Chapter 26

3.7K 70 0
                                    


"Amanda, hindi ba panget?" habang nakatingin sa salamin.

"Ate, mas bagay sa iyo ang light blue knee length formal dress."

Crewe Christmas Party ngayon, mamayang 4pm  ang simula ng party na gaganapin sa Star Hotel.

"Ate, aayusin ko na ang buhok mo."  kinuha ang pang plantsa ng buhok.

"Sa Hotel na lang ako magsusuot ng damit at mag make-up dahil magbibiyahe pa ako." sabi ko kay Amanda na seryosong inaayos ang buhok ko.

Short at blouse na lang ang sinuot ko papunta sa Star Hotel para hindi maging mabigat ang mga dalahin ko. Nakasakay agad ako ng bus sa terminal kaya kahit ma-trapik may sapat na oras pa para makapag-ayos. Pagbaba daw sa Homer Avenue matatanaw na ang Star Hotel.

(Schuyler Calling)

"Hello! Sir!"

"Shelly, nasaan ka na?"

"Nasa Skagen City,  nakasakay ng bus."

"Ah ok! Take care." Sabay baba. Ang tipid naman niyang magsalita. Approximately 45 minutes pa ang biyahe kaya umidlip muna ako.


Bumaba  ako sa Homer Avenue at natanaw ang Star Hotel mga 5 minutes na lakad.

Beep!Beep!Beep! may tumigil na kotse sa gilid ko at binaba ng driver ang bintana ng kotse.

"Schuyler." Naka suot siya ng light blue long sleeve.

"Shelly, sakay na." Tinitingnan ako ni Schuyler habang papasakay ng kotse.

"Naku, mamanyakin na naman siguro ako nito kasi naka suot lang ako ng short. Pareho pa kami ng kulay, light blue din ang dress ko. Siguro sa isip isip niya sa beach lang ang punta ko dahil sa suot."

Pinark ang kotse sa parking area at sabay kaming umakyat. May mga nakasabay kaming kakilala siya kaya binati siya. Pinagmasdan ko ang suot nila, magaganda samantalang sa akin simple lang parang ayoko na tuloy umatend ng Christmas Party. Pumasok na kami sa Event Area at itinuro sa amin ang aming table, nadatnan namin sa mesa si Dave at Safety.

"Shelly, astig ka din ah, ganyan lang ang suot mo." Natatawang sabi ni Dave sa akin.

"Hindi naman magpapalit din ako." Sabay tingin sa mga suot ng ibang staff.

Lumipat ng mesa si Schuyler dahil hindi lang kami ang hawak niyang project. Kinamusta ang mga staff niya. Nagpaalam ako kina Dave na magpapalit na ako ng damit. Nagbihis, nag make-up at konting ayos ng buhok.

"Ok na! Carry na ito, kahit simple lang ang damit. Ang panlaban naman ay ang mapupulang labi. Tsup!"

Nadatnan ko sa mesa namin si Schuyler.

"Shelly, ikaw ba yan?" tanong ni Dave.

"Bakit sasabihin mo ang pangit ng suot ko?"

"Bagay nga sa iyo. Akala ko nga kung sinong artista."

"Nambola ka pa." at nakita ko si Schuyler nakatingin sa akin at biglang napangiti.

"Pinagtatawanan ba ako ni Schuyler." bulong ko.

Nagsimula na ang event. Nakilala ko ang mga ibang taga Crewe company madami din palang mga staff.

"Dave, ang tagal naman kumain. Gutom na ako." Natatakam na ako sa nakitang pagkain.

"Ako nga din eh!" Sabi ni Safety.

Pinagmasdan ko si Schuyler ang dami niyang kinakausap at palipat lipat ng mesa.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon