Chapter Thirty One- Awkward

1.2K 27 0
                                    

Dalawang linggo na din mula nang huling binigyan ako ni Captain X ng bulaklak, at dalawang linggo na din akong paulit ulit na nanonood sa cctv fotage ng araw na pinuno niya ng bulaklak ang opisina ko peru wala akong makitang palatandaan sa kanya, matalino siya kaya naitago nito ang pagkatao nito, si Zia naman na siyang nakakakilala dito eh ang hirap paaminin, piniga ko nat lahat takot parin siyang patayin ni Captain X, peru pag ako ang papatay sa kanya hindi naman siya tumatanggi at natatakot.

"Miss ikaw ha, noon naman kasama ako sa lahat ng meeting niyo, bakit ngayun hindi na?" tampo na saad ni Zia.

Papunta kasi ako ngayun sa building ng hotel ni Xander at hindi ko siya pwedeng isama dahil may task akong ibinigay sa kanya which is important too, kaya kailangan kong pumunta doon ng mag-isa.

"Hindi naman po kasi meeting ang pupuntahan ko, mag iinspect po ako ng building para sa security features na ikakabit doon, kaya wag kang oa diyan." at hindi kita isasama talaga dahil epal ka, panira ka ng moment.

"Suss, sabihin mo gusto mo lang masolo si Xander mo eh." ayun nanukso din, idinaan pa sa tampo tampo manunukso lang pala.

"Kung gusto ko siyang ma solo talaga, hindi ko siya pupuntahan sa opisina niya Zia, sa condo niya ako dederetso para mas solo ko siya." sakay ko sa tukso niya, which is first timw kong ginawa.

"Oyyy lumalaban na ha, sige ingat miss paki hi nalang ako sa Xander mo."

"Yung ibinilin ko sayo Zia ha, just give me a call if may problema." paalala ko sa kanya saka ko nilisan ang opisina.

Nasa parking area na ako ng FGM, simula nang matapos ang kaso ni Xander ngayun lang ako uli nakabalik dito kaya kailangan ko muna ng lakas ng loob para pumasok. Kasi naman dapat deretso na ako sa building ng hotel peru dahil kailangan nandoon si Xander dahil yun ang bilin niya nang magpirmahan kami ng contrata kaya here i am, kailangan siyang puntahan personally sa opisina niya.

Ang makulit ko kasing secretarya sinabi alam na ni Xander na ngayun ako mag iinspect ng building peru pinaglaruan na naman ako , hindi pala nito tinawagan ang opisina ni Xander, kailangan ko tuloy sunduin si Xander ngayun.

Paglabas ko ng elevator sa palapag kung nasaan naroon ang opisina ni Xander, lahat ng mata nasa akin, they know me for sure kasi sila parin yung staff noon dito. Nginitian ko nalang sila at deretsong tinungo ang opisina ni Xander, then i saw a familiar woman na kulang nalang ihalik ang mukha sa monitor ng computer, walang pinagbago.

"Excuse me miss good morning, nandito ba Xander?" tanong ko sa kanya na sa ka busyhan ay hindi nakuhang tumingin sakin.

"Good morning din, may appointment po kayo ma'am?" napangiti nalang ako, ganito din kasi noon nung una kong pasok dito.

"Pwede paki check Miss kasi baka nakapag set ng appointment ang secetarya ko."

"Can i have your name please?" sa note pad naman nito ito nakatotuk.

"Alexher Dione Rodriguez please." agad nitong hinanap ang pangalan ko.

"Alexher, Alex, wait!" saka ito tumingin sakin, sinalubong ko nalang siya ng ngiti.

"Hi Gina." bati ko sa kanya.

"Ma'am Alex! ikaw ba talaga yan? ang tagal po nating hindi nagkita at ay mas gumanda ta sumexy pa kayo lalo." agad itong tumayo at yumakap sakin.

"Ano kaba, wala namang nagbago sakin, ikaw nga tong mas gumanda eh." mas nag matured ito peru mas gumanda ito lalo.

"Naku binola niyo pa po ako, ay nasa loob lang po si sir Xander." turo nito sa pintuan ng opisina ni Xander.

"Baka may kausap siya sa loob?" oo, baka may babae oh, ka meeting one on one.

"Si sir Carl po, peru wala naman pong problema okay lang." sabi mo ha baka mabigla lang ako pagpasok ko sa pintuang yan.

"Okay, salamat Gina."

Tinungo ko na ang pintoan ng opisina ni Xander, ang opisinang naging parte ng aming mainit na pag-iibigan noon. Huminga muna ako ng malalim saka kumatok.

"Come in." sigaw ng pamilyar na boses.

Mas huminga pa ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto, akala ko maraming nagbago sa tatlong taon kung nawala peru ang opisina niya wala paring nagbago, nalibot na ng mata ko ang buong opisina at wala talaga akong nakita bago.

Ano kaba Alex kayo lang naman ang nagbago, idadamay mo pa opisina ni Xander.

"Hi, good morning." bati ko sa dalawang taong sakin nakatuon ang mga mata.

"Oh, Alex long time no see. Wow you look beautiful." salubong sakin ni Carl saka bomeso sakin.

"Bola Carl, hindi ka parin nagbabago." kaswal  kong saad ang awkward kasi.

"No, totoo naman diba Dude?" tawag nito kay Xander.

"Yeah, tama siya Alex. You look wonderful." nahihiya nitong sang ayon kay Carl.

"Salamat" sh*t nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"By the way dude, kailangan ko na din umalis pupunta pa akong HR" paalam ni Carl kay Xander " and Alex, nice seeing you again." ngumiti lang ako sa kanya.

Nang makalabas si Carl, naghari ang katahimikan, awkwardness at hiya sa pagitan naming dalawa.

"Hey, nagpunta ako dito para sana sa inspection ng hotel, para sa security devises na ikakabit namin." basag ko sa katahimikan.

"Sorry, nakalimutan ata sabihin ni Gina sakin."

"No, ang secretary ko ang hindi nakapag set ng appointment kaya pinuntahan na kita." gusto ko siyang tingnan sa mata peru di ko magawa, baka kasi matukso ako.

"Sana tumawag ka nalang para hindi ka na mapagod mag drive papunta dito para ako na sumundo sayo." nag alala niyang saad.

"No its okay, its not your job to drive for me any way." bat ko sinabi yun? sounds sarcastic and bitter.

"Medyo malayo kasi ang opisina mo dito baka mapagod ka sa pagmamaneho." bakit ka ganyan Xander, wag ganyan baka magtiwala ulit tong puso ko sayo.

"Okay lang talaga, so ano maisisingit mo ba sa schedule mo ang inspection today?" focus Alex, inspection, inspection yan ang ipinunta mo dito.

"Yeah, ill cancel everything for today nalang." saka ito tumawag sa intercom kay Gina.

"Hindi naman siguro tayo magtatagal, kaya hindi mo naman pwedeng icancel lahat." puna ko sa sinabi niyang icancel lahat, eh inspection lang naman yun.

"I insist, ayokong nagmamadali." seryoso niyang sagot.

"If you say so." sagot ko.

Gosh! bakit sobrang affected parin ako sayo? kahit nasaktan na ako dahil sayo noon, kahit nasaktan na siya dahil sayo, ikaw parin ang itinitibok niya.

****************
Lame

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon