Chapter 36

3.9K 68 0
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay at sariwa pa sa aking alala ang ginawa ni Schuyler sa bus stop kanina. Naghiyawan ang mga tao para kaming nasa pelikula. Hinintay muna niya akong makasakay ng bus saka umalis.

Ring! Ring!!!...

(Schuyler Calling)

"Hello!"

"Nasa bahay ka na?"

"Oo, Schuyler paano nga pala wala akong isusuot na damit sa wedding ng friend mo." Tiningnan ko ang cabinet baka may makitang pwedeng isuot.

"Wag kang mag alala sa Centara na lang tayo bumili."

"Kaya lang....wala akong budget."

"Hahahaha... Wag kang mag alala ako ang bahala. Bukas susunduin kita ng 5am." Kakamustahin ko pa sana kung ok na ang injury niya kaya lang binababa na.

Tok!Tok!

"Ate, yung chocolate?" nasasabik na sabi ni Amanda. Kinuha ko sa bag at binigay sa kanya, tuwang tuwa si Amanda, yun kasi ang pinangako ko sa kanya para hindi niya sabihin na magkatabi kami ni Schuyler natulog sa kwarto.

Maaga akong gumising pero ayaw akong patayuin ng kama. Ang sarap pa kasi matulog pero ng maisip ko na makikita ko si Schuyler dali dali akong naligo.  Chineck ko ulit ang gamit baka kasi may nakalimutan ako.

Dumating na si Schuyler, kinausap niya si mama.

Binuksan niya ang pinto ng back seat at pagtingin ko may driver pala. Binati ko ng good morning ang driver at binati din ako, tumabi sa akin si Schuyler. Nakita ko na walang benda ang kaliwang daliri niya.

"Schuyler, ok na ba ang daliri mo?" saka hinawakan ko ang kamay niya.

"Medyo ok na. hindi na masakit." saka inakbayan ako. Ang sweet talaga nya.

5:45am kami nakarating sa airport. Ang flight namin ay 7am, 1 hour from airport to Centara. Nag online checking si Schuyler kaya nakacheck in kami kaagad. Sa eroplano tabi kami sa upuan at pumuwesto ako sa tabi ng bintana. First time kong makakarating sa Centara kaya excited ako. Hinawakan ni Schuyler ang kamay ko saka natulog samantalang ako manghang mangha sa mga nakikita sa labas.

Pag dating namin may sumundo sa amin from Hotel. Ang ganda pala ng Centara ang linis at madaming makikitang mga puno. Ilang minuto lang nakarating na kami sa hotel. Nagpunta kami sa concierge. Nakatingin sa akin ang mga taga concierge. Sa isip isip ko kaya tumitingin sila sa akin kasi gwapo ang kasama ko.

Dumiretso na kami sa room 201. Wow ang ganda ng room, white ang motif at may terrance na makikita ang dagat. Binuksan ko ang sliding glass door at nagpunta sa terrance. Ang sarap ng hangin, ang gandang tingnan ang dagat, asul na asul.

"Shelly, dito ang room natin." Sabi ni Schuyler.

"Dito?!" nagulat ako. Akala ko room ko lang ito yun pala magkasama kami.

"Shelly kalma lang!" bulong ko sa sarili saka huminga ng malalim.

Lumapit sa akin si Schuyler at tinitigan ako.

"Shelly, Wag ka ng mag-alalala tungkol kay Victoria. Alam na niya na girlfriend kita."

"Wag mo akong lolokohin kundi lagot ka sa akin."


****

"Shelly, bumili na tayo." Yaya sa akin ni Schuyler. Bumaba na kami ni Schuyler.

"Shelly, maghintay ka na muna dito sa waiting area may kakausapin lang ako." pumunta sa concierge.

Umupo ako sa sofa. Marami ding naghihintay na nakaupo at madaming labas pasok na mga tao. Busy na busy ang concierge sa pag asikaso. Naisip ko kaya 1 room kami ni Schuyler kasi fully book na ang hotel.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon