Chapter 11

4.4K 72 0
                                    

Sa Basement 3 ng The Seven Hotel, bumaba ako sa kotse at nagpaalam kay Schuyler na mauuna na sa office.

Sabay dumating si Schuyler, Dave at Safety. Wala pang 8 o'clock kaya nagkape muna si Safety Marcus.

"Shelly, Hindi ka ba nahirapan umuwi nung wednesday?" tanong ni Safety habang naghahalo ng kape.

Napatingin sa akin si P.M.

"Hindi naman, sa kaibigan ko ako nakitulog."

"Grabe ang baha noh?" dagdag pa niya.

"Oo nga eh."

Bigla akong tinawag ni P.M at pinasusubmit ang A0 plan. Save by the bell. Alam niya na baka tanungin pa ako ni Safety.

Umakyat ako sa Basement 1. Nakasalubong ko si Wallance.

"Good morning Mam!" bati niya sa akin.

"Good morning Sir." at dumiretso na ako sa office ng Jk. Pina-receive ko ang plano sa Document Controller. Tinanong ako kung ako ang bagong autocad operator ng Crewe at may pina-receive sa akin na letter.

Binigay ko kay Sir Schuyler ang letter. Binasa at sinabi na old issue na naman.


Dumating si Foreman, humihingi ng plano ng ibang palapag at pinasasama niya ako para macheck ko ang actual site condition kasi busy si Dave sa testing saka urgent daw un. Nagpaalam ako kay Schuyler at tumango lang siya. Nagsuot ako ng PPE at sumama kay Foreman. Sumakay kami ng elevator sa Basement 1, sa 10th Floor kami pumunta. Sabi ni Foreman hindi sa 10th Floor kami talaga pupunta kundi sa 20th Floor. I-checheck lang daw niya ang status ng tao sa 10th Floor.

Dahil sa matagal mag-abang ng elevator nag stair na lang kami papunta sa 20th Floor. Nasa 15th Floor palang pagod na ako sa paglalakad at pinagpapawisan.

"Mam, ok ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Foreman.

"Foreman, ayaw ng humakbang ng paa ko." nanghihingal na sabi ko.

"OK! Pahinga muna tayo kapag lagi kang umaakyat masasanay ka din."

Sa wakas nasa 20th Floor na kami. Tiningnan ko ang Dining Area. Magkaiba ang location ng devices sa actual at sa hawak kong plano. Kailangan maayos agad yun dahil maglalagay na ng ceiling ngayong araw.

Sinabi ko kay Foreman na i-verify ko muna. Hindi na daw ako masasamahan ni Foreman kasi titingnan pa niya yung ginagawa ng wotkers sa ibang area sa 20th Floor. Nakisuyo siya sa nakitang Foreman ng JK na tawagan ang elevator operator na dumaan sa 20th Floor para hindi na ako mahirapan pababa. Nakasakay agad ako ng elevator papuntang Basement 1. Ininform ko si Schuyler at sinabihan ako na hanapin kung may revise issue ng plano ang 20th Floor.

Kahit busy siya sa paggawa ng letter tinulungan niya akong maghanap. Ilang saglit lang nakita na namin ang latest plan. Kailangang baguhin ang location ng devices sa site.

Nag cr ako para maghilamos kasi ang alikabok masyado sa site. Paglabas ko nakita ko si Wallance may kausap na babaeng staff ng ibang sub-contractor. Nagtatawanan sila at halatang kinikilig ang babae. Dumaan ako sa gilid nila.

"Hi mam!" biglang sabi ni Wallance.

Napatingin ako kay Wallance at napatingin naman sa akin ang babaeng kausap niya.

"Siya ba yung sinasabi mo sa akin na staff ng Crewe? Si Shelly...Wallance?" tanong ng babae sa kanya.

Napangiti lang si Wallance.

"Hi! Shelly. I am Victoria Secretary of LM Company." pakilala niya.

"Nice meeting you."

"Oh Schuyler." sabi ni Victoria pagkakita kay Schuyler.

Lumapit sa amin si Schuyler. Inutusan niya ako na i-pareceive sa JK DC ang letter. Palabas na ako sa JK Office ng makita ko na nakahawak si Victoria sa braso ni Schuyler. Busy sila sa usapan at hindi nila ako napansin na papalapit sa kanila pero si Wallance tumingin sa akin. Nagbaba lang ako ng tingin.

Hinanap ko si Foreman sa warehouse kung dumating na, kasi usually dun siya tumatambay. Wala pa pala si Foreman kaya naghabilin ako na papuntahin si Foreman sa akin.

Busy si QC sa laptop niya. Dumating na din si Safety Marcus.

"Sir Dave, ano ang apelyido ni Wallance?"

Napatigil sa pagta-type niya at napangiti sa akin.

"Bakit?.. Bakit mo naitanong? Crush mo noh!?" sunud sunod na tanong sa akin ni Dave.

"Mam, alam ko wala pa yung asawa at girlfriend." sabat ni Safety.

"Wag kang mag-alala ilalakad kita!" nangingiting sabi ni Dave.

Biglang pumasok si Schuyler.

"Sir Schuyler, Ano nga ba ang apelyido ni Sir Wallance?" tanong ni Dave.

"Andrada. Bakit mo naitanong?"

"Tinatanong po ni Shelly, may gusto si Shelly kay Wallance." nangingiting sabi ni QC Dave. Si Schuyler tiningnan ako at kumunot ang noo.

"Naku Sir hindi po." tanggi ko.

"Eh bakit nagbablush ka." dagdag pa ni Dave.

Mabuti na lang dumating si Foreman at sinabi ko kaagad kay Foreman yung tungkol sa 20th Floor.


Ang dami kong ginawa buong maghapon, nakakapagod. Dalawang araw din akong hindi umuwi sa amin.

Mag-isa akong naglakad papalabas habang tinitingnan ang maaliwalas na kalangitan.

"Mam, Shelly!" may tumatawag sa akin. Lumingon ako at nakita si Wallance kasunod ko pala. Sinabayan akong maglakad at nakita ko na dumaan ang kotse ni Schuyler.

Ininvite akong kumain treat daw niya. Nahihiya naman akong tanggihan dahil siya ang tumulong sa aking ng maaksidente ako. Sa Pizza Store sa Skagen Mall kami kumain. Nagkuwentuhan kami, ang sarap niyang kausap. Ang cute pa niyang ngumiti na nakakainlove. Hindi tulad ni Schuyler masyadong seryoso. Tinanong niya ako kung may boyfriend na ako. Sinabi ko wala pa. Impossible daw na wala pa sa ganda ko daw. Natawa lang ako sa sinabi niya. Nakita kami ni Safety napangiti lang sa akin. Matagal din kami nag-usap ni Wallance. Nalaman ko na single siya at wala pa rin girlfriend.

Hinatid niya ako sa sakayan ng FX. Hinintay muna niyang umalis ang sinasakyan kong FX bago siya umalis.

Pagdating ko sa bahay tinago ko muna ang mga damit na binigay sa akin ni Schuyler. Iwas muna sa pagtatanong ni mama sa akin.

"Buti pa si Wallance mabait hindi tulad ni Schuyler masungit!"


Knowing You


Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon