Chapter 3 - ( Accident )

6.5K 103 0
                                    

Pagkatapos kong mag attendance, inumpisahan ko ng maglinis. Pumasok si Foreman Alex at nakita ako.

"Bakit ikaw ang naglilinis?" may inassign ako para maglinis ng opisina" sabi ni Foreman habang nag log-in sa attendance sheet.

Pumunta siya sa workers quarter, pagbalik niya may kasama na siyang may dalang basahan.

"Ito si Carlo, siya ang naka-assign maglinis dito ng buong linggo."

Ibinigay ko kay Carlo ang hawak kong walis tambo.

"Ilang taon ka na ba? May-asawa o boyfriend ka na ba?" ang tanong sa akin ni Foreman.

"26 po at single pa."

"O Carlo! Si Mam single pa!" tuksong sabi ni Foreman at sabay ngiti sa akin.

Napangiti si Carlo, ako naman nakangiting nakatingin kay Foreman.

"Mam, pahingi ng plano ng First Floor." seryosong sabi ni Foreman Alex.

Naku lagot na sa isip-isip ko.

"Sir, hindi ko pa alam kung saang files naka save ang mga updated plans hinihintay ko dumating si Project Manager.

"Ah, ganun ba? Hindi pa pala makaka pag-umpisa sila gumawa sa First Floor. Hindi na bale iba na muna ang ilalagay ko sa schedule."

Dumating na si Safety at inasikaso agad ang permit para maka-punta na sa designated location ang mga workers. Hindi pa dumarating si Dave at naisip ko na baka pumunta sa head office.

Naiwan na akong mag-isa. Nagbasa muna ako ng standards na naka-save sa desktop. Napapikit na ako sa kinauupuan ko, inaantok at nilalamig na kaya hininaan ko ang aircon.

"Ah! hindi ko na kaya ang antok." Lumabas ako at ni-lock ang pinto, hinabilinan ako ni Safety na kung aalis i-lock ko ang pinto baka may pumasok na ibang tao at may mawalang mga gamit. Nagpaalam ako sa warehouse man na si Frank na pupunta ng cr sakaling may maghanap sa akin.

Habang naka-upo sa toilet bowl, umidlip muna ako ng mga ilang minuto tapos naghilamos para mawala ang antok. Nagmamadali na akong bumalik sa office. Kumatok ako sa warehouse para manghiram ng susi, hindi pa kasi ako nakakapagpa-duplicate. Nakailang beses na akong kumatok wala pa rin nagbubukas ng pinto.

"Walang tao! Nasaan na kaya si Sir Frank?"

Limang minuto akong nakatayo sa tapat ng pinto nang makita kong paparating si Safety Marcus.

"Dala mo ba ang cellphone mo?" tanong ni Safety sa akin.

"Hindi po, nasa bag ko." sagot ko.

"Pagdating ko dito kanina sa office wala ka kaya tinatawagan kita sa basement 1. Wala din kasi signal dito sa basement 2 kaya umakyat muna ako. Tumawag sa akin si P. M. kanina at hiningi ang number mo, hindi ka niya ma-contact kaya nag-message na lang siya sa akin. Nagpapa- email siya ng plano sa iyo. Wala tayong internet signal dito sa basement 2, sa Skagen mall ka pumunta para ma-send mo ang hinihingi niya. Ito ang message niya at inabot sa akin ang cellphone. I-message mo si P.M pag na email mo na." sabi ni Safety Marcus at binasa ko ang instructions ni P.M.

"Ok cge po, save ko lng sa flashdrive ang files at magpapa-duplicate na rin po ako ng susi ng office." dagdag ko pa.

Pumunta na ako sa Skagen Mall. Hindi ako nahirapan hanapin ang Internet Café. Pagkatapos kung ma-email tinext ko kaagad si P. M.

Message sent!

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Message receive:

Thanks Ms. Henson – P. M.

Hindi na ako nag reply. Dumiretso na ako sa key duplicate center. Maraming nagpapa duplicate ng susi kaya babalikan ko na lang mamaya at bumalik na ako sa office.


1pm

Tok! Tok!!..

"Good Afternoon!" bati ko sa dumating.

"Good afternoon Mam! pakirecieve ito." sabi ng lalaki at inabot sa akin ang papel.

May meeting mamayang 3:00 pm ang mga autocad operator ng mga sub-contractor sa Conference Room ng Joong Ki Construction Corp., ang general contractor ng The Seven Hotel.

Nakilala ko ang mga autocad ng subcon. Lahat ay lalaki ako lang ang babae. Nag- take down note ako para ma-rely ang pinag-usapan kay P.M. 5pm na natapos ang meeting at pagbalik ko sa office, nag-out na sila. Hinintay ako ni safety Marcus at sabay kami lumabas. Naalala ko na kukunin ko ang pina-duplicate ko na susi. Nagpaalam ako kay Safety at siya'y dumiretso na papuntang terminal.

Malapit pa lang ako sa may entrance ng makita ko na may pila nang namumuo sa pagpasok sa Skagen Mall.

"Bakit kaya maraming tao?" luminga-linga ako para malaman ang dahilan.

May Singing Contest pala sa Activity Center.

Dumiretso ako sa Key Duplicate Center.

"Sa wakas nakuha ko na rin!" nasambit ko habang tinitingnan ko ang hawak kong susi.

Hindi ko namalayan ang mga batang nagkukulitan mula sa aking likuran dahil sa pagtulak ng batang lalaki, napasandal sa akin ang kakulitan niyang batang babae.

"Ay!" bigla kong sambit at nalaglag mula sa aking kamay ang susi. Sa takot ng dalawang bata na mapagalitan ko bigla silang tumakbo papalayo sa akin.

"Mabuti hindi ako na pasubsob kaya lang saan napunta 'yong susi?"

Nahirapan akong maghanap kasi maraming taong dumadaan.

"Wag ka naman mawala!" parang sirang nasabi ko sa sarili ko.

"Ayun! Nakita din kita!" yumuko ako para abutin ang nalaglag na susi.

"Ouch!....natapakan ang kamay ko!"....malakas na sigaw ko.

Napatingin at napahinto sa paglalakad ang mga tao.

"Miss Sorry!. Ok ka lang?" sabi ng lalaking naka baseball cap habang hawak niya ang kanang kamay ko na dinadampian niya ng panyo.

"Sorry Miss! Sorry Talaga!..maiwan na kita nagmamadali lang ako."

"Wait lang!..ang panyo mo!" habol ko sa kanya.

Dahil sa dami ng tao mabilis siyang nawala.

"Grrrr!!! lagot ka sa akin kapag nakita kita!"


It was not an accident. There is only some purpose we haven't yet understood.


Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon