Chapter 35

3.8K 73 0
                                    

Click!!!..

"May kuryente na!.."sigaw ng guard.

Nawala ang atensyon ng mga tao sa amin ni Schuyler.

"Schuyler, wag mong kalilimutan ha." Paalala ni Victoria at umalis na. Hindi kami umaalis sa pwesto namin nila Frank. Hinahayaan muna naming umalis ang mga tao.

Sinundan naming bumaba sa Basement 2 si Schuyler. Nagtatakang napapatingin sa akin si Frank at saka bumulong na gusto daw ako ni Schuyler. Pagdating sa office tahimik kaming bumalik sa kanya kanyang ginagawa, hindi nagtagal natapos ko na ang ginagawa kaya binalik ko na ang lahat ng files sa cabinet.

Dumating si Dave at Safety dahil malapit ng mag 5 o'clock. Inayos na namin ang aming mga gamit at hinihintay na lang tumunog ang alarm.

Ring!!... 5 o'clock!.

Naglalakad akong mag-isa papuntang Fx terminal ng makita ang kotse ni Schuyler at may nakaupo sa front seat...si Victoria.!

"Grrrrr!!!!...Lagot ka sa akin Schuyler!!!....


Shelly's House

Naiinis akong pumasok sa bahay.

"Ate, sinong kaaway mo?" tanong ni Amanda na papunta ng kusina.

"Yung kontrabida sa lovestory ko!.."

"Nga pala ate wag mong kalilimutan bilhin bukas yung pinabibili ko sa iyong chocolate sa Skagen Mall ha." Paalala sa akin ni Amanda.

"Ni text o tawag wala!!... Hindi man lang ako kinamusta kung nakauwi na sa bahay." Hinagis ko sa kama ang cp at bumaba para kumain pagkatapos nanood ako ng drama na palabas sa tv.

"Ate, nakakaiyak ang drama." naluluhang sabi ni Amanda at saka suminghot.

"Hindi naman ah.."

"Hindi ka kasi broken hearted na tulad nung bidang babae." Paliwanag ni Amanda at iniwan ko na siya.

Tiningnan ko ang cp. May 3 missed calls si Schuyler at 1 message.

Message receive:

"Once you read this message call me back."---- Schuyler.

Tinawagan ko si Schuyler at cancel niya.

Ring!!!..tunog ng cp.

(Schuyler Calling)..

"Hello!" sagot ko.

"Shelly, bukas mag file ka ng leave para sa 29. Pipirmahan ko kaya huwag ka mag-alala. Isasama kita sa Centara, wedding kasi ng friend ko. Nandyan ba mama mo? Pwede ba siyang makausap."

"Ok! Saglit lang." at hinanap ko si mama. Kinausap ni mama si Schuyler. Nalaman ko na pinagpaalam ako kay mama at humingi ng paumanhin kung hindi niya nasabi ng personal at susunduin daw ako ni Schuyler ng 5pm sa bahay sa 29.

Yun lang ang sinabi at binaba na ang cp. Hindi man lang siya nagpaliwanag sa akin kung bakit kasabay niya si Victoria.

"Grrrr!!!...."


Office

"Good morning!" bati ko. Lumapit si Dave at may binulong.

"Shelly, sinabi sa akin ni Frank ang eksena ninyo ni Schuyler kahapon. Grabe! Kinilig ako. Alam mo nahalata ko parang may gusto sa iyo si Schuyler kasi mawala ka lang sa paningin niya hinahanap ka na agad."

"Dave, nasaan si Shelly?"........"Safety, nasaan si Shelly?"......ganyan ang eksana pag nawala ka sa paningin niya." natatawang kwento ni Dave.

"Wag kang maingay baka may makarinig sa iyo." saway ko pa.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon