Chapter 22

3.6K 61 1
                                    

Nakatitig sa orasan at nag iisip kung makikipag kita kay Wallance sa Skagen Mall.

"Ah! Bahala na." at nagbihis na ako.

Simpleng dress na kulay pink ang sinuot ko sa date namin ni Wallance. Sinabi ko sa kanya na sa Skagen Mall na lang ako hintayin. Hindi ma traffic kaya nakarating agad ako ng maaga at nakita ko siya na naghihintay.

"Hi Shelly!" tiningnan ang suot kong damit at napangiti. Naka suot ng cargo pants at black t-shirt si Wallance na kahit simple lutang pa rin ang kagwapuhan.

Niyaya niya akong manood ng sine at pinapili ng gusto kong panoodin.

"Wallance, action movie gusto ko." Tumango siya at bumili ng ticket at isang malaking popcorn at 2 bottled mineral water.

Pumasok na kami sa loob ng sinehan. Napapansin ko na sumusulyap siya sa akin. Naisip ko na sana yayain din ako ni Schuyler manood ng sine.

"Shelly, ok ka lang dyan sa puwesto mo?"

"Oo." mahinang sagot ko at kahit hindi pa nag uumpisa ang palabas sinimulan ko nang kainin ang popcorn.

"Wallance, popcorn." kumain na din siya.

Nagsimula na ang palabas.

Seryoso kaming nanonood at walang imikan. Napa halukipkip ako dahil sa sobrang ginaw sa loob ng sinehan.

"Shelly, ok ka lang?" bulong ni Wallance.

"Medyo malamig eh." Bulong ko din sa kanya. Nagulat ako ng akbayan at hawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa aking taenga.

"O ayan. giniginaw ka pa?" hindi ako nakasagot. Na freeze ako sa upuan at hindi na naka focus sa panonood. Hindi na nga ako nilalamig, feeling ko naman umaapoy ang buong katawan ko. Hanggang matapos ang palabas hawak pa rin ni Wallance ang kamay ko.

Pagbukas ng ilaw, tumayo agad ako.

"Sulit ang binayad natin, ang ganda ng palabas." Nag uunat na sabi ni Wallance.

"Oo nga eh." Pero sa totoo hindi ko naintindihan ang movie kasi lumipad na ang isipan ko ng hawakan ni Wallance ang kamay ko.

Kumain kami pagkatapos manood ni Wallance. Tahimik kaming kumakain hindi pa rin ako maka move on sa paghawak ni Wallance sa kamay ko.

"Shelly, I love you." nagulat ako sa sinabi ni Wallance. Napatigil ako sa pagkain at matagal nag isip.

"Wallance, pasensya ka na hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo sa akin." Mahinang sabi ko.

"Diba sabi ko sa iyo handa akong maghintay." Dagdag pa niya.

"Sorry Wallance dahil......dahil......."

"Dahil may gusto kang iba?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

"Oo, dahil may gusto akong iba."at tinitigan ko din siya.

"Mahal ka ba niya? Or One-sided love lang?"

"Hindi ko alam."

"Shelly, hindi pa rin ako titigil at hindi ka pa naman niya gf, kaya may pag-asa pa ako."

"Kahit alam mo na masasaktan ka lang?"

"Oo, kahit alam kong masasaktan lang ako. Nasaktan man ako dahil nagmahal ako." seryosong sabi ni Wallance at natahimik lang ako.

Paglabas namin sa restaurant nakita ko si Dave. Tatalikod na ako ng tawagin ako.

"Shelly!" at lumapit sa amin.

"Shelly, nagdate kayo ni Wallance?" na eexcite sa isasagot ko.

"Dave, ikaw anong ginagawa mo dito?. May kadate ka noh!"

"Shelly, wag mong ibahin ang usapan." Nangingiting nakatingin kay Wallance.

"O cge Dave mauuna na kami." Paalam ko at hinila ko na si Wallance.

Hinatid ako sa terminal ni Wallance. Kumaway siya sa akin ng papaalis na ang FX.


Office

"Good morning!" at nadatnan ko si Schuyler, Safety at Dave sa office.

"Shelly, nagdate kayo kahapon ni Wallance noh? anong pinanood ninyong movie?" sunud sunod na tanong ni Dave. Napatigil sa ginagawa si Schuyler at Safety at napatingin sa akin.

"Dave, wag kang maingay."

"Buko na kayo ni Wallance. Wag nang mag deny. Sige na sabihin mo na kung anong movie ang pinanood ninyo." Pilit ni Dave.

"Action movie." Nahihiya kong sagot.

"Maganda ba? anong story?"...

"Ah???...." Nag iisip ako.

"Shelly, well pagkasama mo nga naman ang crush mo, hindi mo talaga maiintindihan ang palabas. Sige Shelly, panoodin natin ulit kasama si Sir at Safety bukas. Diba holiday bukas?."

"Oo nga Shelly panoodin natin." Sabi ni Safety.

"O yan ha bukas. Kita kits tayo sa Skagen Mall." Sumalyap ako kay Schuyler na busy sa pagtatype.

Hindi na ako naiilang kasama sila Dave kasi feeling ko one of the boys na rin ako. Gabi palang nag-iisip na ako ng isusuot kasama kasi si Schuyler kaya bigla akong naconcious sa magiging itsura ko bukas.

Sukat doon sukat dito..

"Hay!"..tiningnan ko ang oras 12am na pero wala pa rin akong napiling masusuot. Dahil malamig sa loob ng sinehan naisipan kong mag long sleeve at maong pants na lang.


Skagen Mall

Palapit pa lang ako sa meeting place namin natanaw ko na si Schuyler at kahit malayo kita ko na ang kagwapuhan niya. Napapatingin ang mga taong malapit sa kinauupuan niya.

"Sir, kanina pa kayo?" tanong ko. Nakasuot siya ng white t-shirt at maong pants.

"Drooling si Shelly..." sa isip isip ko.

"Hindi naman. Nagmessage pala sa akin si Safety at Dave hindi daw makakarating." At saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ano!" malakas na sabi ko kaya napatingin sa akin ang mga tao.


One-Sided Love



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon