Chapter 5 - ( Knight in Shining Armor )

5.1K 100 2
                                    

Pinark ni Schuyler ang kotse at pumasok sa bahay 2-storey puti ang pintura. Maaliwalas ang sala na napapalamutian ng mga mamahaling muwebles. Sinalubong siya ng ina na nasa edad 54 na, si mommy Selena at ni Sasha ang nakababata niyang kapatid. Apat silang magkakapatid. 3 lalaki at isang babae. Siya ang panganay, yung 2 lalaki si Stanley (28 years old) at Steve (26 years old) ay pawang may asawa na samantalang ang kapatid niyang si Sasha ay nasa kolehiyo (22 years old).

"Kamusta trabaho anak?"

"Ito pagod, daming ginagawa."

"Sabi ko kasi sa iyo 'yung business na lang natin ang asikasuhin mo, hawak mo pa ang oras mo." banggit ng kanyang ina

Hindi na umimik si Schuyler. Inutusan ng mommy niya ang maid para mahanda na ang mesa. Dumiretso siya ng kwarto na black and white ang motif. Pagkatapos niyang magbihis bumaba na siya para kumain.


Sa bahay ni Shelly

"Amanda, may ikukuwento ako sa iyo. Ang P.M namin ang gwapo pala..artistahin. Kamukha ni Lee Jong Hyun ng Cnblue."

"Weh! d nga? Patingin nga ng picture."

"Wala akong picture."

"Halika hanapin natin sa Facebook baka makita natin." Na-eexcite na sabi ni Amanda.

Pumunta kami sa kwarto ko at binuksan ang laptop. Hinanap ko ang name niya pero wala kaming nakita.

"Baka iba ang ginamit niyang username?"

"Hmmmm...baka nga. Bigo!...Sige pag napicturan ko papakita ko sa iyo kaagad."

Tinext ko si Ivy na hinanap ko sa fb si Schuyler pero hindi nakita. Madami pa naman pagkakataon na makilala ko ng lubusan si Schuyler.

Nasa bus na ako papuntang work ng makarecieve ako ng message galing kay P.M. Unahin ko daw muna yung ISD ng 30th-40th para ma-submit sa Monday. Nasa head office daw siya. Pagdating sa office inumpisahan ko na ang pinagagawa ni P.M.

"Mam, sobrang busy ba? Parecieve itong safety shoes, vest at hardhat." At inabot sa akin ni Sir Frank. Sinukat ko ang safety shoes, vest at hardhat kasya lahat sa akin at sa wakas makakalibot na rin ako sa Site.

Hindi nagtagal ay natapos ko na ang pinagagawa ni P.M. at nilagay ko sa ibabaw ng table niya for signatory.

Nagpunta ako sa Basement 1 para mag cr. Pababa na ako ng hagdan ng may makasalubong akong mga worker na may dalang mga gamit. Nang paliko na sila mahahagip ako ng dala nilang mahabang kahoy sa mukha, hindi na ako makailag kaya hinarang ko na lang ang braso ko at na-out balance ako sa hagdan.

Opps!!!!...Napapikit ako kasi mahuhulog ako sa hagdan. Dahan-dahan kung iminulat ang aking mata. Nagulat ako ng makita na may sumalo sa akin at nakayakap. Ang bango niya na akala ko ay si Sir Schuyler na.

Natarantang humingi ng paumanhin ang mga workers sa akin.

"Mam, are you ok? may sugat ka sa braso."sabi ng lalaki

Pagkakita ko sa braso may dugo at ramdam ko ang kirot. Medyo iika-ika din akong maglakad. Dinala niya ako sa clinic para malapat ng lunas. Nilagyan ng bandage ang paa ko. Hindi naman malalala at makakalakad na daw ako ng maayos sa monday. Yung braso ko may sugat medyo malalamin, nilinis at nilagyan ng adhesive bandage ng nurse.

"Sir, ano pong pangalan nyo? Maraming salamat po." sabi ko sa aking knight in shining armor.

"Wallance."

Dumating si Safety Marcus. Tinanong ako kung ok ako. Inalalayan ako pabalik sa office dahil iika-ika akong maglakad. Nadatnan namin sa office si QC Dave at Foreman Alex. Tinanong kung ano ang nangyari sa akin at sinabihan na mag ingat ako lagi sa site.


Sa RS Company Office

"Sir, anong nangyari sa iyo bakit may dugo ang uniform ninyo?" nag-aalalang tanong ni Bobby safety officer ni Wallance.

"Yung babae na taga Crewe naaksidente sa Basement 1-stair. Hindi pa napapalitan ang napunding ilaw dun kaya medyo madilim" sagot niya habang nagpapalit ng damit.

"Bakit anong nangyari?" tanong ni Bobby.

"Nadali ng kahoy. Mukha niya ang matatamaan kaya hinarang ang braso. Na out balance at malalaglag sa hagdan mabuti na lang nasalo ko medyo iika-ika ngang maglakad."

"Yung magandang babae ng Crewe? Si Shelly yun! Kawawa naman bagong hired pa at alam mo ba sa worker natin maraming nagkakagusto dun."

"Ah!..Shelly pala ang pangalan niya."

Wallance Andrada, Project In-charge ng RS Company. 30 years old, matangkad at kayumanggi. Kamukha ni Lee Ki-Woo


Malapit ng mag-uwian. Nagtatawanan kami nila QC at Safety ng biglang bumukas ang pinto.

"Si P.M. Schuyler!"

"Shelly, Ihahatid kita sa bahay mo!" habang nakatingin sa akin.


Knight in Shining Armor


Ipagpapatuloy

Don't forget to vote

-----------------------------------------------------------------------------------------------

---FLASHBACK----

<Schuyler POV>

Nasa bahay na si Schuyler. Tumunog ang cp niya.

Ring!!...Ring!!...

<Safety Marcus Calling>

"Hello! Safety."

"Hello Sir! Irereport ko si Mam Shelly naaksidente sa hagdan buti nasalo siya ni Sir Wallance. Nagkasugat siya sa braso at na sprain ang paa kaya hindi makalakad ng maayos."

"Ah ok! Thanks sa info. Alalayan ninyo muna si Shelly" habilin niya kay Safety.

May laban pa naman sa Basketball Tournament si Schuyler.

"Kevin, hindi muna ako makakapaglaro sa ng basketball mamaya naaksidente sa site yung isang staff." Paalam niya sa teammate.

"Captain, malupit ang makakalaban sana makapaglaro ka."

"Pasensya na talaga pare."

Saka sumakay sa kanyang kotse papuntang site.




The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon