"Oo, malapit lang yung condo ko dito at wag kang matakot. Baha na halos ng kalsada kaya wala na tayong magagawa." seryosong sagot niya.
From MA Tower 20 minutes travel time. Pinark ni Schuyler ang kotse sa isang exclusive condominium. Bumaba at binitbit ko ang mga plano. Sinundan ko siya sa paglalakad. Nakatingin sa amin yung mga kasabayan namin sa elevator. 10th floor ang pinindot niya. Naglabasan na ang mga nakasabay namin at naiwan kami sa elevator ng walang imimikan.
Sa room 107. Coded door lock.
TIk!TIk!TIk!TIk!
"Shelly, pasok ka na."
Parang ayaw kong pumasok kasi nahihiya ako.
"Wag kang matakot hindi naman kita kakainin." biro pa niya.
Pagpasok ko, binigyan agad ako ng slipper. Iniwan ko ang shoes sa shoe rack na nasa gilid ng pinto. Black and white ang motif ng condo. Nabungaran ko kaagad ang magandang dekorasyon ng living area. Sa hindi kalayuan matatanaw ang kusina at room na fully glass ang wall na nilagyan ng kurtina para hindi makita ang loob. Dahan dahan akong umupo sa sofa.
"Gutom ka na ba?" tanong sa akin ni Schuyler na katatapos lang magpalit ng damit. Naka suot siya ng white t-shirt at jogging pants.
"Shelly, drooling ka na! kalma lang!" sa isip-isip ko.
"Ito nga pala pamalit mo at doon ang cr." Sabay turo.
Binigay sa akin ang tuwalya, t-shirt at jogging pants. Nagpaalam si Schuyler na bibili ng pagkain. Hindi siya nag stock ng pagkain kasi minsan lang daw siya pumupunta at may grocery na malapit sa condo. Tinawagan ko si mama pagkatapos si Ivy. Kinamusta ko si Ivy at pinaalam na nasa condo ako ni Schuyler.
"What? Gulat na gulat na sabi ni ivy.
"Pagkakataon mo na, Shelly!" biro pa niya.
"Hahahaha...loko ka talaga!. No choice lang talaga malakas ang ulan at baha na pauwi. Tinawagan pala kita sinabi ko kay mama na sa iyo ako tumuloy. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa condo ako ni Schuyler. Eh di nag hysterical yung mga yun, pipilitin nila akong umuwi kahit lumangoy pa ako makauwi lang." biro ko pa.
"Ok cge, wag kang mag-alala basta mag-enjoy ka at wag mong sayangin ang pagkakataon." sabay cancel.
"Ang tagal naman bumalik ni Schuyler. Gutom na gutom na ako."
Narinig kong bumukas ang pinto. Nakita niya na sinuot ko na ang damit, napangiti dahil malaki ang damit sa akin. Sinabi niya na magluluto na lang siya ng pagkain.
"What? Sir naman! magluluto pa, gutom na gutom na ako!" Sa isip-isip ko.
"Sir tutulungan na kitang magluto."
"Wag na, manood ka na lang tv o magpahinga ka na lang."
Switch on ko ang tv. Napanood ko na grabe ang baha na dulot ng walang humpay na pag-ulan. Maraming school na ang maagang nag-announce ng no classes para bukas.
"Kain na tayo." habang inaayos niya ang mesa.
Ang sarap ng niluto niya afritadang manok. Tahimik lang akong kumakain napansin ko siya na pasulyap sulyap.
"Nasabi mo na ba sa pamilya mo na hindi ka makakauwi?"
"Opo!.Na-infrom ko na po sila."
Pagkatapos naming kumain ako na ang naghugas ng pinagkainan at nilinis ko din ang kusina. Dumiretso siya sa living area at nanood ng balita. Pagkatapos pumunta ako sa living area para manuod din ng tv. Naupo ako sa single seater sofa malayo sa kanya. Ang bilis ng oras 9pm na. Sa bedroom niya ako pinatulog, samantalang sa sofa na lang siya matutulog. Hindi ako sumang-ayon sa set-up na ganun pero pinilit niya.
Pumasok ako sa kwarto at sabay sabing matutulog ako sa kama ni Sir. Yehey!!.. Naging excited ako. May picture na nakalagay sa ibabaw ng drawer na malapit sa kama. Kinuha ko at tiningnan mabuti, crush lang kita kasi gwapo ka!. Inamoy ko ang unan at kumot.
"Hmmmm.....Amoy Schuyler!!! ....."
Niyakap yakap ko ang picture at unan ng mahigpit at kinikilig ako. Hindi ako makatulog, paikot-ikot sa kama kahit sa panaginip hindi ko inisip na matutulog ako sa hinihigaan niya. Hmp! Siguro kaya siya may condo dito niya dinadala ang mga babae niya. Ew!!..Bigla akong bumangon at binuksan ko ng konti ang pinto at sinilip si Schuyler, natutulog na. Naisip ko na bukas didiretso na ako sa office, wala akong isusuot na undies kaya nagpunta ako sa cr na katabi lang ng bedroom at nilabhan ko, sa may upuan na malapit sa akin sinampay.
Nagising ako ng 5 o'clock ng madaling araw. "Good morning Schuyler!" sabay kiss sa picture, maayos kung binalik sa ibabaw ng drawer ang picture.
Inayos ko ang pinaghigaan at dumiretso agad sa cr para maligo. Sinuot ko ulit yung dati kong suot na pantalon at baon kong nag-iisang damit. Pinuntahan ko si Schuyler sa kusina na nagpiprito ng sausage.
"Good morning! ang aga mo naman gumising" bati ko sa kanya habang nag-aayos ng buhok. Ang gwapo niya sa umaga.
"Good morning! sanay na akong maagang gumising."
Tinulungan ko siyang mag-ayos ng mesa. Kumain na kami at pagkatapos ako ang naglinis ng mesa siya naman ay naligo na.
Binuksan ko ang tv at nanood ng balita. Marami pa rin area ang lubog sa baha at patuloy pa ang ulan.
"Naku! baka suspended ang work ngayon at baka hindi pa rin ako makakauwi. waaaa!!!!!! lagot na!"
Tumunog ang cellphone ni Schuyler na nakalagay sa sofa na nasa tabi ko.
Ring! Ring!Ring!.....
Ring! Ring!Ring!.....
Ring! Ring!Ring!.....
3 beses nang tumatawag...
Lumabas si Schuyler ng cr na nakatapis ng puting tuwalya. Nagulat ako sa nakita.
"Ang macho! Kitang-kita ang kagandahan ng upper body niya." natulala ako at hindi makakilos sa kinauupuan. Tumingin siya sa akin at hindi maalis ang aming mga paningin sa isa't isa habang papalapit sa akin at saka kinuha niya ang cp na nasa tabi ko.
Drooling!!!..
Nose Bleed!!....
A Little Closer
Ipagpapatuloy
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomantizmWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.