Nabahala ako dahil nagtampo nga si Xander sa ginawa ko. Bakit nga ba kasi naisip ko pa yun. Tumayo agad ako at tumabi sa kanya sa kama.
"Pssst, hoii.'' kinalabit ko siya peru hindi ito gumalaw.
"Love, sorry na please." niyakap ko na siya ng mahigpit."love sorry na di na kita aasarin ulit." hindi parin siya gumalaw.
Yan kasi eh, kung anu-ano ang pinagagawa nagtampo tuloy si Xander. Peru may kung anu nanamang pumasok sa isip ko.
Nagsulat ako ng LOVE na word sa likod niya at hinimas-himas ko to.
"Love, wag na magtampo sige na, payag na ako dali na magbago pa isip ko." nilambingan ko pa ang boses ko, peru hindi parin ito tuminag.
"Sige ka, ayaw mo ha, okay buong stay natin dito hindi na talaga kita palalapitin sakin, walang hug, walang kiss at wala talagang ano." biro ko sa kanya, biro lang yun no, matitiis ko ba namang hindi siya makalapit sakin.
Saka lang ako hinapit ng isang kamay nito palapit sa kanya.
"Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako matitiis love." biro ko sa kanya at nakiyakap narin ako sa kanya.
"Mahal kasi kita eh." sagot nito at hinalikan pa ako sa noo.
"Sus, may pa tampo-tampo ka pang nalalaman diyan, bibigay ka rin pala." kinurot ko siya sa tagiliran.
"Hindi kasi kita matiis, kulit." tumayo ito sa harap ko.
"Saan ka pupunta?" akala ko ba gusto nitong makipagharutan? bakit bigla nanaman itong bumangon?.
"May kukunin lang ako sa kabila." nasa kabilang suite si Dominguez at ano naman ang kukunin niya dun?.
"Anong kukunin mo?" peru hindi ito sumagot deretso lang ito paglabas kahit naka boxers lang ito, hindi na nahiya. Wala naman pala itong dapat ikahiya sa ganda ng katawan nito.
"Xander, bumalik ka nga dito, wag mo nga ako basta iiwan dito, bahala ka hindi na talaga kita papansinin." peru wala paring Xander na bumabalik.
Natulog nalang ako, nag tatampo kasi ako sa kanya, aii tampo-tampohan lang naman peru kinarier ko naman.
Hindi ko na namalayan kung anong oras pumasok si Xander, basta nagising ako ng madaling araw yakap-yakap na niya ako. Sweet naman pala ito, hindi naman pala ito puro kasungitan lang, akala ko pa naman inborn na ang kasungitan niya, mali pala ako.
Nagising ako sa sinag ng araw, ayoko pa sanang bumangon peru tumonug ang phone ko, bago ko sinagot kinapa ko muna ang tabi ko peru wala nanaman si Xander. Nang makita ko ang caller Id napangiti ako, ano na naman ang pakulo nito?.
"Good morning sleepyhead." bungad niya sakin.
"Hindi good ang morning ko, iniwan moko mag-isa dito." arte ko, siguro matatanggap na akong artista nito.
"Sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising kanina." dinaan pa ako sa lambing ng boses nito.
"Nasaan ka ba kasi?" bigla-bigla nalang itong nawawala.
"Nasa labas, pumikit ka." sabi ko na nga ba may pakulo na naman.
"Kakagising ko lang tapos papapikitin mo na naman ako." reklamo ko sa kanya, susunod naman kasi talaga ako, gusto ko lang talaga siyang asarin.
"Sumunod ka nalang please?," ang dali talaga nitong asarin kahit kailan, im sure naka kunot nanaman ang noo nito.
"Okay, yes love, nakapikit na." pumikit nga ako at sobrang excited ko naman.
Narinig kong bumukas ang pinto at parang may sumampa sa kama. Napangiti ako, sa isiping may kung ano na namang ginagawa para sakin si Xander. Natigil ako sa pag-iisip nang may humalik sakin sa labi, smack lang peru alam ko na kung kanino yun galing.
"Open your eyes love." utos niya sakin.
Binuksan ko naman ang mata ko, unang nakita ko ang nakangiti at gwapung-gwapung si Xander, sunod ay ang tray ng pagkain sa harap ko.
"Aaaahhh ang sweet ng love ko, umaga palang may surprise na." kinikilig kong saad sa kanya.
Hindi pa pala tapos may itinatago pala ito sa likod nitong isang bouquet of white roses na gustong gusto ko.
"Flowers and breakfast in bed for my love." tumabi na siya sakin sa pagkaka-upo sa kama.
"Iba ka pala pag ma-inlove no? ang tweet-tweet mo love, ang aga-aga nilalanggam tayo." biro ko sa kanya.
Inakbayan naman niya ako, at hinalikan sa pisngi. Ito na ata ang pinaka magandang umaga sa buong buhay ko.
"Masanay ka na love, every morning will be the best morning pag magkasama tayo." pinapakilig niya talaga ako sa mga ka cornyhan niya, alang ya umiepik sakin eh.
"Alam mo love ang Corny mo din minsan no?" biro ko sa kanya.
"Kumain ka na nga lang, kulit mo." ginulo pa niya buhok ko, nakukulitan na po siya sakin, ang sarap niya kasi asarin.
"Subuan mo ko para mas sweet love" lambing ko sa kanya na sinunod naman niya. Sinubuan nga niya ako peru sinusubuan din niya sarili niya hindi pa siguro ito kumakain, inuna pa akong pakainon eh, hindi parin pala siya kumakain.
Buong araw kaming naglibot sa isla, sabi niya gamitin namin ang sasakyan peru ayoko mas gusto kong mag motorsiklo kami, para mas mafeel ko ang isla, may sunblock naman para sa init ng araw eh. Naka motorsiklo kami ni Xander ganun din si Dominquez na naka convoy samin, nahihiya na nga akong lumapit makipag harutan kay Xander, knowing na andiyan ang kasamahan ko sa trabaho. Peru minsan iniisip ko nalang na wala siya sa paligid, ang hirap din kasing hindi sumabay sa ka sweetan ni Xander baka ako lang ang langgamin, damay damay na no.
*********************
Ang lame ng UD ko, wala ako sa isip anf daming nangyari sa life ko! gossssshhhhh...please touch the star for me.
thank you for reading.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...