Chapter 1 - ( A New Beginning )

11.4K 164 1
                                    

God gave me you to show me what's real

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


God gave me you to show me what's real

There's more to life and just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you ---Brian White

(Message tone)

Message Receive:

Please report to The Seven Hotel Project Site for Safety Orientation. - HR of Crewe Corporation.

Tinawagan ko ang HR for exact location ng project site.

"Itetext ko sa iyo pati 'yong contact person." sagot ni Mam Marge HR Rep.

"OK po. Salamat."

Sana hindi ako maligaw hindi pa naman ako familiar dun sa lugar. Sa may tapat ng Skagen Mall at yun lang daw 'yong ginagawang building sa area na iyon. Pagbaba sa Skagen bus stop tatawid ng overpass at matatanaw na ang The Seven Hotel (40-storey building). Kitang-kita ang mga tower crane na nakalagay sa itaas ng building, mga 10 minutes walking distance from the bus stop.

"Good Morning!" bati ko sa guard.

"Anong kailangan mo? From what company?" tanong ng matandang guard.

"I am looking for Mr. Marcus Tolentino of Crewe Corporation."

" Ok! Fill-up mo itong visitors log book at pahingi ng ID."

Kumuha ako ng ID sa wallet at ibinigay sa guard.

"Ok! pasasamahan kita sa opisina ng Crewe." at tinawag ang isang niyang kasamahan.

Nagtungo kami sa Basement 2. Tinakpan ko ng panyo ang ilong ko dahil maalikabok, nakita ko ang iba't ibang sub-contractor offices, magkakahalera at bawat pinto ay may nakalagay na company name. Napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong ko dahil siguro nakakita ng babae sa site.

"Miss nandito na tayo " at iniwan na ako ng guard sa harap ng office.

Medyo may kalakihan ang site office ng Crewe Corporation, ang pintuan ay may maliit na glass window na tanaw ang loob ng opisina, puti ang pintura ng dingding at may nakalagay na bagong aircon.

Tok!tok!!!.. Mahinang katok ko.

Bumukas ang pinto. Isang lalaki ang nagbukas mga nasa mid 30's at nakasuot ng white short sleeve shirt na may tatak ng Crewe Corporation.

"Ako po si Shelly Angeline Henson." pakilala ko.

"Please come in. Na-inform ako ng HR na darating ka, ako si Marcus Tolentino Safety Officer ng Crewe Corporation."

"Dala mo ba ang medical result mo?" Tanong niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Opo! dala ko." at inabot sa kanya.

"Ok cge. punta tayo ng Clinic para ma-submit mo medical at ma-orient ka about safety guidelines."

Pumunta kami sa basement 1. Pinakilala ako ni Sir Marcus sa safety officer ng JK Const. Corp. at nagpaalam na hihintayin ako sa waiting area.

Pagkatapos kong ma-orient lumapit siya sa akin.

"Shelly, sinabi ni Project Manager na mag start ka na sa Monday. Wala kasi siya kaya hindi ka na niya maiinterview for further questions." Iyon lang at hinatid na ako sa gate ni Safety Marcus.

Dahil maagang natapos ang Orientation. Pumunta ako sa previous company para makuha ang back pay. Pagdating sa building, dumiretso ako kaagad sa Accounting Office. Nagpasalamat saka marahan kong isinara ang pinto at mabilis na bumaba ng hagdan.

"Iniwan mo na ako. Wala na akong makukulit, makakausap at makakasama sa mga gala." naiiyak na sabi ni Ivy.

"Ikaw talaga!" sabay yakap ko sa kanya.

Si ivy ang bestfriend at officemate ko. 5'1" ang height, maputi, tuwid ang buhok na hanggang balikat, hindi naman katangusan ang ilong at singit ang mata. Nag-iisa lang siya dito sa Newgrand ang magulang at mga kapatid ay nasa Centara, parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

"Life begins at the end of you comfort zone"—Neale Walsh

Monday

"Shelly, bumangon ka na unang araw mo sa trabaho baka ma-late ka." gising sa akin ni mama.

Kahit pipikit pikit pa dumiretso na ako sa kusina para makapag-kape. 5 o'clock pa lng ng madaling araw at malamig na ang panahon kasi ber month na.

Pagdating ko sa bus terminal marami nang nagsisidatingang pasahero kaya mabilis napuno ang bus. Mahaba-haba din ang magiging biyahe ko approximately 1hour and 30 minutes kasama na heavy traffic.

Habang nasa biyahe, kinuha ko ang headset sa bulsa ng bag at nakinig ng korean songs na paborito kong pinakikingan.

Hindi ko namalayan na naka idlip ako. Hinawi ko ang kurtina para makita kung nasaan lugar na. Sa may toll gate, malapit na sa Skagen Station.

Monday kaya matrapik. 7:30 na ng makababa ako ng bus. 8:00 o'clock ang time-in kaya may 30 minutes pa. Dahan-dahan akong naglakad, tinanaw-tanaw ang mga magagandang Commercial, Residential at Hotel sa Skagen City. Marami akong nakakasalubong at nakasabay na naglalakad papunta sa kanilang opisina.

After 15 minutes nakarating na ako sa may harapan ng The Seven Hotel.

"This is it!.. A new chance, a new opportunity and a new beginning!" malakas na sabi ko at napatingin sa akin ang mga taong nasa gate.


Shelly Angeline Henson, the newly hired autocad operator ng Crewe Corporation assigned in The Seven Hotel Project Site.

Height: 5' 4"

Weight: 52 kilos

Age: 26 years old

Complexion: White Completion

Actress look-alike: Kim Go-Eun


Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon