Chapter 43

3.2K 62 1
                                    

Mga isang lingo at gumaling na ng tuluyan ang injury ni Schuyler.

Pinuntahan ko si Schuyler sa kwarto, mahimbing ang pagkakatulog. Pagod na pagod na naman sa trabaho. Ilang araw din kasi siyang hindi nakapasok dahil sa injury. Hinayaan ko lang siyang matulog. Kinuha ko ang tablet niya sa bag at nakita ko ang cp.

Hindi ko talaga pinapakialaman ang mga gamit ni Schuyler lalo na ang cp niya kahit ang tablet na hinihiram ko sa kanya hindi ko tinitingnan ang mga laman basta nag fb lang ako.

Kinuha ko ang cp niya at tiningnan ang mga nakasave na picture. May nakita ako na picture nila na selfie n Cindy. Nakangiti ang dalawa. Nainis ako pero ayoko naman bigyan ng malisya.

"Schuyler, I love you." mahinang bulong ko. Saka umalis ako para isalang sa washing machine ang binabad kong mga damit.

Nagluto na ako ng tanghalian. Naiinis ako kapag naaalala ang selfie nila ni Cindy.

"Ouch!" nasugatan ako ng kutsilyo. Kinuha ko ang first aid kit at nilagyan ng bandaid ang daliri kong may sugat at tinuloy ang pagluluto.

"Schuyler, gising na." Tumingin siya sa akin at kinuha ang kamay ko.

"Napaano na naman ito?" tanong niya saka umupo sa kama.

"Nahiwa kanina, maliit lang naman." Paliwanag ko.

Tinitigan niya ako at sinabi "Wag mo ako laging pag aalalahanin."

Kumain na kami. Sinabihan ako ni Schuyler na masarap daw ang niluto ko. Pumunta siya sa sala pagkatapos kumain. Pagkatapos kong maglinis sa kusina tinabihan ko siya sa panonood ng tv. Hinilig niya ako sa kanya ng tumunog ang cp niya at tumayo si Schuyler.

"Hi!" ang narinig ko at sa kwarto na siya pumunta para dun kausapin. Pinagpatuloy ko na ang panonood ng tv.

"Schuyler, sino yung tumawag?" tanong ko sa papalabas na si Schuyler.

"Si Cindy." pagkarinig ko nun, nainis ako.

"Si Cindy? Bakit hindi mo lang dito kinausap at nagpunta ka pa sa kwarto mo?" naiinis na tanong ko.

"Maingay kasi ang tv." Dagdag pa ni Schuyler.

"Pwede naman hinaan ah.!" nagpipigil sa galit na sabi ko at pumunta ako ng kwarto. Nahiga ako at nagtaklob ng kumot. Hindi na siya sumunod sa kwarto.

Nakataklob ako at naluluha.

"Kainis ka Schuyler. Kainis ka Schuyler."

Naalala ko na may nilalabhan ako kaya bumangon ako at inasikaso ko ang paglalaba. Hindi ko siya kinakausap.

Umorder na lang siya ng dinner namin, habang kumakain kami tinanong niya kung ano ang problema ko. Hindi ko siya sinagot parang wala lang akong narinig. Una akong nahiga at nagtaklob ng kumot.

Office

"Birthday ni Schuyler ngayon ah. Anong handa Shelly?" tanong ni Dave. Pinagtapat ko na kasi sa kanila na boyfriend ko si Schuyler at nangako naman sila na hindi nila ipagsasabi.

"Sabi ko hindi ko alam kay Schuyler."

"Mukhang LQ." sabi ni Safety.

Ginawa na namin ang aming mga trabaho at hindi namin namalayan ang oras. Bumaba ng maaga sina Dave, Safety at ang mga workers kasi tumawag daw sa kanila si Schuyler ay may pinadeliver daw na pagkain. Hindi ng nagtagal dumating nga ang pagkain. Pansit, tinapay, pizza at softdrinks na pinagsaluhan namin.

Pagkalabas ng building, tinext ko siya at pinaalala na umuwi siya ng maaga, hihintayin ko siya sa condo.

Bumili ako ng relo na ireregalo sa kanya at cake saka pumunta na sa condo. Nagluto ako ng spaghetti para sa kanya. Hindi muna ako kumain kahit medyo nagugutom na ako para sabay kami.

Nanood ako ng tv habang naghihintay. 9 na wala pa naisip ko na siguro naghanda ang jewel staff para sa kanya kaya tinawagan ko. Nakailang tawag na ako kaya lang hindi niya sinasagot.

Grrrr!!!!naiinis na ako at humiga ako sa sofa at pinikit ang mata.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tiningnan ko kung may text o tawag si Schuyler pero wala. Tiningnan ko ang oras 1am na pala.

"1 am na pero wala pa si Schuyler."

Tik!Tik!Tik!Tik!

"Si Schuyler na siguro ito."

Si Schuyler nga, lasing na.

"Shelly, sorry ha." sabi pagkakita sa akin. Inalalayan ko siya at inupo sa sofa pero humiga siya saka natulog. Ginising ko siya at sinabi na dun sa kwato matulog. Bumangon naman siya at inalalayan ko.

Tiningnan ko si Schuyler habang natutulog sa kama at naiiyak ako. Hinubad ko ang suot niyang uniform. Tinapon ko sa lapag ang damit dahil sa sobrang inis at tumulo ang luha ko. Kumuha ako ng maliit na towel at nagpunta ng cr saka dun ako humagulgol ng iyak. Tiningnan ko ang mukha sa salamin at pinunasan ang luha ko. Binasa ko tubig ang towel at pinunasan ang mukha ni Schuyler. Hindi siya natinag sa pagkakatulog.

"Happy Birthday Schuyler." Hinalikan ko sa labi.


Blurred Love



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon