Chapter 24

3.7K 58 0
                                    

Message Receive:

"Good morning and take care always."---Wallance.

Napangiti ako sa nabasa at nag text back  na mag ingat din siya sa biyahe. Pumunta na ako sa kusina para mag almusal.

Sinusumpong na naman ako ng katam, parang ayokong pumasok pero ng maalala na marami pa akong gagawin nagbihis na ako.


"Good morning." Nasa office na si Schuyler at Dave. Dumating si Safety at may inabot sa akin.

"Shelly, pinabibigay ni Wallance." Kinuha ko at binuksan ang maliit na paper bag.

"Wow chocolate!" banat ni Dave. Binigyan ko sina Dave at Safety.

"Salamat Shelly, inlove talaga sa iyo si Wallance." Sabi ni Safety saka kumain ng chocolate.

"Shelly, wag ka nga palang pupuntang mag isa sa site ha." paalala ni Safety.

"Oo nga Shelly, nabalitaan mo ba yung babaeng staff ng JK na hinipuan sa loob ng elevator? Kaya ikaw mag-ingat ka marami pa naman ang nagkaka gusto sa iyo dito." Seryosong sabi ni Dave.

"Hindi nila gagawin iyon kung ayaw nilang mabugbog." sabi ko pa.

"Weh d nga? nung hahalikan nga kita na freeze ka na sa kinatatayuan mo eh. Lalo pa kaya kung hinila ka sa madilim na lugar."

"Nabigla lang kasi ako nun sa iyo eh."

"Ok sige, kunwari hahalikan kita para malaman ko kung anong self defense ang gagawin mo?" at nilapit na ni Dave ang mukha sa akin.

"Dave!" malakas na tawag ni Schuyler. Napatigil si Dave.

"Ayan nagselos na naman si Schuyler dahil kinulit mo si Shelly. Lagot ka ngayon." Birong sabi ni Safety. Lumapit si Dave at may inabot na papel si Schuyler.

Lumabas na sina Dave at Safety.

"Shelly" Lumapit ako kay Schuyler. Hindi niya agad sinabi sa akin ang dahilan kong bakit ako tinawag sa halip matagal niya akong tiningnan, hindi ko maipaliwanag ang kanyang tingin sa akin.

"Sir, bakit po?"

"Wag kang masyadong makikipagbiruan sa mga lalaki. Naiintindihan mo ba Shelly ang ibig kong sabihin?"

"Opo."naisip ko na concern lang sa akin si Schuyler dahil baka mabastos ako at sagutin niya kung may masamang mangyari sa akin.

"Ok. pa-print ng pump room plan sa 40th Floor." Inabot ko sa kanya ang printed plan

"Shelly, may papagawa ako sa iyong shopdrawing sa pump room." At ipinaliwanag ang gagawin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at naamoy ko si Schuyler. Ang bango bango, ang sarap amoyin.

"Naintindihan mo ba?"

"Hindi po." Mabilis na sagot ko. Pinaliwanag niya ulit.

"Naintindihan mo na ba?"

"Sir, hindi ko po talaga ma-gets." Ni isa sa sinabi niya wala akong naintindihan lumulipad kasi ang isip ko habang nagpapaliwanag. Tumingin siya sa akin saka huminga ng malalim.

"Ok. Aakyat tayo sa itaas." Magsuot ka ng PPE.

Ni-lock niya ang pinto at pumunta na kami sa Basement 1 elevator lobby. Ang daming naghihitay na worker at nakita ko si Wallance nag-aabang din.

"Hi Sir!" bati niya kay Schuyler at nginitian naman niya ito.

Lumapit sa tabi ko si Wallance at kinausap ako.

"Saan ka pupunta?" napapatingin sa amin ang mga workers. Sa isip isip ko ganun ba talaga ako kaganda at laging nakakaagaw ng pansin.

"Pupunta kami ni Sir sa 40th Floor pump room. Wallance, salamat nga pala sa binigay mong chocolate." at pinaypay ko ang hawak kong plano. Ngumiti lang si Wallance at nakita kong sumulyap sa amin si Schuyler.

"Doon din ako pupunta, i-momonitor ko ang ginagawa ng mga staff ko." At bumukas ang elevator. Kaming mga staff ang pinauna ng mga worker. Napapagitnaan ako ni Schuyler at Wallance.

Naunang lumabas si Schuyler at sinundan ko siya samantalang si Wallance kasabay kong maglakad. Inalalayan niya akong humakbang sa nakatayong scaffolding na nasa hallway.

"Shelly, halika dito." Nakakunot noo si Schuyler. Si Wallance tiningnan naman kung tama ang pagkaka installed ng mga devices nila. Pinaliwanag sa akin ni Schuyler ang gagawin at tinulungan niya akong magsukat. Mainit sa loob ng pump room kaya tinanggal ko ang hard hat, ramdam ko na tumutulo na ang pawis ko. Si Schuyler din tumutulo na ang pawis sa mukha pero gwapo pa rin napaka manly niyang tingnan kapag nakasuot ng hard hat. Na-inlove lalo ako kay Schuyler.

Napapatingin sa amin si Wallance. Lagi kong inaayos ang damit ko dahil lagi akong yumuyuko baka nakikitaan na ako.

"Shelly, alam mo na ang gagawin mo." Kumuha siya sa bulsa ng panyo at pinunasan ang pawis.

"Opo naintindihan ko na." at tiningnan ko ang ginawa kong sketch.

"Ok baba na tayo." At lumabas na siya. Nagpaalam ako kay Wallance na aalis na.

"Ingat ka Shelly." saka sinuot ko ang hard hat.

Paglabas ko ng pump room hindi ko na nakita si Schuyler. Siguro nasa elevator lobby na, talagang iniwanan ako. Akala ko pa naman concern siya sa akin.

Naglakad ako papuntang elevator lobby at pagdating sa hallway na may nakaharang na scaffolding humakbang ako kaya lang natalisod ako sa paghakbang, gumalaw ang scaffolding at biglang may lumaglag mula sa itaas at nabasa ako para akong binuhusan ng tubig at may gumulong na timba.

Napalabas si Wallance sa pump room at nagmamadaling nilapitan ako.

"Shelly, basa ka! Ok ka lang ba?." at pinunasan ang mukha ko ng panyo.

"Oo, ok lang ako." Habang pinipiga ko ang suot kong vest at damit. Pinunasan din ni Wallance ang braso ko ng panyo.

"Ako na!" may pagkainis na sabi ni Schuyler kay Wallance.

Si Schuyler pala bumalik, kumuha ng panyo at pinunasan ang braso ko. Napatanga naman ako at nakita ko na may pagkainis sa mukha ni Wallance.

"Shelly, hubadin mo yang vest mo." At inalalayan ako sa pagtanggal ng vest at isinuot sa akin ang suot niyang vest.

"Halika na Shelly." Nagpasalamat at nagpaalam ako kay Wallance.

Sa loob ng elevator sa corner niya ako pinapuwesto samantalang siya nasa harap ko para matakpan ako. Dali-dali akong nagpalit ng damit. Hindi naman masyado nabasa ang pantalon kaya hindi halata.

"Irereport ko yan. Bakit kasi sila nag iiwan ng timba na may tubig sa taas ng scaffolding." Galit na sabi kaya nilapitan ko siya sa table niya.

"Sir, pwede po bang wag ninyo na sabihin, kayo lang naman ni Wallance ang nakakaalam ng nangyari. Nahihiya kasi ako na pag usapan sa site at sabihin na si "Shelly na naman!" kumalma ang mukha ni Schuyler. Tumayo sa upuan saka humarap sa akin.

"Sorry kung iniwan kita kanina. Hindi ka ba nasaktan?" nag aalalang tanong niya. Ang lapit niya sa akin 6 inches na lang ang pagitan kaya napasiksik ako sa mesa.

"Hindi naman po. Ok naman ako. Hindi na halatang basa ang pantalon." Tinitigan niya ako at saka nilapit ang mukha kaya lalo akong napaatras. Bumulong siya sa akin.

"Shelly, ibutones mo ang damit mo." napaso ako sa init ng hininga niya at tiningnan ko ang damit ko.

"Ay!" at tumalikod ako kay Schuyler. Kita pala ang cleavage ko.

"Kainis ka Schuyler bakit hindi mo sinabi agad. Pinagsawaan mo munang tingnan saka mo sinabi!" Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa.


I Care


Ipagpapatuloy

-------------------------------------------------------------------------

---FLASHBACK---

<Schuyler>

Paglapit ni Shelly napansin ni Schuyler na hindi naka butones ang damit nito kaya tumayo ito sa upuan at lumapit ng maigi kay Shelly para hindi makita ang cleavage nito.

"Paano ko ba sasabihin na bukas ang butones niya?. Bakit kasi hindi inayos mabuti ang damit." saka bumulong kay Shelly.


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon