Chapter 28

3.6K 63 2
                                    


"Good morning." bati ko

"Good morning Shelly." Bati ni Dave saka inakbayan ako.

"Shelly, sabay tayong mag lunch mamaya ah." Sabi ni Schuyler. Gulat na napatingin sa kanya sina Dave at Safety. Inalis ni Dave ang pagkakaakbay.

"Dave, halika nga dito." Tawag ni Schuyler at lumapit agad si Dave.

"Inakbayan ka kasi Shelly kaya siguro tinawag." Mahinang sabi ni Safety.

Naiwan kaming dalawa sa office ni Schuyler. Nag review ako ng layout, siya naman busy sa laptop niya.

"Shelly, pa-revise nga itong lay-out." Tumabi ako sa kanya para maintindihan ang instruction niya. Ang bango ni Schuyler ang sarap amuyin.

"Kakaiba talaga itong si Schuyler. Pagtrabaho, trabaho lang walang personalan." Sa isip isip ko.

"Naintindihan mo ba?" dahil iba ang iniisip ko hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Sir, hindi po." Tiningnan lang niya ako saka inulit.

"Naintindihan mo na ba?" mahinahong tanong niya.

"Opo."

Ang bilis ng oras hindi ko namalayan na mag 12pm na. Dumating na sina Dave at Safety.

"Shelly, halika na." yaya ni Schuyler. Hindi na ako umangal pa kasi ayoko siyang ipahiya at lihim na napatingin sa amin si Dave at Safety.

Sa basement 1, pinagtitinginan kami ng mga staff at worker. Ang lapit kasi ni Schuyler sa akin habang naglalakad.

Sa restaurant inalalayan akong maupo ni Schuyler.

"Thanks."

"Shelly, ano ang gusto mong kainin?" habang tinitingnan ang menu.

"Ikaw na lang ang pumili."

Hindi ako kumikibo habang hinihintay namin ang pagkain.

"Shelly, Hindi ka ba nahihirapan sa office."

"Hindi naman po."

"Basta pag may tanong o kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi sa akin." Ngumiti lang ako.

"Dito mo rin ba dinala si Victoria? Totoo bang hindi mo gusto si Victoria? Ito ang gusto kong sabihin sa iyo." Sa isip ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa at nagulat ako.

"Shelly, i love you." nakatitig sa aking mga mata.

"Schuyler." Naguguluhang sabi ko.

"I love you so much Shelly." at pinisil ang kamay ko.

Sinerve ang pagkain kaya inalis ko ang pagkakahawak ni Schuyler.

"Shelly..." pinutol ko ang gusto niyang sabihin.

"Schuyler, pag-iisipan ko. Kumain na tayo." Sinimulan ko ng kumain.

Paglabas namin sa restaurant iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Schuyler.

"Totoo bang I love you ang sinabi niya sa akin?"

"Shelly." hinawakan ako sa bewang dahil mababangga ako sa may exit. Grabe kinilabutan ako sa paghawak niya kaya agad kong inalis ang kamay niya sa bewang ko.

Wala kaming usapan hanggang makarating ng office.

As usual tumingin sa amin sina Dave at Safety. Lumabas si Schuyler kaya sinamantala ng dalawa na usisain ako.

"Shelly, nanliligaw ba sa iyo si Schuyler?" tanong ni Dave.

"Hindi naman." Tanggi ko.

"Eh bakit ka ininvite may lunch sa labas?" naiintriga si Dave.

"Ah kasi nangako siya sa akin na ililibre ako kapag natapos ko agad ang 3 shopdrawings na pinagagawa niya. Natapos ko agad kaya yun." Ginawa ko lang ang kwento para hindi na sila magtanong pa.

"Ah ganun ba?" kinuha na ni Dave ang hard hat at sabay silang lumabas ni Safety.

Bumalik na si Schuyler.

"Schuyler." At lumapit ako sa kanya.

"Ano yun Shelly?." nahalata niyang may gusto akong sabihin.

"Schuyler, tinanong ako ni Dave at Safety kung nanliligaw ka sa akin."

"Then?"

"Sinabi ko na hindi ka nanliligaw. Tinanggi ko kasi ayokong mailang sa kanila. Sana naiintindihan mo."

"Kung yan ang gusto mo." Sagot ni Schuyler at akmang hahalikan ako kaya pumikit ako. Matagal akong nakapikit pero hindi ako hinalikan kaya minulat ko ang mata at nakitang nakatayo pa rin siya sa harapan ko.

"Shelly, ihahatid kita mamaya." Saka umalis at naiwan akong nakatulala.


5pm

Sabay kaming pumunta ni Schuyler sa Basement 3 kung saan naka park ang kotse. Binuksan niya ang front seat saka sumakay ako. Nilagay ko ang seat belt at sumakay na rin siya.

Natulog ako habang nasa biyahe para hindi ako mailang sa kanya.

"Shelly..gising na." gumising ako nasa tapat na pala ng bahay namin. Inalis ko ang seat belt.

"Shelly." lumingon ako sa kanya at bigla akong hinalikan. Mariin ang kanyang mga halik. Itinulak ko siya.

"Shelly. I'm sorry. I love you." galit kong tinitigan siya saka mabilis akong bumaba at pumasok sa bahay.


Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon