Chapter 29

3.4K 59 0
                                    

"Grabe ang lamig na talaga tapos ang lakas pa ng aircon ng bus." inayos ko ang suot kong dyaket .

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng office, nabungaran ko si Schuyler nasa mesa niya, hindi pa dumarating sina Dave at Safety.

"Good morning Sir." bati ko kay Schuyler.


"Shelly, Sensya ka na kahapon ha." At nakatingin sa akin.

"Sir, wag na natin pag-usapan yan nasa trabaho tayo.!"lumabas ako ng office at pumunta ng cr. Naghuhugas ako ng kamay ng may tumabi sa akin, si Victoria pala. Kunwari hindi ko nakita at nagmadali akong lumabas.

"Shelly." Tawag sa akin ni Schuyler. Lumapit ako at may binigay na plano at review ko daw.

Tok!Tok!Tok! Binuksan ni Safety ang pinto.

"Sino si Shelly Angeline Henson?" at may dalang 3 red roses at maliit na regalo. Napatingin sina Schuyler at Dave.

"Ako po." binigay sa akin ang isang papel para pirmahan at binigay ang roses at regalo.

Tumabi sa akin si Dave at Safety para usisain kung sino ang nagbigay. Tiningnan ko ang card na nakalagay.

" I Love You Shelly Angeline Henson."

"Yun lang ang nakalagay?... Shelly, buksan mo na ang regalo." banat ni Dave. Nakita ko na kapareho ng penmanship ni "guy starts loving"...Binuksan ko ang regalo, chocolate ang laman. Binigyan ko si Dave, Safety at si Schuyler. Nagpasalamat si Schuyler sa akin.

"Shelly, Hindi kaya si Schuyler ang nagpapadala niyan?" bulong ni Dave.

"Hindi siguro kasi iba ang penmanship."

"Eh kung iniiba lang ang sulat?"

"Hmmm...Hindi din, kasi dati pa ako nakakatanggap niyan. Eh ibigsabihin dati pa may gusto si Schuyler sa akin?"

"Hmmmm....malay mo." Napaisip na sabi ni Dave.

"Ikaw kaya Schuyler?" sa isip isip ko at pinagmasdan ko siya.

"Dave, Safety and Shelly, pupunta ako ng MA Tower at sa mga susunod na 3 araw may conference ako kaya Dave ikaw muna ang incharge sa project kapag may mga tanong kayo, i-message nyo lang ako.... May sasabihin pa ba kayo?" At niligpit na ang laptop.

"Wala po." Sabay sabay naming sagot. Lumabas na si Schuyler ng office.

"Yes! 3 days na walang mag-uutos sa akin." Bulong ko.

Sina Dave at Safety umakyat na sa taas naiwan ako sa office. Inilock ko ang pinto, Umunat-unat at naupo sa tapat ng upuan ni Schuyler.

"Schuyler, hindi kita mamimiss."

Tok!Tok!Tok! binuksan ko ang pinto.

Si Wallance hinahanap si Schuyler.

"Wala po si Sir."

"May papipirmahan sana ako sa kanya."

"Si Dave ang project incharge simula ngayon kaya balik ka na lang mamayang 1pm."

"Shelly, kamusta ka na?"

"Ok naman...... may boyfriend na ako." nagulat siya sa narinig. Sinabi ko iyon dahil ayoko ng paasahin pa siya.

"Congrats." Tumayo at lumabas ng office.

Tinawagan at ikinuwento ko kay Ivy ang sinabi ni Schuyler.

"Dapat sinabi mo na gusto mo siya." nanghihinayang na sabi ni Ivy.

"Nainis kasi ako, may Victoria na tapos ako ang isusunod niya."

"Diba nga sinabi niya na hindi niya gusto si Victoria. O binigyan ka na ng pagkakataon palalampasin mo pa ba? Girl, bigyan mo siya ng chance sige ka baka magsisi ka pag nakita mong may kasama siyang ibang babae, tapos iiyak iyak ka na naman."

"Ok sige pag-iisipan ko."

3 days na siyang wala sa office.

Ring!Ring!

(Amanda calling)

"Ate, yung sapatos kailan mo ba iuuwi?."

Naalala ko naiwan ko pala sa bahay ni Schuyler ang mga gamit ko. Tinawagan ko si Schuyler kaya lang cannot be reach kaya naisipan kong pumunta sa bahay nila pagkatapos ng trabaho.

"Nandito na kaya si Schuyler sa bahay?"pinindot ko ang door bell.

Dingdong!!!!!..


Because it's you 



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon