Chapter 16

4K 63 0
                                    

"Ilang araw na ang nakalipas hindi ko pa rin nakikita si Schuyler."

"Miss na miss mo na? inlove ka na noh? nga pala diba sabi mo may auto repair and maintenance center si Schuyler, samahan mo akong magpachange oil sa Skagen City branch na lang at malay natin makita natin siya doon." Sabi ni Ivy.

"Hindi ko siya namimiss."

"Shelly, wag ka ng magkunwari pa! Oh Schuyler...Oh my Schuyler.." biro ni Ivy.

"Ok! Ok!..sige sasamahan na kita. Magkita na lang tayo sa Skagen Mall." Sabay cancel ng tawag.

Kumain muna kami ni Ivy sa Skagen Mall bago nagtungo sa auto center nila Schuyler. Hindi mahirap hanapin ang auto center. Malaki, full of glass ang reception area at maluwang ang lugar at maraming nagpapagawa ng kotse. Bumaba kami ni Ivy sa kotse at sinilip namin kung nandun si Schuyler,  kaya lang hindi namin makita, nagpunta at nagtago kami sa kotseng malapit sa office para makita naming mabuti.

"Ano ba Ivy wag ka ngang ganyan baka makita tayo." Pero patuloy pa rin siya sa pagsilip.

(Silip! Silip!)

"Sino bang hinahanap ninyo?"

"Si Schuyler pogi!" sagot ni Ivy.

Natigilan kami ni Ivy ng mapagtanto na lalaking boses ang aming narinig na nagmula sa aming likuran at sabay kaming napatingin.

"Schuyler!!!"naka suot ng shades.

"Hi!" ang matipid na bati ko. Itinago ko ang kasiyahang nadama ko ng makita siya.

"Hi! Schuyler, ako si Ivy kaibigan ni Shelly. Mas pogi ka pala sa personal." Pakilala ni Ivy kay Schuyler.

"Hi! Bakit nga pala kayo nandito?" tanong niya at inalis ang shades.

"Magpapa-change oil sana ako." sabi ng kinikilig na si Ivy.

"Ok, halika sasamahan ko kayo sa customer service."

Pagpasok namin sa office binati ng mga staff si Schuyler. Pina-assist niya kami sa isa niyang staff at pumasok na siya sa kanyang office na hindi kita ang loob.

Pinaghintay kami sa waiting area na nasa katabi lang ng customer service. Sa waiting area may free wifi at free coffee at may mga customer na rin ng madatnan namin na nanonood ng tv.

"Shelly, panalo si Schuyler. ang wafu!!"

"Gwapo nga may gf naman."

"Hindi mo pa nga napapatunayan na gf niya yung girl, malay mo kaibigan lang."

"At malay mo rin gf nga niya!"

"Hay naku Shelly wag ka na ngang magdrama diyan kung gf lang may pag-asa ka pa asawa nga naaagaw pa ng iba gf pa lang kaya?. Huwag mong pigilan ang sarili mo magmahal kasama yan sa buhay. Masaktan ka man, just move on. Ang mahirap magsisisi ka na hindi mo napadama sa isang tao na mahal mo siya."

Lumabas si Schuyler sa office at pumunta sa aming kinauupuan napatingin ang mga tao sa kanya.

"Naglunch na ba kayo?" tanong sa amin.

"Hindi pa nga, nagugutom na nga kami." mabilis na sagot ni Ivy.

"Nagugutom? Samantalang kumain muna kami ni Ivy sa Skagen Mall bago nagpunta dito at busog pa nga ako.!" Sa isip isip ko.

"Ok kain muna tayo ng lunch, treat ko." Sabi ni Schuyler.

Tumayo kami ni Ivy at sumunod kay Schuyler papalabas. Sa malapit na restaurant kami pumunta walking distance from Auto center.

Umorder na kami, habang kumakain nagtatanong si Ivy kay Schuyler samantalang ako ay dahan dahan lang kumain kasi busog pa.

"Schuyler, may-asawa ka na?" ang tanong ni Ivy.

"Wala pa."

"May gf?"

"Wala pa rin."

Tumingin sa akin si Ivy at ngumiti pero patay malisya lang ako.

"Sayang. May bf na ako, si Shelly wala pang bf!" Nangingiti si Ivy.

"Wala pa? madami ngang nanliligaw kay Shelly sa site." at tumingin sa akin.

"Wala naman eh" pagtanggi ko pa.

"Schuyler, ano ba ang gusto mo sa isang babae?"

Nakita kong tumingin siya sa akin at nag-isip.

"Mabait, matangkad, maputi at seksi" natawa sa sinabi niya.

"Parang ako lang. Kaya lang sorry may bf na ako, ah si Shelly pasok sa qualities mo." pabirong sabi ni Ivy.

"Hindi noh! tumigil ka na nga Ivy." nakangiting pagsaway ko.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa Auto Center at tapos na rin ang paggawa sa kotse. Nagpaalam at nagpasalamat na kami kay Schuyler.

"O Shelly, mission complete! Walang gf."


Sa Skagen Mall ako binaba ni Ivy. 2pm pa lang kaya nag gala gala muna ako. Tumingin ng mga damit at sapatos pero hindi bumili kasi wala akong pera. Nakita ko na nagkakagulo ang mga tao sa Activity Center. Lumapit ako para malaman kung bakit sila nagkakagulo at nakita ko sa poster na darating si Lee Min Ho.

"Lee Min Ho!!...."

"Lee Min Ho?..." excited na sabi ko. Ang dami nang naghihintay at ang lugar na tanaw ang stage ay punung puno na halos hindi mahulugan ng karayom. Nagulat ako ng magsigawan ang mga tao, dumating na si Lee Min Ho. Pilit akong naghanap ng mapupuwestuhan. Nakisingit ako sa maraming tao pero hindi ko naman makita kaya tumuon ako sa likod ng isang lalaki na nasa harap ko at tumingkayad para makita. Nakita ko nga si Lee Min Ho at bigla akong sumigaw ng "Lee Min Ho" tumingin sa akin ang lalaking tinuunan ko sa likod.

"Schuyler!"

"A-anong ginagawa mo dito?."

"May binili ako, na curious kung bakit nagkakagulo ang mga tao kaya tiningnan ko. Shelly, dito ka na pumuwesto sa harap ko mas kita dito."

Lumipat ako at nakita ko si Lee Min Ho. Ang gwapo!..gwapo pa kay Schuyler. Sigawan ang mga tao at nakisigaw din ako.

"Schuyler pasensya ka na ha. Idol ko si Lee Min Ho." Sabay sigaw ko ng I love you Lee Min Ho!!!... Napangiti lang siya at mukhang nag eenjoy sa mga pinagagagawa ko.

Pagkatapos ng 1 hour, umalis na si Lee Min Ho. Nagsimula ng umalis ang mga tao.

"Shelly, dito muna tayo hayaan muna natin umalis ang mga tao kasi siksikan."

"Schuyler, thanks. Maiwan na kita uuwi na ako."

"Mamaya na! magkape muna tayo."

Hindi ko na siya tinanggihan at pumasok kami sa C-Coffee Shop. Pinaupo na niya ako at siya na ang umorder. Nagkuwentuhan kami.

"Shelly, sorry nga pala dun sa nangyari."

"Ah wag na nating pag-usapan iyon." ayoko nang maalala yun.

Tahimik naming inubos ang aming iniinom na coffee. Sabay kaming lumabas ng C-Coffee Shop. Kinuha ko ang cp sa bag at nagtext kay ivy, kinumusta ko kung nakarating siyang safe.

Hindi ko namalayan may makakasalubong na pala ako. Biglang hinila ako ni Schuyler pero natamaan ko pa rin sa balikat ang babae.

"Sorry!"

"Hindi kasi tumitingin sa daan!!" malakas na sabi ng babae.

"Miss sorry talaga hindi ko sinasadya." Tiningnan ko ang babae at nagulat ako sa nakitang kasama na nakahawak sa braso niya.

"Wallance!"


Missing You



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon