Chapter 12

4.3K 73 0
                                    

Sabado ngayon at birthday ni QC Dave.

Nagulat ako ng madatnan si Schuyler sa office.

"Shelly, nakita kita ka-date mo si Wallance." bungad sa akin ni Safety.

"Safety, hindi kami nag-date. Kumain lang kami sa labas."

"Pareho din iyon. Diba gusto mo si Wallance?" banat ni Dave sa akin.

Tumingin ako kay Schuyler busy sa pagsusulat.

"Happy Birthday Sir Dave" bati ko para maiba ang usapan.

Binati din siya nila Schuyler at Safety Marcus. Manlilibre daw siya sa amin after work.

Paglabas ni Sir Schuyler tinanong ko si Dave kung bakit nandito si Schuyler. Mag site inspection daw mamaya si Schuyler.

Nagpunta ako ng Basement 1. Lumapit si Wallance pagkakita sa akin at tinanong ako tungkol sa trabaho medyo matagal din ang naging usapan namin. Nakita ko si Schuyler papunta ng JK Office, nagkatinginan kami pero iniba niya ang direksyon ng kanyang tingin. Naisip ko lagi na lang sumusulpot kapag kausap ko si Wallance. Nagkataon lang ba o lagi niya akong sinusundan pag hindi ako agad nakabalik sa office.


10:00am

May titingnan ako sa site magpapasama sana ako kay Safety at Foreman kaya lang hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Hindi pa rin naman bumabalik si Schuyler. Kumatok ako sa warehouse para magpaalam sa warehouseman na si Frank para kung sakaling hanapin ako alam nila. Umalis din pala si Frank at hindi ko alam kung saan pumunta kaya pumunta na ako sa Basement 1 Elevator Lobby.

"40th Floor po" sabi ko sa elevator operator. Hindi tumatabi ang mga worker sa akin, mga naiilang. Naghabilin ako sa elevator operator na pick-up niya ako sa 40th pagbalik niya. Tumango naman siya.

Ang 40th floor ay Roofdeck.

"Wow! Ang sarap ng hangin at ang ganda ng view. Tanaw na tanaw ko ang mga matataas na building. Tumingin ako sa baba parang langgam lang ang mga sasakyan. Ang ganda ng ulap asul na asul.

Pumunta na ako sa Pump Room. Pagkakita sa akin ng mga worker nagsipagtigilan sila sa kanilang ginagawa. Tinanong ako ng isang worker kung anong company ako sinabi ko na taga Crewe.

Natapos ko nang i-check ang dapat kung tingnan. Nag-abang na ako sa tapat ng elevator. Naiinip na akong maghintay sa elevator lobby. Hindi ako puwede maglakad pababa nasa 40th Floor ako hindi ko alam kung buhay pa ako pagdating sa office. Nagsipag puntahan na rin sa tapat ng elevator ang mga worker. Nagulat sila pagkakita sa akin akala nila nakasakay na ako.

Tiningnan ko ang relo ko 11:15 na pala ang tagal kong nawala sa office. Salamat at nakasakay na. Marami ang mga pababa kaya natagalan siya sa pagbalik sabi ng Elevator Operator.

Pagkakita pa lang sa akin ni Foreman Alex at Sir Frank sinabi nila na kanina pa ako hinahanap ni Sir Schuyler. Nadatnan ko si Sir Schuyler at Safety sa office.

"Shelly, kanina ka pa hinahanap ni Sir." 

"Sir dumating na si Shelly." sabi ni Safety Marcus kay Schuyler.

Tumingin sa akin si Schuyler.

"Saan ka nanggaling Shelly?" malakas na tanong ni Schuyler sa akin.

"Sa 40th Floor po." sagot ko. Naku! lagot galit si Sir.

Tumayo siya sa upuan niya at lumapit sa akin.

"Hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta?!. Kanina pa kita tinatawagan sa cp mo!. Yun pala iniwan mo cp mo dito sa Office!" galit na sabi. Yumuko na ako at naiiyak. Pinigil ko pagtulo ng luha ko kaya kinagat ko ang dila ko para hindi tuluyang umiyak.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon