Chapter 31

3.4K 65 0
                                    

Sa kwarto, kausap ko si Ivy sa facebook.

"Shelly, kamusta ka na?" Fb message ni Ivy.

"Mabuti naman. Ikaw?"

"Eh si Schuyler nag usap na ba kayo?"

"Hindi pa. Wala nga akong balita eh."

"Alam mo Shelly inadd ko siya sa fb. Inaccept naman niya at nakita ko na may latest post siyang picture, may kasamang magandang babae. Sa Singapore yata un. Ito isesend ko sa iyo ang picture"

"Maganda nga ang babae pero hindi siya yung nakita ko dati na kasama niya sa picture at mukhang magkahawak sila ng kamay." Naiinis na sabi ko.

"Hindi naman makapagtataka na marami siyang babae...sa gwapo niyang iyon." Dagdag ni Ivy.

"Ivy, Ni Hi or Hello wala nga eh. Ikaw ba naman kung gusto mo ang isang tao kahit busy maglalaan ka pa rin ng panahon."

"Shelly, may point ka nga." reply pa ni Ivy.

Humiga ako sa kama at kinuha ang cp. Gusto ko siyang tawagan o i-message at sabihin na miss na miss ko na siya. Niyakap ko ng mahigpit ang unan at hindi sa kalayuan natanaw ko ang roses na binigay sa akin. Tumayo ako at kinuha ko sa drawer ang isang folder at binuksan, mga piraso ng tuyong roses at ang mga card na nakalagay.

"Sino kaya ang nagbibigay sa akin ng mga ito?" Impossibleng si Schuyler dahil hindi ganito ang penmanship niya." Humiga uli ako sa kama at nagtaklob ng kumot.


Bukas Christmas na, busy na kami ni Amanda sa pagbabalot ng regalo samantalang si mama busy sa pagluluto.

"Ate, napapansin ko malungkot ka lagi. Namimiss mo si Schuyler noh?"

"Hmp!.. Wag mo na nga banggitin yun."

"LQ kayo? Ano sabi nung binigay mo yung regalo mo."

"Hindi ko pa nga nabibigay kasi wala siya."

"Ah! Kaya pala. Na mimiss mo talaga."

"Wag na nga natin siyang pag usapan. Tapusin mo na lang yang ginagawa mong pagbabalot ng regalo." At tumayo ako at kinuha ang cp na nasa ibabaw ng mesa.

"Wala pa rin message si Schuyler. Kamusta na kaya siya?" bulong ko.

Tinulungan ko si mama sa pagluluto ng mga handa dahil marami kaming darating na bisita bukas. Ginawa kong busy ang sarili, pagkatapos kong tulungan si mama sa kanyang pagluluto. Nilinis ko din ang buong bahay. Tumunog ang cp ko na nasa bulsa. Siguro si Schuyler na ito.

"Happy Holiday!" message from Wallance.

"Thanks. Happy Holiday!"

"Kamusta ka na Shelly?"

"Ok naman at medyo busy. Ikaw?"

"Ok lang. Busy din madaming bisita sa bahay ngayon."

"Musta na ang lovelife?"

"Masaya naman. Pasensya na Wallance may dumating na bisita." Palusot ko lang para maputol ang usapan namin at hindi na siya nagreply.

Kumuha ako ng chocolates sa ref. , chocolates na binigay sa akin nung stalker ko.

Nguya... Nguya... Nguya.

"Ate, tataba ka niyan, penge nga ako." Kinuha ni Amanda ang natitirang piraso ng chocolate.

"Ikaw talaga Amanda!"

"Ate, samahan mo akong bumili ng regalo, kulang pa yung nabili ko para sa mga inaanak ko, dyan lang tayo sa malapit sa The Greens mall."

Naghanda na kami at nagpunta na sa mall.

"Amanda, ang daming tao."

Ang daming tao at panay may partner pa ang nakikita ko nang aasar ba sila?. Samantalang ako ito nag-iisa.


Standing Alone



Ipagpapatuloy


Don't forget to  vote

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon