CHAPTER EIGHT- FEELINGS (PART TWO)

1.9K 68 0
                                    

Kahit masama ang loob ko sa mokong eh nakaramdam parin ako ng awa sa kanya, hindi naman ganun ka tigas puso ko no, lalo na pagdating sa kanya. Pagpasok ko sa opisina dala ang gamot at tubig naka sandal parin ito sa swivel chair niya habang naka pikit ang mata.

"Hey, inumin mo muna to." tawag ko sa kanya.

Dumilat naman ito agad at inabot ang tubig at gamot sakin.

"Uwi nalang kaya tayo, para maka pagpahinga ka, malapit narin naman mag alas singko ehh." naawa na ako sa kanya talaga, para kasi itong namimilipit sa sakit.

Ayan kasi isip ng isip sakin napuyat kantuloy, naku kung alam mo lang na ikaw din ang iniisip ko kagabi.

"Yeah maybe i just need rest." sang ayon niya sakin at agad ding tumayo sumunod nalang ako sa kanya.

Pagdating namin sa unit niya, dumiretso ito agad sa kwarto at sumalampak ng higa doon, hindi ko muna siya sinundan at nagbihis nalang muna ako.

Naisipan kong mag luto ng soup dahil baka pag naka higop siya ng mainit na sabaw ay mawala ang sakit ng ulo niya.

When my soup is ready siya naman ang pinuntahan ko. Nakadapa parin ito ng higa sa kama, hindi man lang nagbihis . Hinubad ko ang sapatos niya, ang coat at long sleeves niya, nag dadalawang isip pa ako kung tatanggalin ko ang pantalon niya peru sa huli tinanggal ko parin.

Bakit ba ang gwapu mo? bakit ang ganda ng katawan mo? bakit nakakatakam ka? hoiii umayos ka nga Alex, tingnan mo oh tulo na laway mo!. nakapa ko tuloy ang gilid ng bibig ko kung tumotulo ba talaga ang laway ko.

Habang titig na titig ako sa kanya na ngayun ay naka boxer at sando nalang hindi ko maiwasang mapangiti sa isiping sa isang playboy pa talaga lumundag ng ganito ang puso ko.

Sana nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko Xander.

Binuhat ko ang ulo niya at ipinatong sa kandungan ko, saka dahan-dahang minasahe ang noo niya, kinabahan pa ako nang dumapa siya at sinubsob ang mukha sa tiyan ko at iniyakap ang isang kamay sa bewang ko.

"Nagluto ako ng soup, baka makatulong mawala ang sakit ng ulo mo." saad ko habang minamasahe parin siya.

"Hmmmm.'' tanging sagot niya.

"Kumain ka na, para maka inom ka narin ng gamot." itinigil ko ang pagmamasahe sa kanya.

"I'll eat later." pikit mata niyang sagot.

"Xander bangon na! bilis na!" ang tigas din ng ulo nito ehh.

Tumayo naman ito peru hindi naman  gumalaw, kaya itinulak ko nalang siya papuntang kitchen.

"Bilis na." feel mo din magpatulak ehh no? para namang ang gaan-gaan mo.

Nang naka-upo na ito ay agad kong nilagyan ng soup ang bowl niya.

"Try it, masarap yan." nangingiti kong sabi.

Sumubo naman siya, akala ko hindi niya magugustuhan peru, nagulat ako nang para itong isang araw na hindi naka kain.

"Dahan-dahan, mabilaukan ka niyan eh." paalala ko sa kanya ang bilis kasi niyang sumubo at humingi pa ito ng dagdag, para talaga itong bata kung kumain.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon