Nagising ako at nakita na katabi si Schuyler natutulog.
"Sana lagi tayong ganito walang away." Ilang saglit lang at nagising na siya. Tiningnan ko ang oras 6pm na pala ang haba ng tulog namin. Sinabihan ko si Schuyler na umorder na lang ng dinner. Tumawag naman agad siya.Hindi pa rin kami bumabangon.
"Schuyler, sa tuesday magleleave ako. Ihahatid namin si Amanda sa airport."
"May sasakyan na kayo panghatid?"
"Wala pa naghahanap pa lang kami."
"Sige ako ang maghahatid."
Tiningnan ko si Schuyler.
"Wag na marami kang gagawin sa trabaho kasi aabsent ako." Biro ko at natawa siya.
"Papahatid ko na lang kayo sa driver ko, naalala mo yung naghatid dati sa atin sa airport."
"Oo, hindi ba nakakahiya."
"Wag kang mahiya sa boyfriend mo." Tinext ko agad si Amanda na pahahatid kami ni Schuyler sa airport at tuwang tuwa naman si Amanda.
"Salamat daw sabi ni Amanda."
"Wag mo lang kalilimutan mag fill-up ng leave form ha."
"Yes! Project Manager."
*****
Walang araw hindi ako naging busy sa trabaho, ang dami ko na narerecieve na approved plan kaya pinapagawa na ni Schuyler kaagad kay Dave.
"Shelly, ang daya mo magleleave ka bukas." Sabi ni Dave.
"Oo, kailangan lang eh." At binigay ko na kay Foreman ang mga planong kakailangin niya bukas.
"Papasok kaya bukas si Schuyler?." Tanong ni Safety.
"Hindi ko lang alam." Sabi ni Dave
"May papipirmahan ako sa kanya, hinihingi na kasi sa akin ng head office."sagot ni Safety.
"Ok sige Safety, itetext ko siya. Iwan mo na lang sa ibabaw ng mesa niya." At nilagay nga ni Safety sa table ni Schuyler.
Nagpunta ako sa Basement 1, Tinext ko si Schuyler tungkol dun sa concern ni Safety at nangako siya na dadaan bukas ng office.
Nakita ako ng Wallance at lumapit sa akin.
"Hi Shelly!. Kayo na pala ni Schuyler." Mahinang sabi niya.
"Oo. Sekreto natin ito, ayoko kasing pag-usapan ako." at ngumiti ako sa kanya.
"Naku Shelly hindi mo lang alam napag-uusapan na kayo. Naalala mo ba yung nangyari nung championship game, ang dami kayang nakita nung ginawa ni Schuyler ng hawakan niya ang kamay mo at sinabi na hintayin mo siya at ang pagkainis niya ng malaman na umalis ka na. Alam mo ba nagmukhang tanga si Victoria kasi hindi siya pinapansin ni Schuyler habang sumisigaw siya ng sasabay ako." Kwento niya.
"Ah ganun ba. Congrats nga pala may nagsabi din sa akin na may girlfriend ka na."
"Salamat Shelly." Sabay ngiti.
*****
Ayos na ayos na ang mga gamit ni Amanda papuntang Singapore bukas. Mamimiss daw niya ako at sinabihan ko siya na huwag siyang mag-alala dahil susunod din ako dun. Dito na nakatira ang asawa ni kuya na si Hana. Mabait naman siya kaya wala akong naging problema sa kanya.
"Ate, ang bait ni Schuyler." At kinikiliti ako.
"Oo mabait siya kaya lang chickboy."
"Ate, kasalanan ba niyang ipanganak siyang artistahin. Kaya nga wag mo ng pakawalan pa baka maagaw pa ng iba."
Maagang dumating ang sundo namin. Nagpaalam na kami kay Amanda. Sinabi ni Amanda na malapit lang ang Singapore kaya wag kaming mag-alala. Tumawag din si Schuyler kay Amanda at naghabilin na mag-ingat palagi.
Ilang oras pa lang nawawala si Amanda namimiss ko na agad siya, ang mga pangungulit niya.
(Schuyler Calling)
"Shelly, na miss kita agad."
"I miss you too Schuyler. Matulog ka na ng maaga."
"Sweet Dreams Shelly. Ako lang panaginipan mo ha." At saka binaba ang tawag.
Sweet Dreams
Ipagpapatuloy

BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomanceWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.