parang something broken will be fixed again." nahampas ko na talaga siya ng folder sa sinabi niya.
"Hindi ganun kadali yun no! kahit naghilom na ang sugat, the scar remains kaya hindi ganun kadali yun Zia, at malay natin may nakapalit na pala sa puso niya. " nag iba na mood ko, kung kanina kilig kilig ngayun malalim na nasa isip ko.
Pag-aari parin niya ang puso ko, inaamin ko yun, ni minsan hindi ito nakuha ng iba. Peru ang marka ng sugat na nilikha niya noon ay nandun din kaya mahirap sabihing kaya niya itong sakupin ulit, natatakot na akong magtiwala, natatakot na akong masaktan.
"Miss paano kung balikan ka niya? i mean makipagbalikan siya sayo?" seryosong tanong ni Zia, kahit kailan chismosa ito, kahit nagmamaneho ayun parin tanong ng tanong.
"Kung babalikan niya ako? i dont know yet kung hahayaan ko ba siya or hindi na. Ayoko namang magsalita ng tapos Zia, at kung gusto niya talagang bumalik he need to prove it first, na worth it siyang balikan, na kaya niyang palitan ng saya ang sakit na ginawa niya sakin noon, na kaya niyang burahin ang marka ng sugat na ginawa niya sakin noon, na magagawan niya ng paraang alisin ang takot kong magtiwala muli." Ayoko isara ang puso ko sa kanya habang buhay, naghihintay lang din ako ng sign.
"Hugot na hugot miss ah, pang beauty pageant ang sagot pak na pak!" ikinukumpas kumpas pa nito ang isang kamay.
"Kahit kailan talaga Zia baliw ka, akala ko ba nagmamadali tayo para sa next appointment natin, bat parang mas nagmamadali ka pang interviewhin ako." saad ko sa kanya.
"Kaysa naman pareho tayong mabore dito edi pag-usapan nalang natin ang nag wawarm up mong love life." saka ito humalakhak ng tawa.
"Magmaneho ka na nga lang, dami mong sinasabi." ang boring kaya ng office pag wala si Zia at ang tahimik kaya ng sasakyan pag hindi ko siya kasama, kahit naman baliw siya, pinapatawa naman niya ako, kaya swerte ako sa kanya.
Si Xander naisip din kaya niyang swerte ako para sa kanya?.
*****************
Kulit ni Zia no?.comment and vote please
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...