Chapter 49

3.6K 63 0
                                    

Maaga akong gumigising para magluto ng pagkain. Pinagbabaon ko kasi si Schuyler ng pagkain. Unang araw ko sa trabaho ngayon bilang Mrs. Suarez.

"Shelly, ihahatid na kita sa work mo at magmemesage ako mamaya kung masusundo kita para sabay tayong umuwi.

"Good morning!" bati ko kina Dave at Safety.

"Good morning Mrs. Suarez."

"Hoy! Wag kayong maingay baka may ibang makarinig sa atin. Ayokong paalam sa site na asawa ko si Schuyler baka masabunutan ako bigla." Natatawang sabi ko. Alam ko naman na hindi makwento sina Dave at Safety sa ibang tao lalo na pag personal life ang pag-uusapan.

Pumunta ako sa Basement 1 para mag cr, pabalik na ako sa office ng makasalubong ko ang Admin ng JK.

"Good morning Mrs. Suarez." Bati niya sa akin.

"Naku lagot na!" sa isip isip ko. Binati ko din siya ng Good morning at mabilis akong naglakad. Naalala ko nga pala na nagbibigay si Frank ng daily attendance list sa kanya at siguro nabasa na iba na ang gamit kong apelyido.

Nakita ko si Victoria na makakasalubong kaya inirapan ko pero ng nasa tabi ko na siya nagsalita siya.

"Congrats Shelly." napatigil ako saka hinabol ng tingin si Victoria.

Nakatunganga ako sa monitor at iniisip ang eksena namin kanina ni Victoria. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Safety.

"Shelly, pinapupunta ka ni Schuyler sa Jewel. Ngayon na daw!" Nag-ayos muna ako at nagpaalam na kay Safety.

Tok! Tok!Tok!..

Tinginan ang staff sa akin, at nakita ko si Cindy na busy sa working table niya.

"Good morning!" bati ko

"Shelly!" tawag sa akin ni Schuyler. At napansin ko na nagbulungan ang mga staff. Lumapit ako kay Schuyler at naiisip ko na siguro ako ang pinagbubulungan nila.

"Shelly, maupo ka muna." Naupo ako sa tapat niya.

Lumapit si Cindy sa kanya at may binigay. Tinitigan ko si Cindy. Napapansin ko na dumidikit siya kay Schuyler at si Schuyler naman seryoso sa pagrereview ng binigay niyang papel.

"Subukan mo lang agawin sa akin si Schuyler. Sasabunutan kita." Sa isip-isip ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang staff. Lumapit siya kay Schuyler at napatingin sa akin.

"Shelly? Ikaw si Shelly diba? Ang asawa ni Schuyler?.." malakas na tanong ng kapapasok lang na lalaki kaya nagsipaghintuan sa kani kanilang ginagawa ang ibang staff at napatingin sa kinaroroonan ko.

"Oo. Siya ang asawa ko si Shelly. Shelly, siya si Leo P.M ng MecCorp." Sagot ni Schuyler.

"Hi po!" bati ko.

"Lagi kang naiikuwento sa akin ni Schuyler."

"Sir, bakit kayo nadalaw?" tanong ni Schuyler.

"Papipirmahan ko lang ito sa iyo." At inabot ang isang papel.

"Maganda ka pala sa personal kaya pala na-inlove si Schuyler sa iyo. Kahit nga ako maiinlove sa iyo." At napapangiti.

"Si Sir talaga palabiro." At ngumiti ako at nahalata kong medyo naging iba ang expression ng mukha ni Schuyler. Nagseselos sa isip isip ko. Pinirmahan niya agad at umalis na si Leo.

"Shelly, pa receive mo nga ito sa JK DC at paki-follow-up pala kay Dave kung nagawa na niya ang testing sa 35th Floor?." Inabot sa akin ang isang brown envelope.

"Ok po!" at nagpaalam na ako.


1pm

Tok!Tok!Tok! binuksan ni Safety ang pinto.

"Shelly, ang suki mo." tawag sa akin ni Safety. Kinuha ko  sa delivery boy ang bouquet of red roses. Lumapit si Dave at Safety sa akin.

Tiningnan namin kung sino ang nagpadeliver kaya binasa ang nakalagay sa card.

"I love you Shelly Angeline Suarez. ---from a guy loving you each day Schuyler Suarez."

"Schuyler!" sabay naming nasabi.

"Ibigsabihin ang nagbibigay sa iyo ng mga roses ay si Schuyler?!. Kasi tingnan mo ang penmanship pareho nung a guy starts loving you....ibigsabihin na dati ka pa pala gusto ni Schuyler." Namamanghang sabi ni Dave at napaupo ako.

"Ang lakas talaga ng tama pala sa iyo ni Schuyler." Dagdag pa ni Safety habang inaamoy ang bulaklak.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Full of surprises talaga si Schuyler.

"Ang swerte mo naman kay Schuyler." Ang sabi ni Dave at kinuha na ang hardhat.

"Mas masuwerte siya sa akin noh!"

Umalis na sina Dave at Safety. Nakakalumbaba at nakatingin sa roses.

"I love you Schuyler!"..

Uwian na kami, tinawagan ko si Schuyler na may pupuntahan ako kaya hindi ako sasabay sa kanya pauwi. Sinabihan niya ako na mag-ingat.

Nagpunta ako ng Skagen Mall at naghanap ng mabibigay sa kanyang regalo. Ang tagal ko bago nakapili ng ibibigay sa kanya.

"Sana hindi siya magalit kasi matagal akong nakauwi . Nakapagluto na kaya siya?." sa isip-isip ko.

Tik!Tik!Tik! Tik!

Binuksan ko ang pinto at nagpalit ng slipper. Naabutan ko si Schuyler na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.

"Schuyler!" tumingin siya at bigla kong hinalikan at hinalikan din ako at naramdaman ko na binubuksan ang butones ng damit ko.

Ilang saglit lang nakahiga na kami sa kama.

"Schuyler, ikaw pala ang nagpapadala ng mga roses sa akin."

"Baka kasi pag hindi ko ulit nilagyan ng pangalan itapon mo na naman at sayang lang."

Umibabaw ako sa kanya habang nakatakip ng kumot ang katawan.

"Salamat Schuyler." habang nakatitig sa mata niya.

"Grabe! wag kang ganyan, sige ka baka may pangalawa pa." nangingiting sabi.

"Ayoko na! nagugutom na ako." Sigaw ko at niyakap ako.

"Oorder na lang ako ng dinner."

"Nga pala Schuyler." Nagbihis ako ng damit at may kinuha ako sa bag na nasa sala.

"Schuyler, will you marry me?" at inabot ko sa kanya ang isang singsing. Napatawa siya.

"Yes!"sagot niya at isinuot ko sa kanya ang singsing at nagkasya naman. Kinuha niya ang isang pares at sinuot sa akin.

"Schuyler, may nakaukit na pangalan ko diyan sa singsing mo at sa akin naman pangalan mo." Ayoko kasing laging isuot ang wedding ring natin dahil baka mawala. Kaya ito na lang at kasi ikaw din hindi mo sinusuot ang wedding ring natin kaya yan na lang." at isang halik sa labi ang binigay niya sa akin.


For You To Me



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon