Chapter 23

3.5K 66 0
                                    

"Shelly, tayo na lang ang manood para hindi masayang ang pagpunta natin dito."

"Hmmm...Ok sige." Sumang ayon na rin ako. Baka hindi na maulit ito kaya mag-eenjoy ako to the fullest.

Dahil holiday maraming tao at may kahabaan na ang pila. Pumila kami ni Schuyler, ako ang namili ng seats at siya ang nagbayad.

"Shelly, ano ang gusto mong kainin?" tumingin tingin ako para makapili.

"Hotdog sandwich at bottled water." 1 hotdog sandwich, 1 medium size popcorn and 2 bottled water ang inorder niya.

Pumasok na kami sa sinehan. Inabot sa akin ang hotdog sandwich at kahit hindi pa nag uumpisa kinain ko na agad. Napapatingin sa akin si Schuyler. Natetense na naman kasi ako. Si Schuyler ba naman ang katabi ko at naramdaman kong bumibilis na naman ang pintig ng puso ko.

Nag-umpisa na ang movie at seryoso kaming nanood. Hindi ako gininaw dahil naka long sleeve ako kaya lang dinadalaw na naman ako ng antok. Kumain ako ng popcorn pampa wala ng antok. Sinulyapan ko si Schuyler kahit madilim naaninag ko pa rin ang kagwapuhan niya.

"Shelly, wag mong pagpantasyahan si Schuyler!" sabi ko sa sarili.

Hindi ko na talaga mapigil ang antok kaya pumikit na ako.


"Shelly, patapos na ang movie." Bulong sa akin at ramdam ko ang init ng hininga na dumampi sa aking taenga kaya napagising ako at nakita na nakahilig ako kay Schuyler kaya dali dali akong umayos ng upo.

Tapos na ang movie... Click! ( lights on ).

"Nakatulog pala ako." At tumingin kay Schuyler. Dumampi ang daliri ni Schuyler sa labi ko.

"Shelly, may popcorn ka sa labi." Sabay sabi pagkakitang nagulat ako. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang bibig.

Lumabas na kami ng sinehan.

"Hindi na kita ginising kanina kasi ang sarap ng tulog mo."

"Pasensya na ha. Maganda ba ang movie? Ikuwento mo sa akin kasi baka tanungin na naman ako ni Dave." Natawa lang siya. Napansin ko na may lipstick ang white t-shirt niya.

"Schuyler wait!" at tumigil sa paglalakad. Sinipat ko ang lipstick na nasa t-shirt niya.

"Ah! Same color ng lipstick ko." Saka tinuro ang lipstick stain sa t-shirt. Tiningnan naman niya.

"Kanina sobrang antok mo napasandal ka sa dibdib ko kaya siguro nagkaroon ng stain."

"Nahalikan ko ang dibdib niya." Natatarantang naisip ko.

Nagpaalam ako na mag cr lang at hinintay niya ako sa labas ng cr. Binasa ko ng tubig ang panyo. Lumabas ako at nilapitan agad si Schuyler. Pinunasan ko ng basang panyo ang stain sa t-shirt niya at napatigil ako ng mapansin na nagtitinginan sa amin ang mga tao. Napatawa si Schuyler.

"Shelly, ako na lang ang magpupunas." Napapangiti pa rin siya at napahiya naman ako sa ginawa ko. Natanggal naman ang lipstick sa t-shirt.

"Lagot ka sa akin Amanda nag smudge naman pala ang lipstick na binigay mo." Sa isip isip ko.

Naglibot kami sa mall at napadaan sa arcade area. Pumasok siya at sinundan ko. Bumili siya ng token at pumuwesto sa arcade basketball shooting game.

"Shelly, gusto mong maglaro?"

"Hindi ikaw na lang papanoodin na lang kita." Nag umpisa na siyang magshoot. Grabe ang galing niya at lalo siyang gumugwapo sa paningin ko. Nagsipaglapitan ang mga tao sa amin at pinanood siya. Napapa "wow" ang mga tao.

"Schuyler, nakakainlove ka."

Ang daming lumabas na ticket sa machine.

"Schuyler, isa pa." sinuklian niya ako ng ngiti. Naglagay ulit siya ng token. Ang galing niyang mag release ng bola at shoot lahat. Pagkatapos niyang maglaro nilapitan siya ng mga babaeng manonood kaya napaatras ako sa kinatatayuan. KInausap siya, kinuha niya ang mga ticket at lumapit sa akin. Nagpasalamat siya sa mga nanood at hinila ako para papalitan ang ticket.

"Shelly!" at inabot sa akin ang teddy bear keychain.

"Wow! ang cute naman. Salamat."

Dinala ako ni Schuyler sa isang restaurant. Pagkatapos naming kumain kinuwento niya sa akin ang movie na pinanood namin at saka ko naintindihan.

Hinatid niya ako sa sakayan ng FX at saka umalis. Nilingon ko siya habang papalayo.

"Schuyler, hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko. Sana lagi na lang kitang kasama."


Office

"Good morning!" bati ko kina Dave at Safety.

Nilapitan ako ni Dave.

"Shelly kamusta ang date ninyo ni Sir?" na eexcite na sa ikukuwento ko.

"Ok lang naman at ang daya ninyo nang iwan kayo sa ere."

"Shelly, sensya na naglaba kasi ako kahapon." sabi ni Safety habang nagawa ng permit.

"May date naman ako. Ano naintindihan mo ba ang pinanood mo? At kamusta naman ang date ninyo? Nagholding hands? Nagkiss?" Sabi ni Dave na mukhang kinikilig.

Bumukas ang pinto at pumasok si Schuyler.

"Naintindihan ko na story. Hindi nga ako kumukurap sa panonood eh." Tiningnan ko si Schuyler napangiti habang inaayos ang mesa at hindi naman siya kumontra sa sinabi ko.

Dahil 8 o'clock na. nagsipag akyatan na sina Dave at Safety kaya hindi na nila ako natanong pa.

"Shelly" tawag ni Schuyler. Lumapit ako sa kanya.

"Anong sinsabi mong hindi ka kumukurap sa pinanood mo?" Iniwas ko ang aking tingin kay Schuyler at nabaling sa teddy bear keychain na nakasabit sa bag ko.


Moment with You


Ipagpapatuloy

------------------------------------------------------------------

----FLASHBACK---

<Schuyler>

Nanonood siya ng movie ng maramdaman na sumandal sa balikat niya ang ulo ni Shelly. Nakita niyang mahimbing ang tulog nito.

"Tinulugan ako ng ka-date ko." saka napangiti. Nag alala siyang baka sumakit ang leeg ni Shelly kaya dahan dahang inakbayan at nilapit sa kanya at napasandal sa dibdib niya si Shelly.

"I love you Shelly." bulong niya pero hindi man lang natinag sa pagkakatulog si Shelly.

Pinagpatuloy na ang panonood.

Nang malapit nang matapos ang movie dahan dahan niyang inalis ang pagkakaakbay at hinilig niya sa kanya at saka ginising si Shelly.


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon